Chapter 50

269 25 0
                                    

Jester's PoV

Una ay mag kasamang natulog si Bella at Joaquin sa eroplano, take note, nakadagan sakan'ya si Bella at may hickey pa s'ya. Pangalawa ay mag kasama silang natulog sa iisang kwarto. Tapos ngayon may kasamang iba si Bella? May hindi sinasabi sa'min 'tong si Bella eh.

Anak ng tokwa, kung makikita n'yo lang ang mukha ni Joaquin! Para s'yang pinag-sukluban ng langit at lupa ng makita n'ya 'yung lalaki na sinasabi ni Bella na si Mr. Dawson.

Not gonna lie, i expected Mr. Dawson to be a creepy old man but i was wrong. Hmm, let's see. I think this is Mr. Dawson's son.

Sa pag kakaalala ko ay nakasama na din naman s'ya sa isang transaksyon, hindi ko lang matandaan kung kanino pero kilala ko ang mukha n'ya.

He looks cool with those tattoos on his arm. But the lion tattoo on his neck is missing a piece.

The paw of the lion.

Nag lakad na sila papalayo kaya sabay-sabay kaming nagkatinginan at tsaka sila sinundan ng palihim. Maging ang kambal ay naintriga yata kaya sumama din sila sa'min. Si tito naman ay hahanapin daw sina tita kaya umalis na.

Mag sisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi din ako nag tataka dahil kilala n'ya si Bella sa totoo n'yang pangalan.

"N-nakita n'yo ba s'ya dati?" Tanong ni Joaquin habang nakatingin kila Bella.

Sinusundan lang namin sila sa malayo kaya wala kaming marinig na kahit na anong pinag-uusapan nila. Tsk! Napakadaya, nag so-solo nanaman 'to eh.

"Oo, noon." Sagot ni Yuan sakan'ya.

Si boss Von naman ay parang tinitignan ang bawat galaw ng dalawa na nag lalakad sa harapan namin. Hmm, anong agenda n'ya?

"Pero may tiwala ako kay boss." Sabi ni Raven kaya lahat kami ay tumango bilang pag sang-ayon.

"Excuse me." Sabi bigla ni Joaquin at nag lakad papalayo. May tumawag? Sino naman kaya yon?

Habang nag lalakad kami ay nakita ko sa gilid ng mata ko na nagkatinginan ang kambal bago kami kinulbit.

"Mga dudes, sagutin lang namin 'yung tawag ni dad." Sabi ni Marcus bago sila sabay na nag lakad papalayo.

Wala silang ipinakitang tatay nga nila ang tumawag kaya nagkatinginan kaming apat bago inilabas ni Yuan ang telepono n'ya.

Sa telepono n'yang 'yon kasi ay maaari n'yang mabuksan ang lahat ng piercing na suot namin para marinig kung sino o ano ang mga sinasabi o naririnig namin, pati na ang sa kambal at kay Joaquin. S'ya kasi ang namamahala pag dating sa pag-hahack o basta may kinalaman sa technology, kaya inaasar namin s'ya minsan na nerd or in a cooler way, a tech-savvy. Kaya n'ya ding makita ang lumalabas sa mga screen ng telepono namin basta ay nakabukas 'yon at makapasok s'ya mismo sa system no'n.

"Tatay nga nila tol--what the..."

Nag lakad s'ya papunta sa silong kaya nagsisunuran kaming tatlo. Anong meron? Akala ko ba tatay lang nila 'yung tumatawag?

"Hell no..." Sabi n'ya bago mangunot ng husto ang noo habang nag dudutdot kaya pati kami ay nag simula ng kabahan. Ano bang meron?

"Spill it already, Yuan--"

"Sorry, boss." Sabi n'ya. "Sasabihin ko lang na ang g-gwapo ko hehe." Pag bi-biro n'ya pero halatang kabado ang pag tawa n'ya.

Meeting The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon