Chapter 76

47 8 0
                                    

Jester's PoV

*Cough cough*

"Hoy, mga lampa," Uubo-ubong sabi ko habang nililingon ang walang malay na katawan nina Yuan at Raven. "G-gising na oy, pagagalitan na tayo ni Bella." Parang tangang pag kausap ko sa dalawang 'to na wala pang ulirat. Pilit kong pinasasaya ang boses ko pero ang loob ko ay sobra nang nanghihina.

Ilang oras na ba kaming nakagapos dito?

Ilang oras na din bang walang mintis nila kaming binubugbog?

At ilang oras na din bang walang malay 'tong dalawang 'to? Nako, aasarin 'to ni Bella na mga weakshit, pfft.

*Cough cough* Shit. Puro dugo na ang lumalabas sa bibig ko, sino ba namang matinong tao na may pangangatawan ng Adonis na katulad ko ang makakaya ang pambubugbog ng mahigit sampung oras? Kahit sino yata ay mawawalan ng ulirat kapag ganito ang ginawa.

"Argh, tangina!" Gigil na sigaw ko dahil hindi ko makalag-kalag ang bakal na nakapulupot sa mga kamay at braso ko.

Kanina ko pa 'to kinakalog-kalog at sinusubukang sundutin 'yung lock pero ayaw talagang mabuksan, hindi ko din naman magising 'tong dalawang 'to para tulungan ako para makatakas kami dahil pare-pareho na kaming lantang gulay, ilang beses kaming nawalan ng malay at magigising sa malalakas na tawa na maririnig namin, tsaka nila ulit kami bubugbugin kaya malamang sa malamang ay pagod na 'tong dalawang 'to gaya ko dahil sa mga pasa at sugat na natamo namin, kulang na lang talaga ay patayin nila kami.

[Flashback]

"Tatawagan ko ba ang Snake Eyes para mag bantay kay Bella?"

Agad akong tumango sa tanong ni Yuan.

Delikado na, baka malusutan pa kami at mapasok si Bella dito ng nag iisa s'ya, hindi sa pinagdududahan ko ang kakayahan ni Bella, ngayon n'yo pa ba s'ya pagdududahan? Pfft. Pero, delikado, masyadong madami ang mga alagad ng baraha, kung mag isa lang s'ya ay mag pi-pipty-pipty ang buhay n'ya.

Nang sinimulan n'yang magdudutdot sa cellphone n'ya pagkatunog na pagkatunog ng elevator ay agad na may bumulaga sa'min ni Raven matapos na makalabas si Yuan kaya hindi kami nakapalag ng bigla nila kaming hampasin ng animo tubo sa ulo.

Ni wala silang ginawang ingay dahil natakpan agad nila ang mga ulo namin ng makapal na tela habang kinakaladkad ako sa kung saan pero bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ako ang pag buhat nila sa walang ulirat na katawan ni Raven.

Pinilit ko mang mag salita pero hindi ko na nakayanan pa ng malanghap ko ang matapang na amoy ng pampatulog mula sa tela na nakasuklob sa ulo ko.

[End of Flashback]

Haa. Tangina naman, Von, isinarado namin ang mga bibig namin kay Bella noon at hindi sinabing ikaw si Ace dahil nagpakalayo-layo ka na din naman matapos ng nangyari sa blackmarket, pero anong kagaguhan nanaman ba 'to?

Walang dudang ang Ace at ang pamilya n'ya ang gumawa sa'min nito dahil kanina pa ako nakakarinig ng mga nag uusap mula sa labas tungkol sa pasahod sakanila no'ng mga gunggong na 'yon.

"Psst, Yuan, Raven." Tawag ko sakanila ng may mamataan nanaman akong mga taong nag lalakad sa labas pero huli na ang lahat dahil agad nanamang iniluwa ng pinto ang mga mala-demonyong tao na may mga ngisi sa labi nila, animo handang pumatay ng tao kahit na madungisan pa ang mga kamay nila.

"Oh, may isa na palang gising eh." Sabi ng isa habang pinapalo-palo sa kamay n'ya ang baseball bat na hawak.

"Hahaha, patulugin ulit natin!" Ngising sabi naman ng kasama n'ya bago sila sabay na naglakad papalapit sa'kin.

Meeting The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon