7

9 3 0
                                    

"T-tama ba ang narinig ko? Fiancé, dad? Fiancé?" Naguguluhan kong tanong.

Hindi ko mapigilan ang inis ko. Dumadagdag sa pagkainis ko. Kailan pa ako na-engage?

"Yes, anak. Fiancé mo." ulit ni dad.

"But, dad.. h-how... How come?" Pailing-iling kong tanong. Hindi makapaniwala sa narinig. This is unbelievable! Ni wala nga ako sa isang relationship eh. Tapos ngayon malalaman kong engaged na pala ako?

" Anak, let me explain. You're tito Apollo and I and we're friends. Bata pa lang kayo ng anak niya, napag-usapan namin ang tungkol sa magiging future niyo."

So they already planned my future? With dad's friends' son? Nakatingin lang ako kay daddy, umiling iling habang hirap tanggapin ang nangyayari. Ni hindi ko namalayang  unti unting tumutulo ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

"Akala ko hindi na iyon matutuloy dahil dahil umalis sila ng bansa. But these past weeks, nagkita kami at napag-usapan ulit ang tungkol sa inyo. Anak, nakiusap sila na ituloy ang kasunduan."

"At pumayag ka naman dad. Is it because of money? Huh?!" There's a bitterness on my voice. Money. Iyon naman ang isa sa pinakadahilan eh, pera. Money, that damn money!

"No, no, anak. Hindi iyon ang dahilan." This time, mom butted in. She's trying to lighten up this scenario. I scoffed. I couldn't help but scoff. This would be the first time that I'd be like this. I am sounding like a rude daughter and I don't like it. I hate it.

" Eh ano po, dad!? Mom?! Imposibleng basta basta na lang kayong papayag ng walang dahilan!... Dad, tell me! Tell me the reason why." I can't help but to raise my voice. It was really an awful day today!

"Dad, mom, Kianna, what's happening here?" Takang tanong ni Kian pagdating niya. Hindi ko pinansin ang presence niya but I knew he's wondering and confused what's going on.

"Dad, tell me please... please"

"Kianna, listen, it's not all about our business, okay? It's about him. Anak, gusto ko lang tulungan ang kaibigan ko at ikaw lang ang sa tingin naming solusyon doon. Tulungan mo silang mabago ang anak nila." I scoffed. Mabago ang anak nila. Hindi ko alam kung matatawa ako or what.

"Help them na ibalik sa dati ang anak nila. Anak, please listen to me. Naiintindihan mo naman ako, hindi ba? " Umiling lang ako sa sinabi ni daddy. This is insane. What's happening to my parents' mindset? This isn't right.

"Naririnig niyo po ba ang sarili niyo? You can help them but in other way. Not this one. Engagement nor marriage is not the solution. Hindi niyo kailangang ipakasal ako dahil lang sa gusto nilang magbago ang anak nila. Leopard can't change it's own spot and you know it."

--

Kian's POV

"Kianna, just do it! Gawin mo na lang para sa amin! Pati na rin sa sarili mo. This is not just about him but you, as well. This is for your own good." He almost shouted, still trying to be calm. Palipat lipat ang tingin ko sa kanila. Ano bang nangyayari? Bakit ba sila nagkakasagutan?

"My own good? Really, huh?... Alam mo po dad, hindi kita maintindihan. Paanong para sa ikabubuti ko? This is crazy!" She almost hissed. Nakayukom ang mga kamao niya dahil sa pagpipigil sa sarili.

"Kianna Angelique." Suway ni dad dahilan para matigilan si Kianna. Dad used his authority and couldn't do anything but shut up and follow what they told us to do. Ganyan ang daddy sa amin. He may be letting us do some things na gusto namin, pero ibang usapan na kapag inutos na nyang gawin ang isang bagay na gusto nya. Hindi ko alam kung ano ang utos ni dad sa kanya, pero sa tingin ko, hindi ito magiging madali.

It's Official! (Oh Is It?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon