9

10 3 0
                                    

"Kia, nabasa mo na ba iyong sa FB page ni Kiel?"

"Hmm... hindi pa.. bakit? Ano ba meron do'n?"  Kunot-noo kong sagot kay Ales.

Lunch break na namin ngayon kaya nasa cafeteria kami. I am with these three fabulous ladies. And that Facebook page raw ni Kiel, legit iyon. Mayroon nga siyang pages. Marami siyang fan-girls. Indeed heartthrob.

"Usap usapan  lang naman  ang tungkol 'raw' sa kasama niyang babae sa bar kagabi."  Sagot ni Ales pagkatapos niyang inumin ang soda sa baso. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong natahimik. Nilalaro na lang ang pasta sa plate ko.

"Bakit daw ba pinag-uusapan? Hindi pa ako nakapag-online simula kahapon. Nakakatamad.  At tsaka ba't wala naman yatang nagkukuwentuhan about diyan."- Chary.

"Ano ka ba girl, kahit sinong fan-girls niya rito alam iyan." Paliwanag ni Ales. "Pero sige, I'll share what I know. Ang issue raw doon is the  girl na kasama daw niya. And that girl eh nakayakap kay Kiel. Makalingkis wagas, parang ahas." Parang si Ales ang affected. Siya ang nanggigigil.

"Oh, eh pati ba naman 'yan issue sa kanila? Magkayakap lang, magkasama lang, issue agad ? Baka super close friend lang.  Hay naku! Grabe naman yang mga yan. Teka, sino naman ang magpo-post niyan?"- Natawa ako sa pagkaka-react ni Cha. Parang siya pa ang stress.

"Syempre, alam mo naman ang mga tao ngayon di'ba? And malamang ang magpo-post noon eh ang mga admin na nakakakita kay Kiel." Ales said.

"Para namang artista si Kiel niyan, lahat alam." biro ni Kesh

"Syempre.. guwapo niya eh, famous sa campus natin at tsaka isa pa... kaya naman isyu ang tungkol sa babae eh dahil hindi nila tanggap na may ibang kasama si Kiel." -  Ales

"Sino naman ang babaeng gustong kasama ni Kiel, then?"-Chary

"Sino pa ba edi ang best friend natin na si Kianna."

"Hey! Nakikinig ka ba sa amin? Hindi ka man lang magsasalita?" Rinig ko, naramdaman ko ring may tumapik sa balikat ko  dahilan para mapatingin ako sa kanila. Si Chary pala 'yon, at nakatingin silang apat sa akin.

"Huh? O-oo, nakikinig ako." Sagot ko. Hindi lang talaga ako makapagsalita  about sa narinig ko. I felt like my heart pinched. Totoo kaya iyon? Totoo kayang may iba siyang kasama?

"Oh eh bakit hindi ka man lang umimik diyan?" Natatawang sabi ni Ales. Ngumiti lang ako at tsaka umayos ng upo para magmukhang interested.

"Anyway, back to the topic. Si Kia nga ang gusto nila kay Kiel, kinikilig nga sila kapag magkasama kayo eh.. hihihi." kinikilig na sabi ni Kesh  sabay tulak pa sa akin ng mahina. Napangiti ako dahil ako rin, kinikilig kapag kasama ko siya. Sino bang hindi, di'ba? That handsome, kind and gentleman with pretty smile. Sinong hindi?

"They like each other but hindi na pwede. Engage na kasi eh.. hayyyy.. kalungkot naman."- humalumbaba si Kesha.

"Kesh, quiet ka nga, baka may makarinig sa'yo. Tayo tayo lang ang nakakaalam about that. At ayaw kong may makaalam pa na fixed lang iyon." Suway ko. Luminga linga pa ako sa paligid dahil baka may mga nakarinig. Good thing, wala naman. Busy sila sa mga circles nila.

"Okay, okay. I'll zip it na."  then Kesh acted like zipping her mouth.

"Anyways, nag-date na ba kayo...? " Napaiwas tingin ako sa tanong ni Cha na iyon. Date na bang matatawag iyong nag-road trip kami? Noong sabay naming pinanood ang paglubog ng araw?

"Date na ba iyong nag-road trip kami, watched the sun set with random chats? If that was, then yes. I'll consider it one." Sagot ko. I just found myself smiling. I'd considered it one kahit hindi man niya sabihing yun na yun. Gusto kong maulit ulit iyon.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now