Chapter 81

205 4 1
                                    

- O N E  W E E K  LATER -

Joaquin's PoV

["Naalarma ang iba't ibang bansa sa biglaan at sunod-sunod na pag patay na nangyayari sa kanilang mga prime minister. 'Di umano ay may--"]

Asar kong pinatay ang tv at pabagsak na naupo sa sofa. Nakakabagot, wala akong magawa.

"Dude, salo."

Napatingala ako at agad na sinalo ang inihagis na beer ni Marcus kasama ang kakambal n'ya, prente silang naupo sa harapan ko at tinitigan ako kaya ilang akong napaiwas ng tingin at sinimulan nalang inumin ang beer na hawak-hawak ko.

Hindi ko alam kung maaasar ba ako dahil sa paniningkit ng mga mata nila sa'kin animo dudang-duda sa mga kilos ko kahit na wala naman akong ginagawa o matatakot para sa sarili ko dahil baka madulas ako ng sasabihin kapag inusisa nanaman ako ng mga 'to. Tsk.

"Bro, nasaan ba kasi talaga si insan?" Panimulang tanong ni Marco kaya napatingin ako sakan'ya.

Agad akong nag kibit-balikat at hindi sumagot pero sadyang kating-kati na sa balita 'tong mga 'to dahil isang linggo na nga ang nakararaan.

Nailibing na si tito at nakapagtatakang wala s'ya ni noong lamay o libing manlang. Kami ang nag asikaso ng lahat kasama ng kuya n'ya at ang asawa nito, pati si kuya ay nag tataka sa hindi pag punta ni Bella, ni ang pag silip ay hindi n'ya manlang ginawa.

Wala kaming alam sa kinaroroonan n'ya ngayon...pero ako lang ang nakakaalam sa kung ano ang nangyayari sakan'ya.

[Flashback]

Nang maisarado ko ang pinto ay dumiretso ako sa kusina para mag luto ng makakain ni Bella ng pero wala pang kalahating oras ay nakarinig ako ng mahihinang yabag sa labas kaya agad kong binunot ang baril ko sa likod at dahan-dahan na sumilip sa pintuan, gano'n nalang ang pagtataka ko ng makita si Bella na may dala-dalang bag at nakabihis na, para bang handa na s'yang umalis.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakan'ya matapos itago ang baril sa likod ko. Pinakatitigan ko s'ya at walang bakas ng takot o gulat sa mga mata n'ya, kundi galit at puot. "Bella, hindi ka pa magaling--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tutukan n'ya ako ng baril gamit ang libre n'yang kamay kaya nangunot ang noo kong tinignan s'ya.

"I won't shoot you." Sabi n'ya bago dahan-dahan na nag lakad papalayo ng papaatras. "I still love you so i won't shoot you, but i advice you to stand down before i do something that i would end up regretting." Dagdag n'ya hanggang sa marating n'ya ang may pintuan. "Do not follow me, or else it'll be you or me." Pagbabanta n'ya kaya wala akong nagawa hanggang sa makalabas at makasakay s'ya sa sasakyan n'ya.

Shit!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto namin at napahilamos nalang ng mukha ng makitang ang dala n'yang bag ay ang bag na puno ng mga baril, bala at granada, pati ang cabinet namin na ay nabawasan ng damit n'ya.

Napaupo nalang ako sa kama ng dahil sa inis pero agad na napakunot ang noo ng parang may nalukot sa ilalim ng kama, dinukot ko 'yon at nag taka ng makita ang naka-crumpled na papel. Ano naman 'to?

Binuklat ko 'yon at sulat ni Bella ang bumungad sa'kin.

["Remember the Minister's order?"]

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now