18

8 2 0
                                    

"Albano, anong oras na?" Bungad na tanong sa akin ni coach habang nakahalukipkip. Pa-simple akong tumingin sa wrist watch ko at pa-cool na sumagot.

"9:40 am."

"Ilang oras kang late?"

"2 hrs. and 40 mins."

"Exactly! Late ka na naman! Hindi ba sinabi ko sa'yo, maaga kayo ngayon dahil sa practice game? Anong nangyari? Ikaw dapat ang mas maaga dahil team captain ka. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?"

Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa sermon ni coach sa akin. Late akong nagising. Masakit pa ulo ko. Inasahan ko na ring magagalit si coach sa akin dahil sa text ni Bryle. Madaliang ligo at bihis. Madaliang drive rin at kulang na lang ay paliparin ko sa bilis. At 'yon nga, nadatnan ko na silang naglalaro.

"Sorry, coach." Sagot ko. Sinamaan ko naman ng tingin sina Aldre na natatawa na sa akin dahil sa sermon. Lagot kayo sa akin mamaya.

"Hindi ka na nasanay, coach." Tawa ni Al. Umiling lang naman si coach pagkatapos ay  dumiretso sa may cooler.

Tama nga rin naman. Sanay na si coach sa akin, sanay na rin ako. Hindi naman niya ako pinapagalitan madalas eh. Timing lang siguro ngayon dahil mukhang may nagpa-bad trip sa kanya.

"Oh siya, warm up ka na, Albano. Ito oh, pampatanggal hangover." Sabay abot sa akin ng isang malamig na malamig na energy drink. Tumango lang ako ng bahagya. Sinasabi ko na nga ba, galit galitan lang ang coach.

"Ano na naman?" Sita ko kina Vincent na nangingiti.

"Gandang bungad 'no? Sermon. Kung hindi ang tatay, si coach. Minsan din, si Kianna." Tawa ni Aldre.

Tsk. Sinali pa si Kianna.

"Itikom mo bibig mo, Aldre. Masakit ulo ko kaya wag mo nang pasakitin pa lalo." Natawa lang ang mga loko.

'Yan kasi eh. Iinom-inom, hindi naman pala kaya. Alam mong may practice game kinabukasan, maglalango pa." Pang-aasar ni Bryle.

"Sawi kasi, bro. Intindihin na lang." Tawa ni Aldre.

"Sawi mo mukha mo." I laughed.

We started the game practice, kampi ko sina  Bryle. Okay naman ang game pero mukhang hindi satisfied si coach sa performance ko ngayon. Tingin ko, ganoon rin ako. Hindi ako satisfied sa galaw ko ngayon. Madalas na nagmimintis ang bawat tira ko. Maybe it's because I'm not in the mood right now, plus the hangover.

Nagpatawag ng timeout si coach kaya naupo muna ako sa bench.

"Okay ka lang ba, Xy? Wala ka sa focus ngayon. I know how well you play but now is different. It's either wala ka lang talaga sa mood or masama ang pakiramdam mo." Bryle told.

"Okay lang ako, Bry.

"Pft! Walang inspiration kasi may LQ" singit ni Aldre kaya sinamaan ko ng tingin.

"Masama lang pakiramdam ko."

"Ganito na lang, wag ka na munang maglaro. Magpahinga ka muna. Baka mapano ka pa." Suggest ni Bryle.

"Kaya ko naman maglaro. Masama ang pakiramdam ko dahil sa Aldre na ito." Tawa ko sabay amba ng suntok. 

"Chill lang, bro!" Tawa ni Al sabay iwas.

"Xy, pahiram naman ng cellphone mo. Makiki-text lang, wala kasi akong load pang-text."

Kunot-noo kong ipinahiram ang cellphone ko kay Vincent. Ngayon lang ito makiki-text kaya sige, pahiramin.

"May budget pang-date tapos pang-text wala? Kuripot mo naman, bro." Pang-aasar ni Aldre.

"Captain! Guys! May bisita tayo." Hingal na sabi ng isa sa teams namin.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now