Simula

686 38 4
                                    

Simula

Raptor

"PAPATAYIN MO BA ang sarili mo?!"nagising ako sa sigaw ng pinsan ko na si Zion. Bahagyang minulat ko ang aking mata at nakita ko siyang nag-lilinis ng penthouse ko.

Simula ng namatay kasi si Mama ay hindi na ako tumira sa bahay namin. Madami kasi kaming memories ni Mama sa bahay namin kaya mas pinili 'kong sa penthouse na lang tumuloy.

May housekeeper naman kami kaya palagay ang loob ko na laging malinis ang tahanan namin. At isa pa, doon ko muna pinatuloy ang pamilya ng driver namin na si Manong Rodrigo. Ilang taon na siyang driver namin kaya alam kong nasa mabuting kalagayan ang bahay namin.

Sa pag-mulat ng mata ko, ang bumungad sakin ay ang sala na makalat. Puro bote ng beer at upos ng sigarilyo. Dito na pala ako sa sofa nakatulog dahil sa kalasingan.

"Bumangon ka na nga dyan. Ginagawa mo na akong katulong kapag naa-abutan kitang tulog pa tapos magpapa-luto ka ng agahan mo."napa-ngisi na lang ako dahil halatang inis na siya.

Sa tuwing nadalaw kasi siya sakin, lagi akong lasing kaya nagpapa-luto na lang ako ng agahan ko sa kanya. Binabato na lang niya ako ng throw pillow kapag naiinis na siya sakin.

Hayy!! Ang sarap sigurong mamahinga na lang.

"Aray! Ano ba?!"sigaw ko sa kanya ng bigla niya na lang ako batuhin ng throw pillow. Nginisian niya na lang ako bago niya pinagpatuloy ang pag-lilinis ng sala ko.

Hinubad ko naman ang t-shirt ko at ito ang binato ko sa kanya. Sakto namang humarap siya sakin kaya sa mukha siya natamaan. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Maligo ka na nga! Ang baho mo!"binato niya pabalik ang damit ko na agad ko namang sinalo. Nginisian ko na lang siya bago ako pumanhik sa ikalawang palapag ng penthouse ko at nag-tungo sa kwarto ko.

Hinubad ko naman ang natitirang saplot sa katawan ko bago ako pumunta sa loob ng banyo at agad na binuhay ang shower. Hinayaan ko lang na bumuhos sa katawan ko ang tubig at napa-pikit pero agad din akong nag-mulat ng mata.

Naa-alala ko lang kasi mga masasayang memories namin ni mama. Parang noong namatay siya, nawalan na din ako ng buhay. Nawalan na ako ng gana para ipag-patuloy pa ang buhay ko.

Wala na akong rason.

My Mom died when i was 17 at birthday ko pa ng araw na yun. Nasa camping trip kami ng tumawag sakin si Tito Michael na wala na si Mama. Nabangga daw ng sinasakyan niyang kotse. Huli na daw ng maka-iwas si Tito Ryan, kapatid ni Mama na naka-sama niyang bawian ng buhay.

Kahit hindi pa tapos ang camping trip namin, umuwi na ako para puntahan si Mama. Hindi ako makapaniwala na iniwan na din ako ni Mama. Sobrang sakit. Parang noong kailan lang, masaya lang kaming nag-uusap pero agad na siyang binawi sa akin.

Kung alam ko lang na mangyayari yun, sana pala hindi na lang ako sumama sa camping trip namin. Sana buhay pa si Mama hanggang ngayon pero, hindi ko naman hawak buhay ni Mama at isa pa, tapos na. Hindi ko na mababalik ang nakaraan para baguhin ulit.

Simula nun, hindi na ako naka-ngiti. Ano pang silbi ng pag-ngiti ko kung sa mismong kaarawan ko namatay si Mama? Parang tino-torture ako sa sakit. 

Kaya sa tuwing birthday ko, hindi ako nagha-handa. Para saan pa? Imbis na mag-saya ako kasi araw ng kapa-nganakan ko pero hindi. Labis lang ako nangu-ngulila dahil kay Mama.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Wala akong makita na kasiyahan sa mukha ko. Lagi na lang ako walang emosyon. Napahilamos ako sa mukha at bumuntong-hininga.

"You're so fvck up Raptor."bulong ko sa sarili ko bago ako nag-bihis at lumabas ng kwarto ko bago dumiretso sa kusina. Sakto namang tapos na mag-luto si Zion at nag-hahain na siya sa mesa. Fried rice, omelet at orange juice. Pang husband material na talaga itong pinsan ko.

SmileWhere stories live. Discover now