14

6 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at naging okay rin naman kami ni Xyrone. Hindi na siya naging gano'n kasungit sa akin. Konting bangayan na lang between us. Ganoon ang naging setup namin dalawa. Pero akala ko lang pala 'yon. Akala ko lang pala na diretsong in good terms kami, like no bangayan or something dahil magkaaway kami ulit ngayon, simula kahapon. At ewan ko ba sa kanya... laging may mood swings, parang may period lagi. Mas masungit pa yata sa akin. Bahala nga siya diyan! As if naman susuyuin ko. Tsk, tsk.

"Tara?" Tanong ni Kian sa akin nang bumaba siya mula sa kwarto. I smiled and nodded. Kian's wearing a gray polo shirt and jeans, plus his smiles na lalo nagpapalabas ng kagwapuhan ng kakambal ko. I am wearing a grayish knee-high casual dress para same kami ng color. Put some liptint tapos hair pin sa magkabilang gilid ng nakalugay kong buhok.

Sumakay na ako ng kotse at tsaka ako nag-type ng message kay mom na pupunta na kaming simbahan para magsimba. Usually, complete kaming magsisimba but unfortunately, na-delay ang flight nila from Singapore to the Philippines, kaya kaming dalawa lang talaga. Si manang Ely sana yayayain ko rin, pero I remember day off niya pala.

After mass, I asked my twin brother to watch new lines of movies at the cinema. It's a kind of twin's date. At isa pa, kahit pa umayaw siya ay still no choice pa rin siya dahil mababagot siyang kakahintay sa akin sa labas ng cinema.

The movie went well. It's a kind of masterpiece and worth watching for. Pumasok ako sa isang department store and bought some school stuff. Nakasunod rin sa akin si Kian na may bitbit ring items na nabili niya. Natawa na lang kami pareho dahil sa sabay na pagkalam ng sikmura namin.

"Gutom na alaga ko sa tiyan." Tawa pa niya.

"Me either." Tawa ko rin. Kaya naman dumiretso kami sa isang fast food restaurant since magkalapit lang naman sila ng area from the clothing line.

"Spicy buffalo wings!" Sabay pa naming sabi nang makita ang menus. Nakita kong palihim na nangiti ang waiter na nasa harap namin kaya agad akong umayos ng upo. Tumikhim naman si Kian at tsaka tumingin sa menu. Sinabi ko ang order and ganoon rin pala ang kay Ian.

"2 orders of spicy buffalo wings, 2 chocolate milkshakes, and 2 large apple teas. Coming up, ma'am and sir." Ulit ng waiter.

"Padagdag na rin po, lasagna pizza." Pahabol ko. Ngumiti ito at tsaka pumunta na sa may counter area. Habang naghihintay ng orders ay na-brought out ko ang isa sa eksenang hindi ko makalimutan kanina sa movie. It was an action-love story movie na dumaan sa mga matinding pagsubok ang dalawang bida pero napagtagumpayan naman nila sa huli and they found their happy ending.

"Can't get enough sa movie na iyon! I really thought at first hindi sila magkakatuluyan."

"Halata nga sa iyo. Paiyak ka na kanina eh." Tawa niya pagkatapos ay ginaya pa ang hitsura ko kanina.

"Hmp! Hindi mo bagay, brother." Pabirong irap ko.

"Mabuti na lang happy ending kung hindi baka uuwi kang luhaan." Tawa niya ulit. Tumango ako, mabuti na lang. I'm fond of happy endings kaya.

Dumating na ang orders namin and started eating. Enjoy na enjoy ang spicy buffalo wings, our all-time favorite! Nag-picture pa kaming dalawa and send it to mom.

"Kuya, may tanong ako." Tanong ko pagkatapos ay sumimsim sa apple tea. Tumango naman siya na parang sinasabi 'ano iyon?' dahil ngumunguya pa siya. "Do you believe in a happy ending?"

"Oo naman. Naniniwala ako na lahat ng tao mahahanap ang kaligayahang ninanais ng kanilang mga puso." Sagot niya habang nakatingin sa kung saan, something like imaging something... someone, rather. Natawa ako dahil para siyang poet kung magsalita. Straight Tagalog.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now