Magsasalita pa lang sana kami nang marinig namin ang code blue sa emergency room kaya naman nagmadali akong lumabas at tumakbo papunta doon. Iniwan ko na lang si Fierro doon kahit na alam kong hindi pa kami tapos mag-usap dahil mas importante ito kaysa sa kan'ya.

Nang makarating, nakita ko na dinadaluhan na ng mga nurse at ni Doc Cris na naka-duty ang pasyenteng nag–cardiac arrest. Pinakuha na ni Doc Cris ang defibrillator para i-revive ang pasyenteng tumigil na sa pagtibok ang puso. Lumapit ako do'n at nagtanong sa mga naka-duty.

"Anong nangyari sa pasyente?" tanong ko habang nagsusuot ng gloves.

"Kadarating lang po five minutes ago. Naaksidente. Drunk driving."

Napabuntonghininga ako bago pinanood na i-pump ni Doc Cris ang pasyente gamit ang defibrillator pero hindi bumabalik ang pagtibok ng puso nito. Nang makailang pump na, sinubukan nilang i-CPR ang pasyente pero tuluyan nang bumigay ito. Nagbuntonghininga ang doctor.

"Time of—"

"Sandali!"

Pinaalis ko sila at sumampa ako sa hospital bed ng pasyente para ituloy ang pag-CPR sa kan'ya. Pinagpatuloy ko lang nang pinagpatuloy 'yon hanggang sa umaagos na ang mga pawis ko at nararamdaman ko na ang paninigas ng kamay at braso ko. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko dahil alam ko, wala na akong magagawa pa pero kung titigil ako, baka magsisi ako.

"Calista, tama na."

Umiling ako nang umiling kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "Baka ma-revive kapag pinagpatuloy ko."

"Calista, let go."

Umiling ako nang umiling pero sa huli, napatigil ako nang marinig muli ang mahaba at matinis na tunog mula sa cardiac monitor.

"Time of death: 08:45 a.m."

Wala sa sarili akong umalis ng emergency room at nilampasan lahat ng mga doctor at nurse maging ang mga pasyente na nasa lugar. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko na para bang matagal kong naging pasyente ang pasyente kanina.

It's not even the first time. Why do I still feel like this?

Buong araw, walang laman ang isip ko kung hindi ang pasyenteng hindi namin nailigtas. I know that it's not our fault and the driver is driving under the influence but I still couldn't stop myself from feeling guilty whenever someone dies right in front of my eyes.

I swear, I'll never get used to it. And I don't even want to try to. I don't want to be the doctor that does not feel pain whenever a patient dies. Even though it's a horrible experience to have this emotion, I still want to feel tormented whenever it happens.

Gabi na nang mag-out ako sa trabaho. Dumeretso ako sa parking lot para umuwi dahil gusto kong matulog na. Medyo maraming pasyente ngayon kaya ramdam ko ang pagod. Feeling ko, hindi na naman ako makakakain ng dinner dahil mas uunahin ko ang matulog.

Nang makarating sa harap ng bahay, pinagbuksan ako ng gate ni Manang oras na bumusina ako. Mabilis akong nag-park sa garahe at lumabas ng sasakyan. Pagkatapos, pumasok ako sa loob ng bahay.

"Mommy, hindi na ako magdi-dinner."

Hindi sumagot si Mommy. Sa halip, nang lumingon ako sa dining area, nakita ko si Fierro na nakaupo doon at kausap si Mommy habang parehong nakatingin sa akin. May mga nakahandang pagkain sa lamesa. Napaawang ang bibig ko nang dahil do'n.

"Kumain ka kahit konti, palagi ka na lang gan'yan, Calista. Nag-aalaga ka nga ng pasyente pero sarili mo, pinababayaan mo."

Napalunok ako't nag-iwas ng tingin. "N-Nagmiryenda ako bago umuwi." I cleared my throat. "Sige na po, akyat na ako."

