Chapter 9

506 31 0
                                    


Joaquin's PoV

Tsk! Halos maghapon kong hindi nakita si Chelsea, badtrip! Tapos dumagdag pa 'yong Jesty na 'yon, peste! Ansakit padin ng pwet ko dahil sa ginawa n'ya, nakakaasar talaga! Tapos etong si Lucas, feeling hero pa. Tsk!

Andito kami ngayon sa restroom ng gym at nagpapalit dahil katatapos lang namin mag practice. It's already 6:00pm at madilim na din sa labas. Hays, ni hindi manlang nagpakita sa'kin si Chelsea ngayong araw, hindi din s'ya sumasagot sa mga text at tawag ko. Masyado ba s'yang busy?

"Grabe 'yong babae kanina 'tol 'no? Ang tindi!" Sabi ni Yohan.

"Oo 'tol. Sapul na sapul pa sa target board tapos sasabihin n'ya praps lang daw sa sayaw? Ano kaya 'yon!" Inis na sabi naman ni Trev. Ano naman kayang sinasabi ng mga ugok na 'to?

Napabuntong-hininga nalang ako at lumabas na ng restroom. Bahala sila d'yan, wala akong gana. Nang makalabas na ang lahat ay inintay namin si coach na bumalik kasi may kinausap pa s'ya sa telepono n'ya.

"Team. Keep up the good work. Bukas, 7am ang practice since 9am naman ang mga pasok n'yo sabi ni Dean." Sabi n'ya.

Si coach kasi ang may hawak ng halos lahat ng sports sa school kaya naman mahirap para sakan'ya ihandle lahat ng sabay-sabay.

"Ooh nice." Sabi ni Jerome. Ganoon din ang naging reaksyon ng iba dahil sa sinabi ni coach.

"Ayos, mahaba tulog ko." Sabi naman ni Marcus. Puro tulog ang inisiip, tsk!

"Oh s'ya, magsiuwi na kayo. Magpahinga, at h'wag nang magpuyat. Lexington, wag na malate ha?!" Sabi n'ya at tsaka tumawa.

"Yes, coach!" Sabay-sabay na sigaw namin.

Nagsimula na kaming maglakad at naguusap-usap sila pero wala akong maintindihan na kahit ano. Kumusta na kaya si Chelsea?

Napakunot naman ang noo ko dahil napahinto ang ilan sa'min. Tumingin naman ako sa tinitignan nila pero ang nakita ko nalang ay babae na naglalakad papunta sa parking lot. Sino naman kaya 'yon at bakit gano'n ang suot n'ya? Loose shirt tapos naka short, galing sa school? Bawal 'yon eh!

"Brad, parang pasan mo buong mundo ah?" Sabi ni Yohan sa'kin. 

"Hindi n'ya kasi nakausap ang kan'yang Chealseababy maghapon." Sabat naman ni Marcus. Tsk! Pansin naman ang pananahimik ni Lucas at ni Marco. Ano kaya ang nangyari sa dalawang 'to?

Naglakad nalang ako at hindi na sila pinansin pa. Nang makarating kami sa parking lot ay nadaanan namin ang nag iisang motor na nakapark. Ang UM Renegade Commando. Pero...ang nakita ko lang ay ang dalawang bag na dala no'ng babaeng dumaan kanina.

B-bakit ako kinakabahan?

"Tol, diba kay Jesty 'to?" Tanong ni Lucas na nakalapit na pala sa mga bag na nasa lapag. Mga sasakyan nalang kasi namin ang naiwan dito at ang motor n'ya kaya nagkatinginan nalang kami dahil hindi din namin alam kung saan s'ya nagpunta.

"Cool! UM Renegade Commando naman ngayon!" Sigaw ni Marcus at tsaka ngumiti. 

"Jesty? Sinong Jesty ba 'yang sinasabi n'yo?" Sabat naman ni Jerome.

"'Yong target ni Joaquin." Sabi ni Marco. Pero mapaghahalataan na seryoso ang mukha n'ya mula pa kanina. Ano bang meron sa mga taong 'to? Tsk!

"Target? 'Yong babae sa cr kanina?!" Tanong naman ni Yohan. Napatingin naman ako dahil doon. Sa cr? Anong nangyari sa cr?

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now