Chapter 78

73 8 0
                                    

Bella's PoV

"ARE YOU NUTS?!"

Here comes the sermon.

Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na nag abala pang lingunin si kuya na nasa harap ko na busy pa sa panenermon sa'kin.

Nang dahil sa nangyari kaninang ala-una ng madaling araw ay napasugod dito sa bahay si kuya sa pag-aalala, nakapambahay pa nga s'ya eh, buti at hindi sumama si Zoe, baka mataranta lang s'ya kapag nagkataon.

"Bakit ka nakipagtransaksyon at lumipad pa mag-isa papuntang China ng hindi ko alam? You know how hard their policies are about drugs, you know that yourself because you lived there for a year, yet, you decided to do it your way!"

Napakamot ako ng ulo dahil wala akong maisip na palusot. "Eh, kuya--"

"H'wag mo akong ma-kuya-kuya--"

"Oh, Alexander, ganito kasi 'yan--"

"Fvck!"

Labag man sa loob ko ay pinigilan ko ang malakas na tawa na gustong kumawala sa mga labi ko dahil sa mukha ni kuya ay parang gusto na talaga n'yang sumabog at mag wala sa galit. Kung anong ikinagwapo n'ya kapag nakangiti ay gano'n nalang s'ya nagmumukhang kamatis sa pula kapag iritado. Pfft.

Naitakip ko nalang sa bibig ko ang kamay ko para mapigilan ang tawa ko dahil hindi ko talaga maipinta ang mukha n'ya. "Kumalma ka nga, kuya." Sabi ko bago s'ya nilingon. "Buo pa naman ako, bente pa din naman ang mga daliri ko, wala namang nabawas sa'kin." Paninigurado ko sakan'ya habang ipinapakita pa ang kamay ko.

Nakurot n'ya nalang ang ilong n'ya bago napabuntong-hininga, may matching pamewang pa. "That's not the point, Bella. Alam mong hindi pabor sa ginagawa natin ang ambassador ng China, kaya nga doon ka ipinatapon ng magulang ng pinsan mong hilaw diba?"

"It was their way of teaching me a lesson." Sagot ko sakan'ya na ikinataas ng kilay n'ya. "Tsaka, hindi lang naman ang ambassador ng China ang may galit sa'kin 'no. Hindi ko na nga bilang sa mga daliri ko ang gustong makipagtulungan sa mas malalakas na tao para lang mapabagsak ako, tsk." Asar na sabi ko bago kinutkot ang daliri ko habang nakatungo.

Totoo naman, kung dito sa Pinas ay malaya pa akong nakakakilos dahil sa koneksyon ko, sa ibang bansa ay limitado lang ang kakayanan ko, maswerte nga't nakapagpatayo pa ako ng iba't ibang negosyo sa mga bansang kasundo ko at papuslit lang na nakikipagkalakalan sa mga may galit sa'kin.

Ano namang pake ko kung galit sila sa'kin? E'di mas magalit pa sila.

Kung tutuusin ay para lang kaming mga bata na nagpapalitan ng mga salita kapag nag uusap, pero pagkatapos ay labas sa kaliwa at labas sa kanan ang nangyayari, parang walang kasunduan na naganap.

"Ayan, tama 'yan, sermonan mo 'yang babaeng 'yan."

Sabay kaming napalingon ni kuya sa pinto at nakita namin doon ang may saklay na si Jester habang may hawak na beer sa isang kamay kaya agad ko s'yang binigyan ng bad finger.

"Pilantod."

Akma sana s'yang gaganti ng bad finger kaso ang parehong kamay n'ya ay okupado kaya dumila nalang s'ya ng parang bata.

"Pagalitan mo 'yan ng maigi para mag dala, napaka-gala. Dinaig mo pa si dora."

"Ulol!" Sigaw ko sakan'ya kaya tatawa-tawa s'yang nag lakad papalayo. "Tado 'yon ah?" Sabi ko sa sarili bago sumandal sa upuan ko. "Ikaw, wala ka bang balak umuwi, kuya? Malamang eh inaantay ka ng asawa mo sain'yo, dinaig pa ng mag-komareng nasa telebabad ang panenermon mo sa'kin eh."

Agad n'ya akong sinamaan ng tingin kaya napaiwas nalang ako at pasimple na tumingin sa relos. "Anong oras na kuya oh, mag hahanda pa ako para sa birthday ni dad."

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now