24

3 2 0
                                    


Xyrone's POV

"Aackk!"

The first expression that came out of me. Napahawak ako sa ulo ko habang bumabangon. Papikit-pikit na tumingin sa paligid. It's all a mess. Nagkalat sa sahig ang mga bote at lata ng beer, mga pinaglagyan ng snacks.

Sandali... nasa condo na ako? Paano ako nakauwi? Napasapo ako sa noo ko nang maalalang nasa victory party kami kagabi, nakainom na nang makauwi pero ipinagpatuloy naman sa condo. Right! Kaya pala parang binagyo ang sala.

Tumayo ako at kumuha ng tubig na maiinom pagkatapos ay bumalik sa sala. Natawa lang ako nang makita sina Bryle, Vince, at Aldre na bulagta sa sahig, si Ethan naman pinagkasya ang sarili sa couch na hinigaan ko rin. Bahagya kong sinipa ang braso ni Vince palayo nang yumakap sa binti ko. Chumi-chicks pa rin kahit tulog. Tsk.

Maya maya ay nagising na rin si Vince at ang unang sinabi ay masakit ang ulo. Tinapik-tapik rin sina Aldre para gisingin. Tuloy, para silang mga patay na muling bumangon sa hukay.

"Pambihira naman, Vincent! Ba't ka ba nanggigising? Panira ng moment eh! Hahalikan ko na sana si Veronica, bw*s*t ka." reklamo ni Aldre.

"Mabuti na ring ginising kita, baka bangungutin ka pa. Pati sa bangungot, nambababae pa." Sagot naman ni Vince. Natawa at napailing lang kami sa dalawa.

"Look who's talking. Pati rin naman ikaw, Vincent eh. Pareho lang kayo ni Al." Iling ko.

"Wait, who is Veronica?" asked Ethan.

"'Yong nabola ni Aldre sa party kagabi. Mabuti na lang umalis tayo agad dahil kung hindi, baka kung saan pa madala ni kumag 'yon." Sagot ni Bryle.

"Oh bakit ba? I'm free to do whatever I want. Ready naman ako lagi eh. Lagi kong dala ang proteksyon."

"Xy, magkikita ba kayo ni Kianna ngayon?" Tanong bigla ni Bryle sa akin. I just shrugged my shoulders and looked at him, asking why. "Wala, natanong ko lang. Puro ka kasi Kianna kagabi, tsk! Tsk!" Tawa niya.

"Kaya nga! Parang hindi nagkita ng isang taon, eh ang tagal ngang nag-usap kahapon after game. Ikaw ah, napaghahalataan." Singit naman ni Vince.

"I just lured her out so she won't see Balbuena there." Sagot ko. That monkey! Gustong gusto ko nang sapukin ang pagmumukha ng bwst na iyon. How dare he show his ugly face to Kianna?

"Galit ka ba dahil kausap ko si Kiel? Look, nag-usap lang kami at isa pa, hindi naman iyon kasama sa rules natin." she said and I noticed she narrowed her eye on me but my sight remained somewhere else.

Nakangisi ito habang papalapit sa amin kasama ang iba pang unggoy. Naiyukom ko lang ang kamao ko bilang pagpipigil. I want to curse and break his face off at nang wala nang iyabang pa.

Hinila ko si Kianna palapit sa akin, embrace her when I was about to look back to where I was staring at. Shit! Not this time... hindi siya pwedeng makita ni Kianna. It's not safe for her.

"Uh... The rules, Xyrone."  Pagpapaalala niya sa akin pero mas hinigpitan ko pa para lang hindi siya makawala. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya once she looked back. Hindi ko alam ang gagawin ko.  

"Let me do this once, please, Kianna." I closed my eyes and let myself feel her heartbeats. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sa'yong masama. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Shit, anong ginawa mo sa akin, Kianna, that I have to be worriedly sick of you?

"Bakit? Anong problema?" Tanong niya ulit.

Alam kong kahit anong pigil kong ilayo siya kay Balbuena, sooner or later maalala niya ulit ang araw na iyon. At alam ko ring hindi ko siya mapoprotektahan sa lahat ng oras pero hangga't nandito ako, hangga't kaya ko hindi ko siya hahayaang malapitan ni Balbuena.

It's Official! (Oh Is It?)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant