20

9 2 0
                                    

"Get well, Kianna. I'll be back tomorrow to see you."

That was the first thing that passed through my mind. Was it just a dream? And who was behind that familiar voice? It seems like a real one talaga. Bumangon ako sa kama, medyo mabigat ang pakiramdam.

Napatingin ako sa may bed table ko, may mga medicine, thermometer, pagkaing hindi pa yata nagagalaw, water in a glass and a small black basin with a white face towel. Kunot-noo kong tinignan ang sarili ko, I am wearing a pajama suit. The last time I knew, I was wearing my school uniform yesterday... medyo nanghihina ang katawan ko. But the thing here is... nilagnat ba ako?

Tumayo ako at lumabas ng room para pumunta sa kitchen pero hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay may agad na tumambad sa harapan ko, isang taong hindi ko inaasahang makikita ko dito.  Ang ngiti niya ay abot-langit nang makita ako.    

"Kianna!" Natigilan ako sa biglaang pagyakap niya sa akin. What's wrong with this guy? "Okay ka na ba? Wala ka na bang lagnat? We were worriedly sick of you! Ang taas ng lagnat mo kahapon. Pero thanks God you're fine now." Tuloy tuloy na sabi niya habang yakap yakap pa rin ako.

Gustuhin ko mang bumitaw sa yakap niya ay hindi ko na nagawa dahil I was stuck on his words. So, I caught a high fever? And I didn't even know about that?!

"Wala ka nang lagnat! Pero kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya ulit nang hawakan ang noo, leeg at ngayon ang balikat ko habang nakaharap sa kanya.

"Uh... I'm fine. Medyo nanghihina pa katawan ko but I'm fine naman na." Ngiti ko na nagpangiti sa kanya. Inalalayan niya ako pababa and even if I find it strange that he's here and taking care of me as if he did something wrong, I shake this thought off.

"Oh hija, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni manang nang makasalubong kami pababa, may dala siyang tray na may soup and milk, siguro about to take that in my room. Ngumiti lang ako as if saying okay na ako.

"Papunta na sana ako sa kwarto mo eh. Oh siya, kumain ka na muna para makainom ka ng gamot." Tumango lang ako kay manang at sumunod sa kitchen.

"Sabayan mo na rin si Kianna, iho." Baling kay Xyrone. Nabanggit rin ni manang na panay ang tawag nina mom dito sa bahay and checking up on my condition.

"Wala silang nabanggit kung uuwi sila. Baka magtagal pa sila roon." Sagot ni manang nang tanungin ko kung uuwi ba sila dad and mom. Tumango lang ako at saglit na ngumiti.

"Wag ka nang malungkot, uuwi rin naman sila. At 'pag uwi nila, dala nila ang pasalubong nilang barbie dolls at chocolates!" Pagpapagaan nya sa loob ko as if I am a kid, chuckling. Natawa lang rin ako dahil parang may iba talaga sa kanya ngayon.

"Ah, kanina ko pa ito gustong itanong sa'yo, Xyrone. Have you been here since yesterday? I mean, did you sleep here?"

"Yes and no." Sagot niya, kaya tumango lang ako. If then, siya ba iyong voice na iyon and that...kiss?

"Whoa! Whoa! Ano 'to? Date?" Bungad ni Kian nang maupo sa harapan namin, natatawa pa. Pabiro kong inismiran. "Hay! Mabuti at okay ka na! Look, iniismiran mo na ako." Tawa niya.

"Paano ako nagkalagnat? Hindi naman ako nagpaulan kahapon ah. Maaraw pa nga bago ako pumuntang SLA." Sambit ko. "Ah, kahapon... nakapag-usap ba tayo kahapon? I remembered you sent me a message na puntahan kita sa campus niyo." Baling ko  kay Xyrone na mukhang natigilan at napakunot noo.

"Kahapon? Paano kayo mag-uusap eh para kang lantang gulay kahapon." Sabat naman ni kuya pagkatapos ay nagtinginan sila pareho. "Kailan 'yang kahapon na 'yan, Kia?" Dagdag niya.

"Yesterday, Thursday. Thursday kahapon, di'ba?" Pagko-confirm ko but they just looked at each other as if something was going on.

"Saturday na ngayon, Kianna." Sagot ni Xyrone.

It's Official! (Oh Is It?)Where stories live. Discover now