3

14 3 1
                                    

Xyrone's POV

"Sir, good morning." Ngiti sa akin ni Ellen, my assistant slash secretary.

"Anong good sa morning? Dumaan lang ako dito kasi may naiwan lang. Kung may kailangang pirmahan na naman, just put that all on my table. Itambak niyo do'n hanggang sa maharap ko ang mga 'yan." Inis kong sabi. Ang aga aga, mga paper works ang bungad sa akin sarap ilagay sa basurahan at sunugin.

"S-sorry sir, wala naman po kayong kailangang pirmahan, napirmahan na po ng dad niyo. Wala rin kayong scheduled meeting this day and on. Ang sabi lang po ni sir Apollo na gawin niyo na lang daw ang sinasabi niya sa inyo."

Whoa! Buti naman at naisipan ng tatay kong gawin ang trabaho niya at hind ipasa sa akin. I was told to work on his company's business. Our company, rather.
Inis akong tumango sa kanya. Ang daming sinabi. Wala naman akong pakialam kung may meeting o wala. Hindi naman ako sumisipot doon at kung oo man, hindi ako nakikinig. Bahala silang mag-usap usap diyan.

"At ito na po yung picture ng fiancé niyo na binilin niyo sa akin." Inabot nito sa akin ang isang brown envelope. Hinablot ko ito at tinignan ang nakasulat.

"Angelique Alcantara." Pambabasa ko sa pangalan. Napailing ako. Kung sino sino na lang ba ang ipapakasal sa akin? Kung magandang artista lang sana o sikat na personalidad siguro, okay pa. Matitiis ko pa.

"Put that on my table."

Pailing iling akong lumabas ng opisina, ng company. Binasa ko lang ang name, but I didn't look at the picture. Baka masuka lang ako kung makita ko pagmumukha niyang kung sino mang babaeng yan. Ang sama ko ba? Eh sa naiinis ako sa engagement thing na yan eh.

I hopped into my Montero sports car and drove it somewhere. I am going to a school event; it's actually at another school. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako kasama sa kaartehan ng campus na pinapasukan ko eh.

'Angelique Alcantara'

'Angelique Alcantara'

'Angelique Alcantara'

'Angelique Alcantara'

'Angelique Alcantara'

Putek na pangalan 'yan!  Why does her name keep flashing in my mind? Anong bang meron sa kanya at nagustuhan siya ng parents ko? Psh! I shook my head para mawala naman sa isip ko ang pangalan na 'yan.

"Argh! Bad trip! At talagang nakikiayon ang panahon ah, sobrang traffic..." Inis kong hinampas ang steering wheel ng kotse ko. Napahimas rin ako sa noo ko dahil nakaka-bad trip lang talaga.

"Chill lang bro, di pa naman nag-start ang program. Chill ka lang ang init ng ulo mo eh." Inayos ko ang headset na nasa tenga ko habang naririnig ang boses ni Bryle na nagsasalita. Kausap ko via phone call.

"Tsk! I hate this day! I hate this life!  It's so miserable and disgusting!"

"Chill ka lang, Mr. fiancé niya." Obviously, si Vincent 'yon, nambubuwisit na naman. I heard them laughing.

"Shut up. You're dead pagdating ko diyan.  Nakakapang-init naman kasi ng ulo ang araw na to. Ba't kailangan pa kasi yang event na 'yan? Dumagdag pa 'yang babaeng 'yon!"

"Huh? Sino?" Si Aldre iyon for sure.

"Mamaya na lang" 

After an hour, nakarating na rin sa school na to. SCA.  Sierra Conde Academy. I parked my car on the parking area. Inayos ko pa ang buhok ko at sinuot ang shades ko.
Malaking school rin ito tulad sa campus namin. Bubungad dito ang statue ng isang babae na katabi nito ay may water fountain, which is the main attraction of the school.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now