Chapter 14

463 33 0
                                    

FOUR MORE DAYS LATER

Bella's PoV

Sa wakas! Friday na!

Last subject na at antagal dumating ng professor namin. Hindi na nga s'ya nakapunta kahapon parang wala pa ding balak dumating ngayon. Pa-VIP ang wengya.

Dalawang linggo na mula nang magsimula ang klase at halos araw-araw akong may bangas. At sa loob din ng dalawang linggong 'yon ay naging kaibigan ko na sina Vince, Venice at Fay habang si Joaquin ay sumusulpot kung saan-saan para lang bwisitin ako.

Pabor naman ako do'n dahil bukod sa nawawala ang boredom ko ay nakikita at nababantayan ko lalo ang mga galaw n'ya at mas nailalayo ko s'ya kay Chelsea. H'wag kayong assuming okay? Kasi hindi ko alam ang takbo ng utak ng babaeng 'yon, malay ko ba kung sinto-sinto pala 'yon at biglang atakihin ako o sila bigla, mahirap na.

Andito ako ngayon sa may bintana nakaupo, habang si Fay ay nasa harapan ko, ang kambal naman ay nasa likuran ko. Gusto ko nang lumabas ng classroom na 'to para makapagpractice at makapagpahinga ng dalawang araw pero ang pesteng professor na 'yon ay ni hindi manlang nagsabi kung dadating ba o hindi.

Maglalabas na sana ako ng libro nang biglang kumalabog ang pinto kaya ang lahat ay doon napatingin. Iniluwa no'n si Joaquin kasama ang mga alipores n'ya. Anak ng teteng. Kapag hindi ako nilubayan nito malamang ay masapok ko ng malala 'to eh.

Napatingin naman ako sa kambal at kay Lucas. Si Marcus ay nakatingin sa telepono n'ya habang si Marco ay nakatingin kay Fay. Si Lucas naman ay nakatingin sa'kin. Psh, i know who you are. Don't stare at me like that.

"Omy ang F4!"

"Hala! Anong ginagawa nila dito?"

"Francine, maayos ba ang mukha ko ha?"

"Wala nang iaaayos 'yan."

"Duh, mga tanga, andito ang target n'ya oh."

Tumingin ako sakanilang lahat at nakita kong nasa akin na pala ang paningin ng lahat kaya napairap nalang ako dahil magkakaroon nanaman ng panibagong drama dito pa mismo sa classroom.

"Tombo--"

"Oh, waterr yu duwin hir Mr. Lexington? Gusto mo bang bumalik sa grade 11?"

Bumukas kasi bigla ang pinto ay agad na pumasok si prof dahilan para makita n'ya 'tong mga 'to na nasa harapan. Napatawa naman ang ilan dahil doon. At mukhang takot na takot pa 'tong gagong 'to magsalita.

"N-no sir. Pwede po bang mag s-sit in sir?" Tanong n'ya. Agad naman s'yang tumingin sa'kin ng nakakaloko dahil sa sinabi n'ya. Aba'y tarantado 'to ah.

"Go, at the back of the class. If i ever heard a noise, getawt!" Sigaw n'ya. Nagulat naman ang ilan sa mga kaklase ko habang ako at blankong nakatingin lang sakan'ya.

"Aba kita mo nga naman. Magiging estudyante pala kita ulit ngayong taon Ms. Taranta? May napala ka ba sa paglalabing-labing n'yo netong si Mr. Sasaki last year?" Tanong ni sir kaya naman napatingin ako sakan'ya dahil sobra naman ata 'yon.

Balak kong h'wag gumawa ng eksena para mapansin mo ako pero kaibigan ko na 'yang pinapahiya mo.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now