8

9 3 0
                                    

Xyrone' s POV

"Sino 'yan? Ikaw ah. Chics ulit?" Pang-aasar ni Vince habang inuusisa kung sino ang nasa picture na hawak ko. Hindi ko napansin na nasa condo ko na sila.

"Picture ng babae malamang "

"Talaga? Magandang maganda ba? Patingin, patingin." Excited na tanong ni Aldre. Excited pa kaysa sa akin. Basta babae eh, 'no? Napansin kong kumunot ang noo niya nang makita ang picture.

" Teka, ito yung taga SCA di'ba? Wag mong sabihing type mo na siya?" Pang-aasar sa akin. Akala ko pa naman may idea na siya kung bakit may picture akong hawak.

"Oo nga ano? Sino na nga ulit ito? Ano na nga ulit pangalan?" Tanong naman ni Vince.

"Kianna Alcantara."  Sagot ni Bryle.

" Oo, tama! Yun nga!"

"Bakit mo hawak ang picture niya?" Tanong ni Ethan

" Isn't obvious? Fiancé ko raw,  Angelique Alcantara." Iling-iling na sagot ko. Nakaka-badtrip bigkasin. Bwst.

Sa sobrang curious ko kung sino itong fiancé ko ay napilitang tignan kung sino. Para naman makapag-adjust ako ng onti sa paghaharap namin. Hindi naman na ako nag-e-expect ng mas mataas sa malas na babaeng iyon. Para saan pa? Sa kontrata lang naman. The thing here is tuloy ang luho ko. Wag lang mawala iyon. When I found out who'd be, hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Sa dami ng babae yun pa? Tsk tsk.

"Sinasabi ko na nga ba iisa lang sila eh." Kumunot ang noo ko doon. May alam ba ang Bryle na ito?

"Small world." Ethan nodded.

" Akalain mo nga naman oh. Destiny kayo bro" Sabi naman ni Bryle. Nang-aasar ba ito o ano?

  "Soulmate kayo, bro." pangagatong naman ni Aldre.

"Baka soul hate." I corrected.

"Ayaw malaman ha?" Tangong sabi ni Vincent

" Curious ako eh. Lalo na mamaya na ang 'dinner namin together'." Dinner together, tsk. Eh kung takasan ko na lang kaya sila?. Kaso nga, mayayari ako sa tatay ko. Tanggal luho ako niyan. Kaya, wag na lang tumakas.

"Kung mag-fiancé  kayo bakit sa tuwing magkikita kayo eh para kayong aso't pusa?"  Tanong ni Aldre habang hawak ang baba.

"Malamang  wala siyang alam. It's either clueless or acting like she doesn't know. " I shook my head.

"Good luck , bro. Mukhang lalo kayong magkakainitan niyan pag nalaman niyang ikaw ang fiancé niya..... Ano bro? Masusuka ka pa rin ba?" Pang-aasar pa ni Bryle.

Hindi ako masusuka. Ngayong alam kong okay naman pala ang mukha niya. Mukha, hindi ugali. Kahit papaano  hindi ako mapapahiya sa ibang tao 'pag nagkataon. Ngayon, ang kailangan ko ay maghanda ng pambuwisit sa kanya.

-

Kianna's POV

Today is Saturday, which means mamaya na ang dinner with Albanos. Alam na ng mga kaibigan ko ang tungkol sa fiancé ko daw.  No'ng una nagulat sila at hindi makapaniwala pero naging mas excited sila kaysa sa akin. Except kay Keisha. Hindi naman yun pabor sa fixed thingy na iyan eh.  Buti na lang, at least may kasama akong disagree. Ano bang dapat na ika-excite ko di'ba? Labag sa loob ko ang gagawin ko.

Magdi-dinner na and andito ako ngayon sa room ko.  Ready na lahat. Ako lang ata ang hindi pa ready humarap sa ipapakasal sa akin. I heard three knocks on the door. Pumasok si Kian at ngumiti.

"Ready? Tanong niya at umiling ako.

" Kuya, kailangan pa bang gawin to? Pwede bang mag-back out? Itakas mo ako, please?" I pleaded, almost crying. Tinawanan lang ako. Ang bad niya sa akin, hmp!  Dapat supportive siya sa akin eh.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now