Chapter 19

458 31 0
                                    

Bella's PoV

Pagkatapos kong sabihin 'yon kay Jester ay ibinaba ko na din agad ang telepono ko. Maswerteng walang mga sasakyan na nagkalat ngayon dahil nabagyo nga kaya naman nabibilisan ko ang patakbo ko pero pinipilit kong h'wag igalaw ng igalaw ang sasakyan para hindi magising si Joaquin.

Tahimik akong nagmamaneho habang patingin-tingin sa rear mirror ng napatingin ako bigla kay Joaquin ng bigla n'yang igalaw ang kamay n'ya na tila may inaabot. Nananaginip?

Inabot ko naman ang mga kamay n'ya habang nagmamaneho para sana ibalik sa dibdib n'ya dahil baka madaplisan s'ya ng bala ng bigla n'yang yakapin ang kamay ko. What the..?

Dahan dahan kong hinila 'yon at tsaka kinuha sa backseat ang unan bago 'yon ibigay sakan'ya. Agad n'ya naman 'yong yinakap at tsaka sumandal sa bintana. Parang bata talaga.

Laking gulat ko ng may maglabas ng baril sa gilid ni Joaquin at akmang babarilin s'ya kaya nataranta ako at ang tanging nagawa ko lang ay ang banggain ang motor na 'yon dahilan para malaglag s'ya at magpagulong gulong. Phew..

Nang makarating kami sa isang malawak na daan ay agad nilang kinuha ang oportunidad para sabayan kami at maglabas ng baril. Nasaan ka na ba Jester?! Kapag hindi ka pa dumating ay malilintikan ka talaga sa'kin! At kapag may nangyaring masama kay Joaquin ay puputulin ko ang leeg mo!

Inilabas kong muli ang braso ko para paputukan ang nasa gawi ko at ang nasa kabila naman ay balak ko na sanang banggain ng sabay-sabay silang nagsitimbahan.

Taka akong tumingin sa salamin at nakita ko ang tatlong motor na nakasunod sa'min kaya napangiti ako. Sumaludo pa sila kaya mas lumuwag ang pag hinga ko dahil andito na silang tatlo.

"Bella.."

Agad naman akong napalingon kay Joaquin ng banggitin n'ya ang pangalan ko. Nananaginip ka ba? At ako pa talaga?!

Binilisan ko ang patakbo ko at tsaka kami dumaan sa tunnel. Tuloy ang putukan na naririnig ko mula sa likod kaya medyo binabalot ng takot ang sistema ko, idagdag pa na mas dumilim at wala akong makitang kahit na ano dito sa loob ng lagusan. Nyeta!

Makalipas ang dalawang minuto ay naaninag ko na ang pinakadulo ng tunnel kaya naman mas binilisan ko ang patakbo bago ako nagtungo sa gubat. Agad kong ipinark ang sasakyan bago ko tinignan ang paligid. Walang nakasunod, pero kailangan kong bumaba para mag abang.

Buti nalang at nakikisama ang panahon sa'kin at biglang tumila ang ulan nang ihinto ko ang sasakyan. Tinignan ko muna si Joaquin na himbing na himbing sa pagkakatulog bago hinawakan ang buhok n'ya para ayusin dahil bahagya 'yong nagulo. Nilakasan ko ang volume ng cellphone ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Sinigurado kong nakalock ang pinto bago ako nagtago sa puno.

Inilabas ko ang dalawang baril ko at tsaka dahan-dahang naglakad at nakiramdam. May kaluskos.

Muli kong tinanaw ang sasakyan para siguruhin sana na tulog pa si Joaquin pero laking gulat ko ng makita ang lalaking papalapit sa sasakyan. Agad ko s'yang pinaputukan sa ulo dahilan para bumulagta s'ya katabi lang halos ng sasakyan.

Kasabay ng pagtumba n'ya ay ang pagpapaputok nila sa pwesto ko kaya kumaripas ako ng takbo para mag tago sa may puno. Dalawa, lima, syam, labing dalawa, labing anim... Andami!

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now