"U-Uuwi ka na ba?" he asked. I nodded. "Patapos na rin ako sa . . . rounds ko. Ayos lang bang . . . hintayin mo na rin ako?"

Napaawang ako ng bibig matapos marinig 'yon. "H-Huh?"

Ngumiti siya nang maliit bago nag-iwas ng tingin. "Uuwi na rin ako. Ihahatid na sana kita."

Napakamot ako sa batok bago nag-iwas ng tingin saka tumango na lang. "S-Sige."

Umalis na siya at ako naman ay naupo na muna sa waiting area para hintayin siya. Medyo inayos ko na rin ang kaninang messy bun kong buhok. Tiningnan ko ang sarili sa screen ng salamin at nakitang para akong panda sa sobrang laki ng eyebags ko. Maglalagay sana ako ng kaunting makeup kaso, nakita kong naglalakad na siya pabalik kaya naman tumayo na ako at inayos na lang ang suot.

Huminto siya sa harap ko saka ngumiti. "Kumain ka na?" tanong niya.

Umiling ako. "H-Hindi pa."

Tumango siya. "Kumain muna tayo ng lunch bago tayo umuwi."

Napaawang ako ng bibig bago tumango saka sumunod na sa kan'ya.

Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa pagiging civil niya sa akin. Hindi ba dapat, galit siya sa akin? Hindi niya dapat ako tinatrato nang ganito kaayos, 'di ba?

Nang makarating kami sa parking lot, pinatunog niya ang sasakyan niya saka kami dumeretso sa itim na Fortuner. Dala ko rin naman ang sasakyan ko pero ipapakuha ko na lang 'yon mamaya sa driver namin.

Habang nasa byahe, hindi siya nagsasalita kaya naman hindi ko alam kung paano ako aakto ngayon sa loob ng sasakyan. Gusto kong tingnan siya habang nagda-drive dahil ito ang unang beses pero hindi ko magawa sa sobrang kaba kaya naman idineretso ko na lang sa harap ang tingin.

"May surgery ka raw kanina?" tanong niya, dahilan para mapalingon ako.

Napalunok ako nang makita siyang naka-focus sa daan habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa manibela at ang kanan naman ay nasa gear lever. Kita ko ang mga ugat sa braso niya at hindi ko alam kung bakit kinabahan ako nang makita 'yon.

"Uhh . . . o-oo." Nag-iwas ako ng tingin.

Mabilis ko siyang tiningnan at nakitang nakangiti pa rin siya pero nasa daan pa rin ang atensiyon niya. "Your mom must be so proud of you." Lumingon siya kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. "Nagiging surgeon ka na."

Napabuntonghininga ako bago ngumiti nang maliit. "Yeah. She's so proud of me." I gulped. "But at what cost?"

Matapos kong sabihin 'yon, naramdaman niya siguro na hindi ko 'to gustong pag-usapan kaya naman hindi na siya nagsalita pa. Ilang sandali lang, lumiko siya sa isang five-star restaurant at nag-park sa parking lot. Tinanggal ko na ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Nakasalubong ko pa siya sa gawing pinto ng shotgun seat pero hindi ko na lang pinagtuunan 'yon ng pansin.

Ayaw ko namang mag-assume na pagbubuksan niya ako. Parang mas okay para sa aking isipin na galit siya kaysa itrato niya ako nang maayos na maayos. Para kasing ibig sabihin n'on, naka-move on na siya.

Pero . . . dapat lang naman, 'di ba? It's been almost a decade. Ano bang gusto ko? Malugmok din yung tao tulad ko?

"Uhh . . . t-tara na."

Nauna na akong maglakad papunta sa pintuan. Narinig ko ang paghabol niya sa akin bago ko pa man mabuksan ang pinto. Napalingon ako sa kan'ya nang siya na ang naghila ng pinto para sa akin.

"S-Salamat," sabi ko bago pumasok.

Nang pumasok siya, narinig kong sinabi niya sa waiter ang pangalan niya at itinuro naman kami nito sa reserved table for two persons. Nagpasalamat kami bago naupo.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now