Nagbawi na lang ako ng tingin ng maalala ko ang ginawa nyang karumaldumal sa larawan ko.

"Ikaw. Anong ginagawa mo?" sigaw ko sa kanya.

"Ah- sorry. P-pasesnya nya. Hindi na mauulit. Sorry talaga." Sabi nya habang paulit-ulit na nagbobow.

"Anong karapatan mong lapastanganin ang mukha ko dyan sa poster? Hinahalikan mo ako sa poster. May gusto ka sakin noh! Magsalita ka!" hinawakan ko sya sa braso ng mahigpit. Bakas sa mukha nya ang takot.

Napagulp muna sya tsaka kinagat ang hintuturo nya. Aw ang cute. Leshe, hindi ito ang tamang panahon para dyan. Focus Luhan.

"H-hindi naman ikaw yun eh. Si Suho ka. Ang gusto ko ay si L-Luhan." Pahina ng pahina ang boses nya habang nagsasalita.

Para naman akong nabagsakan ng isandaang bloke ng yelo. Bakit ba nakalimutan kong ako si Suho. Aish, nadala siguro ako sa nangyari.

"Sorry talaga sa ginawa ko. S-sana wag mo na itong sabihin kay Luhan." Kinakagat nya ang labi nya na parang pinipilit nah wag umiyak.

Pinipilit na wag umiyak? Bakit sya iiyak? Doon lang ako natauhan. Pinakalma ko muna ang sarili ko. Ang totoong manly, ay hindi nagpapaiyak ng babae.

"Wag ka ng umiyak. Eto oh." Sabi ko sabay abot ng Hello Kitty kong panyo.

Inabot din nya ito at nagpasalamat sya sa akin. Inaya ko naman syang umupo habang ako naman ay naupo sa swivel chair ni manager. Tinanong ko naman kung okay na sya at tumango naman sya. Maya-maya ay kinuha nya ang folder at isang recorder nya sa kanyang bag. Napag-alaman kong sya pala yung magiinterview sa akin.

"Ako nga pala si Juni Pearl Tan. I'm majoring Journalism at University of Seoul. This interview is for the special issue of our school magazine. May we start?" pormal nyang sabi.

Dun na nagsimula ang pagtatanong nya. Nasasagot ko naman ng maayos ang mga tanong nya. Medyo nai-intimidate lang ako sa titig nya sa akin. Ako yung iniinterview pero ako pa yung naiintimidate. Sobrang kapal ng salamin nya pero malinaw na malinaw ang nakikita ko sa mata nya. She's fragile, vulnerable, and innocent, yun ang nakikita ko sa kanya.

Di ko namalayang natapos na pala ang interview. Tumayo sya para makapagbow sa akin, ganun din ang ginawa ko. Lalabas na sana sya ng pinto ng bumalik sya.

"Ah tungkol nga pala sa nangyari kanina. Ah, please wag mo na sanang ikwento kay Luhan." Nahihiya nyang sabi. Napatawa na lang ako sa loob-loob ko.

"Oo ba. Haha. Naks. Galing mo rin talagang mamili noh? Sabagay, di kita masisisi. Sobrang gwapo kasi talaga ni Luhan. Sobrang manly pa. As in sobrang manly. Haha!"  halakhak ko. Feeling ko may karapatan akong magmayabang ngayon dahil alam kong may gusto sya sa akin.

Ngumuso naman sya. "Hindi naman yun ang nagustuhan ko sa kanya eh."

Napakunot na lang ang noo ko? Eh anong nagustuhan nya sa akin? "Kung ganun, ano ang nagustuhan mo sa kanya?"

Nahihiyang napangiti syang tumingin sa akin. "Kasi mukha syang babae. Hehe. Ang cute nya."

-__- tama ba yung narinig ko? napa-pokerface lang akong tumitig sa kanya. Medyo na-hurt ang manly ego ko sa sinabi nya. Kainis. Hampasin ko kaya sya ng hello kitty pillow ko?

"Ah, sige alis na ako. Salamat ulit. Tsaka nga pala... wag mo ng ipaalam yung pagkagusto ko sa kanya. Hindi rin lang naman importante.

Bumalik ang pagkapilyo ko sa sinabi nya. I grinned while looking at her. Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat nya. Checkmate. "Don't worry. Hinding-hindi nya malalaman yung ginawa mo, mas lalong hinding-hindi nya malalamang may gusto ka sa kanya." Napayuko naman sya. Ng mag-angat sya ng mukha dun ko lang napansin na sobrang pula na pala ng mukha nya particular na ang pisngi nya. (A/N: Yeonhee feels!!! Incheon Gal pa mooore!)

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now