Naiintindihan ko naman 'yon na nag aalala s'ya ng makita n'yang namamaga ng sobra ang mata ni Bella sa kaiiyak, pare-pareho lang naman kaming gano'n...sadyang nauna ko lang malaman kaysa sa kanilang dalawa 'yung mga nangyayari kay Joaquin.

Kung tutuusin, hindi ako pabor sa ginagawa n'ya, pero wala akong magawa para pigilan s'ya dahil ipit ako.

"Diba bumalik ako no'n agad tapos tinanong n'yo ako kung bakit ang bilis ko?" Sabi ko pa bago sila tinignan at mukha natatandaan naman nila 'yon. "Natandaan n'yo ba 'yung dahilan ko?"

"Na may nakita kang hindi ka-aya-aya?" Patanong na sagot ni Yuan kaya tumango ako.

"Natandaan n'yo din ba 'yung itinanong ko kay Bella?" Tanong ko habang pahina ng pahina ang boses dahil alam kong kapag na-realize na nila ang ibig kong sabihin ay masesermonan ako ng wala sa oras.

"Oo, 'yung tungkol sa isa mo pa kamong kaibigan, na paano kung 'yung taong gusto mo eh makita mong may kasamang iba habang cool-off....kayo."

[Flashback]

"Haa, da presh eyr is so nays end warm." Sabi ko bago nag lakad-lakad sa tabing dagat.

Malapit lang naman 'to sa pad nila Bella, eh tutal kami din naman ang nakabantay sakan'ya ngayon at alam ko naman na ayaw n'yang napakaraming nakaaligid sakan'ya, lumabas nalang ako hehe.

Sa gwapo kong 'to, syempre marunong ako makiramdam 'no!

"Ah! Oo nga pala, nagpapabili si boss ng...si Joaquin ba 'yon?" Pag kausap ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo dahil hindi ko sigurado kung namamalik-mata ba ako o tama ba ang nakikita ko si Joaquin at si Haven na magka-akbay.

"Tama ba ang nakikita ko? Ambelibabol! Hindi pa naman malabo ang paningin ko diba?" Tanong ko sa sarili ko bago kinusot-kusot ang mata ko pero ng imulat ko ulit ang mga mata ko ay nakita kong nasa akin na ang tingin ng dalawa dahilan para mapapitlag ako.

Tatalikod na sana ako pero agad na napahinto ng mag simula si Joaquin na mag lakad palapit sa'kin, hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa presensya na ibinibigay n'ya sa'kin pero dahan-dahan nalang akong napaatras hanggang sa maabutan n'ya ako.

"J-joaquin." Tawag ko sakan'ya pero binulungan n'ya ako na nakapagpanginig ng buto ko.

"Walang makakarating kay Bella, pati sa iba, kung ayaw mong ikaw ang sunod na pag lamayan ng mga mahal mo sa buhay, am i clear?"

Dahil sa takot at napalunok nalang ako bago napahawak ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. "C-crystal."

Hindi ko alam kung saan napunta ang tapang ko ng makita ang mukha ni Joaquin na animo gusto nang sumabog sa galit. Isang buwan na silang hindi nagkikita ni Bella, isang buwan na din simula ng putulin ni Joaquin ang komunikasyon sa'min nila Jester at Yuan para mag patulong sa ipinag-uutos sakan'ya ng Prime Minister, tapos dito ko s'ya makikita kasama ang pinakakinaiinisan ni Bella na babae sa Snake Eyes?

Tangina! Eto ba ang plano n'ya para ilabas ang makiyavelyan (machiavellian) ni Bella? Wala akong makita ni isang sense sa pinaggagagawa n'ya!

"Alam ko ang iniisip mo, h'wag mo nang tangkain na mangialam, turn a blind eye hanggang nakakapagtimpi pa ako."

Matapos naming magpalitan ng matatalas na tingin ay ako na ang naunang umalis.

Kung hindi ko nakita ang pulang lazer na nakaturo sa puso ni Joaquin kanina ay baka nakipagsuntukan pa ako para iganti si Bella sa panggagagong ginagawa n'ya sa prinsesa namin ngayon pero tingin ko ay hindi lang ako ang inipit n'ya, pati s'ya ay ipit sa sitwasyon n'ya.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now