Chapter 42

309 25 1
                                    

Jester's PoV

Sino kaya yung tumawag kay Bella? Nitong mga nakaraang linggo ay naging payapa ang buhay namin. Walang ibang sagabal sa mga transaksyon namin o mga gustong kumalaban sa'min.

Pero ang sabi nga ni tito, may gustong pabagsakin si Bella kaya pinatira n'ya dito sina Joaquin at ang kambal para maturuan namin, mahirap na, hindi naman kaya ni Bella na saluhin lahat ng bala na tatama sa mga katawan nila. Kahit nuknukan ng tigas ng ulo ng babaeng 'yan ay nag aalala kami d'yan syempre kasi mas iniintindi n'ya pa yung iba kesa sa sarili n'ya.

Sa mga linggo din na nakatira kami dito ay naobserbahan ko ang bawat kilos ng mga pinsan ni Bella at pati na din si Joaquin. Kataka-taka na hindi manlang s'ya nalungkot sa pagkawala ng ama n'ya pero halatang-halata na gustong gusto n'ya si Bella. Pfft.

Lagi silang magkabangayan pero halata naman na nahuhulog na din si Bella para sakan'ya. Sa tagal kong kakilala si Bella ay saulo ko na ang bawat kilos at galaw n'ya. Mahahalata mo ang pag-iiba ng ugali n'ya pagdating sa mga taong mahal n'ya.

Andito kami ngayon at iniintay si Bella na bumalik. Curious din ako sa kung sino ang tumatawag sakan'ya dahil minsan ay hindi s'ya sumasagot ng tawag ng may araw dahil mas madali nga namang ma-trace. Hindi ko din alam kung bakit kaya kahit ako ay walang clue kung sino man 'yon.

"Tingin n'yo, lalaki kaya 'yung kausap ni Bella--"

- BANG! -

Lahat kami ay napatingin sa pinto at nakita namin doon si Bella na nakapamewang, ang suot n'ya lang ay jogging pants at sando kaya nakikita namin ang tattoo n'ya sa likod. Nakapusod ng mataas ang kulot n'yang buhok at walang kahit na anong bakas ng kolorete sa mukha. 'Yan ang prinsesa namin.

"I'll give you 5 minutes to take me down. Ang makakapag-patumba sa'kin, makukuha 'to." Sabi n'ya at iwinagay-way ang susi ng Ferrari n'ya. Makukuha kita beybeh!

***

Bella's PoV

Pagkalabas ko ay agad akong nagpunta sa kwarto ko bago ako nagsalita sa kausap ko.

"Be ready. I'll give you an hour to prepare my plane."

["And where are you planning to go this time?"] Tanong ni Von. Napaka-ususero.

"3pm na, we'll be there around 5pm." Sagot ko lang sakan'ya.

["Saan nga ang pupunta?"] Tsk, hindi s'ya makukuntento kapag hindi n'ya nakuha ang sagot na gusto n'ya.

"We're going to Hawaii. Ako ang mag papalipad, bye." Sagot ko bago ibinaba ang tawag. Yes, i know how to use a jet, a plane, a boat, a yacht, everything to be honest.

Lumapit ako sa cabinet ko at kinuha ang isa pang telepono ko.

Calling William...

["Yes boss?"]

"Be ready."

["Bakit boss? Alam na ba kung nasaan sina Carl?"]

S'ya si William. S'ya ang pinaka namumuno sa lahat ng mga tauhan ko; kanang kamay ko. Ang tinutukoy n'ya ay ang tauhan ko na hawak ng kung sino sa Hawaii.

"We're going on a vacation trip. On Hawaii." Makahulugang sabi ko bago ibinaba ang tawag. I think it's time for us to have a little vacation to loosen up a bit. And a reward for them for staying loyal to me.

Meeting The Devil's SonМесто, где живут истории. Откройте их для себя