6

14 3 0
                                    

Kian's POV

"Mauna na kayo roon, may pupuntahan lang ako saglit" Tukoy ko sa loob ng isang fast food chain. May lakad kasi ang barkada ngayon. Nagutom bigla si JC, isa sa kaibigan ko, kaya dumaan na lang kami sa fast food chain para kumain.

"Sige."

May event sa school pero hindi na lang kami nakisali. Mas gusto naming mag-unwind outside of the school kaysa makisali doon. Kailangan rin namin ito dahil puro practice game or kung hindi man ay studies  ang inaatupag namin.

Nilabas ko ang phone ko nang maalalang si Kia pala ang naka-assign na mag-tour sa mga guests, specifically ibang students. I composed message, wishing her luck. I heard kasi, mga hambog ang mga students na iyon.

"U-uy miss."  pagkasalo ko sa isang babae. Hindi ko namalayan na may babae pala na nasa harap ko dahilan para magkabanggaan kami at muntikan na siyang matumba. I am working on my phone; that's why I didn't notice at all. Mabuti na lang nahawakan ko siya, I mean her waist.  Natumba siya sa mga bisig ko. Napatitig ako sa kanya, sa mata nya. It seems like... There is something...

Napailing ako nang matauhan akong nakatitig pa rin sa kanya. Parang unethical tumitig sa isang tao nang matagal.

"Okay ka lang ba, miss? " tanong ko habang inalalayan siyang tumayo.

"Y-yeah. Thanks" Ngiti niya sa akin.

"I'm sorry, miss, hindi kita nakita. Nakatutok kasi ako sa phone ko, sorry."

"W-wala 'yon. Sorry rin, di kita napansin, may phone call kasi ako."

"S-sige miss, I have to go. Sorry again. "

" Yeah. Thanks again."

After that pumasok na ako sa restaurant. Palinga-linga ako sa paligid, hinahanap ang mga kasama ko. Saan ba kumakain ang mga iyon?  I texted JC kung nasaan sila. Kaya lang wala pang reply kaya nag-order na lang ako ng kakainin ko. Kung hindi ko sila rito makita, maybe sa ibang chain sila kumakain.

Nang makapag-order na ako, palinga linga ulit ako sa paligid ng chain na ito, looking for table to dine in. Ang malas ko naman  ngayong araw. Walang bakante ni isa?  Nag-ikot ikot pa ako pero wala pa rin akong mahanap.

Sa may likuran ay may nakita akong babaeng mag-isa lang ata kumakain. Kaya kakapalan ko na mukha ko, makiki-share na lang ako. Hindi ko naman siya iistorbohin sa pagkain or anything.  Nagugutom na talaga ako. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Uhm, excuse me, miss, if you don't mind, pwede bang maki-share ng table?" 

Umangat ng tingin.  Wait, familiar siya ah.
"Yeah, sure" Ngiti sa akin.

"Thanks."  Ngiti ko rin bago hinila ang upuan. Bale, nakaharap ako sa kanya.

"W-wait, you looked familiar" turo niya sa akin. Naramdaman ko ring may tuwa sa mga binigkas niya. Ewan lang ha, baka assume ko lang. Napa-huh ako doon. Familiar ako? Marami na ba talagang nakakakilala sa akin dahil sa pagiging varsity player ko?

"Ah, I know na! I-ikaw yung lalaki kanina" turo niya sa akin.

"A-ako?" Turo ko sa sarili ko. Me? She must be mistaken.

"Yes. Hindi mo ba naaalala?"

Napaisip naman ako bigla and then I remembered the girl a while ago. Siya yung babae! Tama, siya nga! Whoa!  I don't know but I realized that I'm smiling right now.

" Naalala ko na! Ako nga 'yong lalaki kanina, yung nakabanggaan mo"

"Coincident! Akalain mong pati dito magkikita tayo" natutuwang sabi niya.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now