23

4 2 0
                                    

"So, we won. No to going back to strangers na ah?"  I told her after the game, sa loob pa rin ng court.

"Hmm?" Natawa siya pagkatapos ay nagkunwaring nag-iisip. "Depende sa mood natin." She chuckled.

"I'm sorry for acting that way. Pati na ro'n sa nangyari sa park last time." I apologized.

She smiled. "It's all fine now and I should apologize rin sa'yo. Sorry rin."

"Alright." I smiled. "So, final game na bukas,  good luck, then? " Tumango siya. "Good luck."

"Hindi ko na itatanong kung saang team ka dahil alam ko naman na kung kanino ka s–"

"Yeah, and I'll be siding both teams, then, Xyrone. I'll watch your game tomorrow." 

"Aba, aba, anong ngiti 'yan ha? Ibang iba ah, kanina pa." Sita ni Aldre sa akin habang naglalakad sa may hallway, sa loob ng SCA campus.

"Look who's excited. " Pang-aasar ni Vince na hindi ko na lang pinansin.

"Ngiting in love na ba 'yan?" Napakunot noo lang ako sa sinabi ni Bryle.

"Of course not. Wala sa vocabulary ko ang ma-in love sa kanya."

"Whew, hind man lang kinabahan sa sinabi.  Ang straightforward ha?" Ethan narrowed his eyes on me.

"Wala raw ah. Eh ano 'yong nangyari sa'yo these past few days? May alam pa-wala akong pakialam pang nalalaman, hindi naman pala kayang makitang kasama siya ng iba." Pasaring ni Bryle.

"Uh... just..." I hemmed. "Trip ko lang, bakit ba?" 

Maya maya pa ng kaonti ang laro namin dahil turn pa ng ibang sports sa oras na ito. Palinga-linga ako sa paligid, looking for her. Sa di kalayuan ay nakita ko ang mga kaibigan niya, napangiti ako dahil alam kong nandito na siya pero akala ko lang pala. Nakita ko rin si Buenavista na palapit sa kanila, para akong nabunutan ng tinik dahil mag-isa lang niya. Akala ko kasi magkasama na naman sila.

Pero nasaan na kaya siya? Hindi na naman ba siya manonood?

"Kuya, she's not around" gulat akong napatingin kay Maui na nasa tabi ko na pala. I looked at her with a questioning look.

"I know siya ang hinahanap mo and Kian said that hindi siya makakanood ng laro ngayon."

"Why?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya. Napabuntong hininga ako, parang bigla akong nawala sa mood.  Inaasahan ko pa na naman na mapapanood niya ako, na maipapanalo ko ang laro laban sa Kiel na yan. Tsk.

"Bro, are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo ah, nakatingin ka sa karibal mo." si Vince.

"Tingin mo, magaling ba talaga 'yang Buenavista na yan?" Tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.

"Magaling 'yan, lalo na kapag nagsama si Alcantara at Buenavista , tiyak perfect combination." Sagot ni Aldre na parang isang analyst. Bigla akong nainis. Perfect combination? What was that...KiaEl? That sounds bad.

"Pinagsama... tsk.. eh busted na nga sa kanya eh."- bulong ko pero narinig ko ang pagtawa ng apat. "What's funny?" kunot noo kong tanong.

"Sinong busted? Si Buenavista? Kay Alcantara? Ikaw yata busted dito, bro!" Tawa ni Vince.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now