13

89 17 4
                                    

errors ahead

------------------------------

Chapter Thirteen: Explanation

Sariya

NAKA-TITIG LANG ako sa cellphone ko at nag-iintay ng text or ng tawag niya. Kahit alam ko naman na posibleng magka-sakit siya ay iniintay ko pa din na umilaw ang phone ko at makita ang pangalan niya sa screen.

Nag-padala ako ng mensahe sa kaniya ng ilang minuto. Naka-halumbaba ako at pinag-lalaruan ang hawak ko na ballpen. Tulog pa si Ate Faulene at si Kuya Johncent naman ay nag-luluto ng umagahan namin.

Dito na sa bahay nakatira si Ate Faulene para daw mabantayan ni Kuya Johncent ang pag-bubuntis ni Ate. Nang tinanong ko kung kelan sila magpapa-kasal ay tsaka na lang daw kapag umuwi na sila Mommy. Sure ko naman na next month or next next month uuwi na sila Mommy dahil alam ko na gusto din nilang alagaan ang pag-bubuntis ni Ate.

Napa-ayos ako ng upo ng makita ang pangalan ni Raptor. Agad kong binuksan ang kaniyang mensahe at binasa.

Raptor:

Good morning too. Kay Nikolas ka muna sumabay. I'll gonna call him. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko.

Napa-nguso na lang ako dahil sa kaniyang mensahe. Tanging okay na lang ang reply ko bago ako nag-tungo sa kusina. Sakto namang tapos na mag-luto si Kuya at nag-hahain na. Tinulungan ko naman siya at ng matapos ay umupo na ako sa upuan at nag-simulang kumain.

"Kayo na ba ni Raptor?"halos mabuga ko ang juice dahil sa biglaang tanong ni Kuya. Kumuha naman ako ng tissue at pinunasan ang labi ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero umiling-iling lang siya sa'kin.

"Ano ka ba naman Kuya!"singhal ko naman sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi natinag. Nginisian niya lang ako at tila nang-aasar.

"So, ano? Kayo nga?"ulit niya pa sa tanong niya.

Napa-tungo ako. Nahihiyang tumingin sa kaniya. Alam ko naman na kaibigan niya si Raptor pero nahihiya pa din ako dahil may gap ang edad namin. I'm 17 turning 18 in December. Then, he's now 26.

Sabihin man nila na maganda na mas matanda ang lalaki kesa sa babae ay nahihiya pa din ako. Raptor is mature, while me? I'm still watching We Bare Bears. Hindi naman sa childish ako pero parang ganun na nga.

Balak ko na sanang mag-salita pa ng may biglang bumusina sa labas. Matamlay akong nag-paalam kay Kuya na ina-asar ako. Nang maka-salubong ko si Ate Faulene ay hinalikan ko na lang ang kaniyang pisngi at lumabas na ng bahay.

Napa-busangot ako ng makita si Nikolas na naka-ngisi sa'kin. Even though I know that Raptor is sick, I can't avoid being disappointed. Ambang susuntukin ko siya kaya mabilis siyang pumasok sa driver seat.

"Good morning Sariya."

"Good morning too Mitzi."

Hindi ko na lang pinansin si Nikolas at tumingin na lang sa labas ng bintana. Pinapanuod ang mga tanawin na nada-daanan namin.

Napa-buntong hininga ako at biglang na-alala ang pag-bubuntis ni Ate Faulene. Sumulyap ako sa harapan at nakita ko ang mag-kasalikop na kamay ni Nikolas at Mitzi.

Napa-ngiti ako. Parang kailan lang ay si Zion ang kasama ni Mitzi ngayon naman si Nikolas na. Parang kailan lang ng malaman ko na si Mitzi pala ang nang-reject sa kaibigan ko. Parang kailan lang nag-kasakitan silang dalawa pero ngayon, sila na.

SmileWhere stories live. Discover now