03

128 23 8
                                    

errors ahead

------------------------------

Tatlo

"SHIT!"

Napa-hawak ako sa ulo ko ng maramdaman ang pag-sakit nito. Mag mu-mura pa sana ako ng makita kong mahimbing na natutulog si Sariya sa tabi ko.

Hinawi ko ang mga tumabing na buhok sa maganda niyang mukha. Inayos ko din ang pagkaka-kumot niya.

Then suddenly, I remembered what happen last night.

Nope, walang nangyari. I just kissed her. I have a respect to women. May kontrol ako sa sarili ko kung hanggang saan lang ako. Kung ayaw niya, hindi ko siya pipilitin.

Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili ko. Naabutan ko si Lolo na nagka-kape habang nagbabasa ng newspaper. Naabutan ko naman sa kusina si Tita Vangie at Aling Lusing na naglu-luto ng umagahan.

Binati ko sila ng magandang umaga bago ako nag-timpla ng kape. Dumiretso naman ako sa sala kung nasaan si Lolo at kumuha na din ng isang diyaryo.

"Good morning 'Lo."bati ko kay Lolo na tinanguan lang ako. Tahimik lang kami sa sala hanggang sa bumaba sa hagdan si Zion.

"Argh! Shit!"daing niya habang sapo-sapo ang kaniyang ulo. Dumiretso siya sa kusina at pag-balik niya ay may dala na siyang kape. Umupo siya sa tabi ko at sumimsim ng kape.

Sumandal siya sa sofa at pumikit. Nag-paalam naman si Lolo na aalis muna at pupunta sa mga kaibigan niya. Naiwan naman kami ni Zion sa sala.

"Anong pinag-usapan niyo ni Nicole kagabi?"pag-basag ko sa katahimikan. Tutal, kaming dalawa lang naman ni Zion dito sa sala at curios ako, tinanong ko na.

"Gusto niyang makipag-balikan sakin."

"Oh? Anong sabi mo?"

Knowing Zion, sure ako na nakipag-balikan 'to kay Nicole dahil sinabi niya kagabi ng nag-iinoman kami na may feelings pa siya sa ex niya.

"Sabi ko sige tutal naman may feelings pa ako sa kanya."napa-ngisi na lang ako. Sabi na eh!

"Eh ano mo si Mitzi? Bakit mo pa dinala dito? Akala ko nga may relasyon kayo."

"Si Mitzi? She's just a friend."

Friend?

Napa-iling na lang ako. Halata na sa kilos niya pero dine-deny pa din niya. Hindi niya alam, pwedeng masaktan si Mitzi kapag nalaman niya na kaibigan lang ang turing sa kanya ni Zion.

Sumimsim ako ng kape at halos mapa-buga ako ng iniinom ng makitang nasa hagdan si Mitzi at naka-tigil. Halatang kanina pa nakikinig.

Nilagay ni Mitzi ang hintuturo sa labi niya. Pinapa-tahimik ako. Bahagya naman akong napa-tango at tinignan si Zion. Naka-pikit pa din siya. Nang muling ibalik ko ang tingin ko sa kinata-tayuan ni Mitzi kanina, wala na siya.

Oh great!

Inubos ko muna ang kape ko at hinanap si Mitzi. Pumunta akong taas at hinanap siya sa balcony pero wala siya. Nang pumunta ako sa garden, nakita ko siya dun kasama si Sariya.

Hina-hagod niya ang likod nito at wari ko'y pinapakalma. Lumingon ako sa sala at nakita kong wala na si Zion sa inu-upuan niya. Maya-maya, nakita kong nagma-madali itong bumaba ng hagdan at ng makita ako ay agad siyang lumapit sakin.

"Did you see Mitzi?"

Hindi ako sumagot at binalingan na lang ang dalawang babae. Sinundan din naman ni Zion ang tinitignan ko. Pumunta dun si Zion at hinawakan sa braso si Mitzi.

SmileWhere stories live. Discover now