04

115 24 0
                                    

errors ahead

Sorry if ngayon na lang ulit ako nakapag-update. Patapon na phone ko HAHA minsan ko na lang magamit. Tinagkal pa pesowifi malapit samin tas ang hirap pa ng internet connection. Bawi na lang ako.

enjoy.

------------------------------

Apat

Sariya's Point of View

Sariya Winston

TINAWAG AKO ni Lola ng unang araw namin sa Tagkawayan. Tinatanong kung totoo nga ang sinabi sa kaniya ni Kuya Johncent. Minsan kasi niloloko ni Kuya si Lola kaya hindi naniniwala sila Lola sa kaniya.

Sinabi ko na totoo ang sinabi ni Kuya at pupunta ako sa kanila. Nung unang araw nga sana eh, kaso masyado akong napagod sa byahe kaya pinag-paliban ko muna.

Kanina pumunta kami sa ina-anak ni Raptor. Pagkatapos naman, pumunta ulit kami sa parke na pinuntahan namin kahapon kasama si Mitzi. Pinuntahan din naman ang school na pinag-aralan nila ng elementary at high school.

Uminit ang pisngi ko ng maalala ko yung aksidenteng pag-amin ko sa kaniya. Simula kasi ng makita ko siya sa bahay ng minsang nagpa-party si Kuya dahil kakadating lang niya galing abroad, hindi ko ma-alis ang tingin ko sa kaniya.

Simpleng v-neck white t-shirt at jeans lang ang suot na damit niya pero nakuha niya ang pansin ko. Dun nag-simula ang pagka-crush ko sa kaniya.

Crush lang naman. Hindi like. Hindi love.

Nalu-lungkot ako kasi ang saya ng stay ko tapos si Mitzi, parang gusto na niyang umuwi. Hindi ko mapigilang mainis sa pinsan ni Raptor. Bakit niya pa isasama si Mitzi kung ganto lang naman ang gagawin niya.

Uminit ulit ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. He kissed me. Oh my god! Siya ang first kiss ko. Alam kong naka-inom siya kagabi kaya niya nagawa ang bagay na yun.

Nang maka-uwi kami ay sinamahan ko na muna si Mitzi sa sala dahil umalis si Raptor upang hanapin si Zion. Tumabi ako sa kaniya.

"Okay ka lang ba Mitzi? Anong nangyari? Okay na ba kayo ni Zion?"

Inintay ko siyang mag-salita pero tanging iling na lang ang ginawa niya. Napa-buntong hininga na lang ako. Mukhang hindi pa sila ayos.

"Sa kwarto lang ako. Kapag kailangan mo ng kausap, katok ka lang sa pintuan ko okay?"tumango naman siya sakin habang malalim pa din ang iniisip niya. Tumayo na ako pagkatapos ay nag-tungo na sa kwarto ko.

Naisip ko naman na puntahan sila Lola dahil pauwi na kami bukas. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Tita Annie para ipa-alam na pupuntahan ko sila.

"Hello hija, buti naman napa-tawag ka. Nagtatanong si Lola mo kung kelan daw ang punta mo samin. Gusto ka na daw niyang makita."

"Kaya nga po ako tumawag dahil pupunta po ako sa inyo. Hihintayin ko lang po ang kasama ko. Baka diyan na din po kami kumain ng tanghalian."

Wala pa kasi si Raptor at sa tingin ko hinahanap niya pa din kung nasaan ang pinsan niyang si Zion.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi mo man lang siya matawag na Kuya kahit na mas matanda siya sakin.

Siguro, dahil crush ko siya?

Pero, hindi pa din yun sapat na dahilan para hindi ko siya tawaging Kuya.

O baka dahil, hindi na simpleng pagka-crush lang ang nararamdaman ko sa kaniya? Baka gusto ko na siya?

SmileWhere stories live. Discover now