22

3 2 0
                                    

"Bago tayo pumuntang SCA, I just want to remind you guys to focus on your game. Win or lose, ang importante nag-enjoy kayo. Remember this, Green Dragons, enjoy and have fun!"

"Yes, coach!"

"Asahan niyo po coach, maipapanalo namin ang laban, papatunayan namin na kaya namin sila kahit ngayon lang natin tinanggap na sumali sa kanila" Si Bryle

"At sa tulong din yan syempre ni Team Captain Xyrone!" Aldre.

"Naniniwala ako sa inyo, teams! Albano." Sumaludo lang ako nang bumaling si coach sa'kin.

Binawi na ng admins ang suspension namin pero hindi ang community service. May dalawang linggo pa. As for the PSC, hindi ako hinayaang mawala sa team, of course they would need me to get the trophy.

Sabay sabay kaming naglakad sa may hallway ng SCA, syempre 'di mawawala ang mga matang nagpapantasya sa amin. I'm used to it. Girls are all smiling at us but I didn't bother to smile back.

Natigilan ako sa paglalakad at parang napako ako sa kinatatayuan ko nang may makita ako.

"Bro, bakit ka natigil?" Tanong ni Vince na hindi ko sinagot, nakatuon lang ang mga mata ko sa kanila. Hindi ko maintindihan, bigla na lang akong nainis sa nakita ko. Bad trip.

"PDA!" I blurted out at inis na nilampasan sila. Bakit ba lagi na lang may pda sa campus? Dapat diyan ipagbawal eh. Tsk.

"Huh?"

Naupo kami sa may left corner ng court while ang mga SCA ay sa right corner ng court, the other school syempre may mga kanya kanyang pwesto rin sila.

May mga ceremonies pa at pa-welcome address ang school host. After an hour of waiting, unang maglalaban sa basketball ang Austin University at Luther University. Wala naman masyadong thrill ang laban nila. Kaya 'di ako tumutok sa laro nila. 'Yong mga ibang game sports, sa ibang school ang venue, dito lang talaga ang basketball at board games.

Nagising na lang ako nang tapikin ni Vince ang mukha ko. Kinunutan ko siya ng noo habang natatawa sa ginawa niya sa akin. At kung sino man ang panalo sa laban kanina ay wala akong ideya.

Sierra Conde Academy (SCA) vs. Eandie Academy (EA) ang sunod na game. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, nagbabasakaling makita siya at ang reaksyon niya dahil at last maglalaro na ang favorite basketball player niya. Hindi nga ako nagkamali dahil kitang kita ko ang excitement niya mula rito sa kinauupuan ko. I saw how she cheered for her teams and gave a wide smile, especially at Buenavista. I just scoffed and rolled my eyeballs at them.

"Manood ka naman, Xy at wag tutulog-tulog." Pasaring ni Aldre

"At bakit pa ako manonood? Hindi nila ako fan para panoorin sila." Inis na sagot.

"Ay sus! Bitter ka lang eh, kasi nandoon si Kianna sa team nila. Tignan mo oh, kasama nila."- pang-aasar ni Aldre na sinundan rin ng apat na kumag.

"Full support oh. Pa'no ka na niyan?" Pang-aasar pa ni Vince na tinaasan ko ng kilay.

"Tsk. I don't care kung kasama nila siya. May supporters rin naman ako. Kaya kong maglaro kahit wala ang suporta niyan."

Palihim akong sumulyap sa kanya at hindi ko mapigilan ang pagyukom ng kamao ko nang mabasa ang hawak niyang banner kasabay no'n ay ang paghiyaw ng ilan sa pangalan nilang dalawa.

---


"Let's go, Blueeee Warriooorrr!" Sigaw namin nang nag-form kami ng bilog, tinaas ang kamay pataas. Muli akong bumaling kay Kiel at ngumiti, telling him 'good luck'. Ngumiti siya sa akin, mouthing 'thank you, Kianna.'

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now