Chapter 75

82 7 0
                                    

Yuan's PoV

"Paki-abot ng papeles sa drawer."

"I-abot n'yo 'to sa secretary ko."

"Pakitimpla ako ng kape."

"Hanapin n'yo ang file na 'to, asap."

"You, i-cancel mo ang meeting mamayang 2pm, sabihin mo hindi ako makikipag-negotiate sakanila ng wala ang chairman nila."

"Ibili n'yo ako ng kape."

"Tawagan n'yo ang head ng X company, kailangan ko ng desisyon nila ngayon din."

"'Yung kape ko, nasaan na?!"

"Ikaw, ibalik mo 'to sa department na pinanggagalingan nito at ipa-revise mo."

"Tell him to arrange me a meeting with their board members or i'll terminate this contract right away."

Haa.

If you're going to ask me, Bella has gone mad and became a workaholic.

"Bella, alas tres na, anong gusto mong lunch?" Singit ni Jester sa ginagawa ni Bella.

Mula pa kaninang umaga ay hindi na naubos ang ginagawa n'ya, habang kami dito ay walang ginawa kung hindi ang bantayan at panoorin s'yang mag trabaho.

Hindi namin alam kung kasama ba 'to sa planong meron s'ya o sadyang nililibang n'ya lang ang sarili n'ya.

"You guys go without me, i'll skip, i'm swamped right now." Sagot n'ya sa'min habang nakakunot ang noo sa cellphone n'ya at saka sumagot ng tawag. "Hello, Mr. Griego, about our contract..." Sabi n'ya sa kausap n'ya bago pumasok sa conference room.

Sabay-sabay nalang kaming napabuntong-hininga habang nakatingin sa sumarang pinto.

"Hindi naman siguro nakakamatay ang magutom, diba?" Tanong ni Raven kaya agad s'yang binatukan ni Jester.

"Um-order nalang tayo." Suhestyon n'ya na agad namin sinang-ayunan. "Tingin n'yo," Biglang sabi n'ya dahilan para mapatingin kami sakan'ya. "Bakit biglang dumami lalo ang investors ni Bella?"

Nag kibit-balikat nalang ako bago sumagot. "Alam n'yo naman ang utos ng nakatataas diba," Panimula ko bago nakapamulsang sumandal sa lamesa. "Bukod sa gusto nilang lalong tumapang at lumakas si Bella ay gusto s'ya nitong makitang miserable."

Agad kaming nagkatitigan bago sabay-sabay na natawa. "Tapos kabaliktaran 'yung nangyayari, pft." Sabi ni Raven na ikinatawa namin lalo.

"Walang makakatalo sa pang-aalaska ng isang Bella Iverson." Sabi ni Jester habang iiling-iling pa.

"Trumiple o higit pa 'yung mga gustong mag invest eh, kaya lalo lang lumaki ang income n'ya."

"Pft, inisin mo na ang lahat, h'wag lang ang nag iisang Bella Iverson." Sabi ko bago iiling-iling na binunot ang cellphone ko dahil tumunog 'yon. "Huh?"

"Bakit?" Tanong ni Jester kaya ipinakita ko agad sakan'ya 'yung nag text. "'Tol, nag utos ba sa'yo si Bella na bumili ng bagong sim card? May bagong number ba 'yon?" Agad na tanong n'ya kay Raven.

"Hmm, aym nat so syur brad, bakit? Bakit hindi n'yo nalang s'ya tanungin?" Sabi naman n'ya habang nakahawak pa ang isang kamay sa baba animo nag iisip. "Ano ba sabi?"

From: 09*******29

- Mag punta kayo sa address na 'to para kuhanin ang confidential files na kailangan ko, asap. X City, Quarterdeck Residence.

- Bella

"Erm, hindi ko talaga syor, brad, hindi ko matandaan na nag pabili s'ya ng sim card." Sabi ni Raven habang kakamot-kamot ang ulo kaya napailing nalang ako. "Tanong nalang nati--"

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now