Nang makarating ako sa k'warto, mabilis kong ibinagsak ang katawan sa kama at tumitig sa ceiling.

Anong ginagawa ni Fierro dito? Alam kong maayos sila ni Mommy kahit na naghiwalay kami pero sa loob ng maraming taon, ngayon ko lang siya nakita ulit dito sa bahay.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Aalis ba si Fierro ng hospital? Magre-resign ba siya dahil sa pag-uusap namin?

Napabuntonghininga ako bago mariing pinikit ang mga mata. Sabi ko, gusto kong matulog pero mukhang hindi ako makakatulog dahil sa pag-iisip kung bakit siya nandito ngayon.

Makalipas ang ilang oras, narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan kaya naman sumilip ako sa bintana. Hindi ko napansin yung sasakyan na 'yon kanina noong umuwi ako kaya naman hindi ko alam na may tao pala. Nagbuntonghininga ako bago lumabas ng k'warto at bumaba. Naabutan ko si Mommy sa kusina na nagtitimpla ng tsaa niya.

"Oh, Calista? Akala ko matutulog ka na?" tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "M-May tinapos pala akong report." Tumikhim ako bago muling tumingin sa kan'ya. "A-Ano palang pinag-usapan ninyo ni . . . F-Fierro? Bakit siya nandito?"

Ngumiti siya bago nagsimulang maglakad. "May inaasikaso kaming medical mission doon sa orphanage na sinusuportahan natin sa Zambales. Gusto sana kitang isama kaso sabi ni Fierro, mukhang hindi magandang idea kaya hindi ko na rin nabanggit sa 'yo. Nag-finalize lang kami kanina ng details para handa na kami next week."

Napalunok ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Simula nang maghiwalay kami ni Fierro, hindi na ako nakabalik sa orphanage na 'yon kahit na tuloy-tuloy naman ang pagpapadala namin ng donations at mga regalo doon. Kumusta na kaya sila? Nakikita ko lang sila sa picture pero hindi ko alam kung maayos lang ba sila. Karamihan sa mga batang naabutan ko doon noon, umalis na ng orphanage o kung hindi naman, in-adopt na. Nawalan na rin ako ng balita sa mga 'yon.

"Sasama ako."

Lumingon sa akin si Mommy nang nakakunot-noo. "Sigurado ka? Balita ko, nagkasagutan kayo kanina, ah?"

Napabuntonghininga ako. "Basta sasama ako. Gusto kong malaman kung kumusta na yung mga bata."

Ngumiti si Mommy. "Ayos lang ba sa 'yo na makasama doon si Fierro?"

I sighed. "'Wag mong intindihin 'yon, Mommy. Pupunta ako doon para sa medical mission hindi para sa kan'ya."

Tumawa nang mahina si Mommy bago ibinaba ang tsaa sa lamesa saka naghila ng upuan. Naupo kaming dalawa.

"Calista, alam kong hanggang ngayon, hindi mo pa rin gusto ang pagiging doctor at ginagawa mo lang 'to para sa akin—sa Daddy mo. I know that you're suffering inside and you're hiding it from me . . . so I don't want to ask you to do things for me anymore."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "I am the one who's volunteering here. You didn't ask me, right?"

She smiled before sipping on her tea. "Okay, then. I'll add you to the list of volunteers later."

I nodded and didn't talk anymore.

"Sana dumating na yung araw na masasabi mong worth it ang pagsakripisyo mo sa art para sa pagdo-doctor. Calista, I know that I've been very cruel to you regarding this but I just want to show you—to let you experience—the art and beauty of saving people's lives. There's art in medicine, Calista. I hope you'll soon realize that."

Matapos niyang sabihin 'yon, tumayo na siya at naglakad papunta sa k'warto niya. Nagbuntonghininga ako kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha.

I know that there's art in medicine but I'm too unwell to focus on it. And I've already given up on that thing long ago. I don't even know how to draw anymore.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now