Chapter 30

414 42 0
                                    

Joaquin's PoV

"What are you wearing?"

Sabay na tanong namin ni Lucas kaya nagkatinginan kami at nakakunot ang noo na ibinalik ang tingin kay Bella. Nakasuot kasi s'ya ng pulang baggy shirt, pulang cycling at pulang tsinelas. Anong trip ng babaeng 'to ngayon?

"It's called the mocking style." She said before walking towards the kitchen. Rinig na rinig ang tunog ng tsinelas n'ya habang nag lalakad at nakasunod sakan'ya ang alaga n'yang lion. Mocking mocking, sus! Daming pauso!

"Hoy, tibo!" Sigaw ko sakan'ya bago ko s'ya sinundan nang maalala ko ang nangyari kanina.

Grabe!

Napakabida-bida talaga nitong babaeng 'to. Hindi ba't dapat ay iniilagan n'ya ang baril at hindi itinututok mismo sa ulo n'ya? Isa din atang maluwag ang turnilyo sa ulo nito eh.

"Hoy, ano ba! Napakabilis mo naman mag lakad, ang liit-liit mo naman!" Sigaw kong muli at tsaka s'ya hinabol papasok sa kusina n'ya.

"Anong ipinuputok ng butchi mo?" Tanong n'ya ng hindi lumilingon, kinakalikot n'ya kasi ang ref at nang humarap s'ya ay may hawak-hawak na s'yang isang mansanas at yogurt. Mansanas at yogurt? Ang weird naman ng lasa no'n.

Pinagmamasdan ko lang s'yang kumuha ng kutsara at buksan ang yogurt na hawak n'ya bago s'ya sumandal sa counter.

"An--"

Hindi ako nakatapos ng pagsasalita nang kagatin n'ya ng pagkalutong-lutong ang mansanas na hawak n'ya at ngumuya na para bang nang-aasar.

"Ha? Ano 'yon?" Kunyaring tanong n'ya pa na para bang clueless s'ya sa ginawa n'yang pagpuputol sa pagsasalita ko. Anak ng pating.

"Yung kan--"

Again, i didn't get the chance to finish speaking because of her. She's chewing on her apple way too loud and it irritates me so much because i know that she's only mocking me.

"Bella!" I irritably called her name making her stop and stare.

"Bakit?" Maang-maangan na pagtatanong n'ya.

I gave her a sharp stare making her burst into laughter. I knew it.

"I was just messing with you." She said while laughing so i rolled my eyes and leaned on the counter in front of her, giving her a serious look that made her stop. "What?" She asked.

"When are you planning to tell me what the hell is happening here?" I asked, almost whispered it to her, trying not to speak that loud so no one would hear us talking.

She stopped chewing before giving me a look that sent shivers to my spine. Matapos n'yang lunukin ang kinakain n'ya ay tsaka s'ya nagsalita.

"Sooner than expected." She said before throwing me the half eaten apple.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko at pinangunutan s'ya ng noo.

"Ipukpok mo sa ulo mo, try mo, masaya 'yon." Sabi n'ya bago tumingin sa relos n'ya kaya pati ako ay napatingin. It's 5pm already and it's super dark outside. Asar naman akong kumagat sa mansanas na inihagis n'ya, sa parte kung saan may kagat din n'ya. Hehe.

"Hoy mga bibe at pugo, lapit!" Sigaw n'ya bago sinimulang lantakan ang yogurt na hawak n'ya. Narinig namin na bumukas ang pinto ng kusina at pumasok doon ang mga naiwan sa sala kanina kaya sabay kaming napalingon doon.

"Problema?" Tanong ni Von bago ako masamang tinignan kaya napalunok ako bago nagpatuloy sa pagkain ng mansanas. Ano bang problema n'ya sa'kin?! Kanina pa 'yan.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now