Kabanata 43

513 26 3
                                    

Kabanata 43

Pagkatapos namin mag check-out sa hotel ay dumiretso na kami sa restaurant na sinabi at pina-reserve ng kapatid ko. The place is classy yet elegant; an ideal restaurant for wealthy people.

Agad kong tinext si Sandro para sabihin kung saan banda ang restaurant at nang dito na siya dumiretso pagkatapos ng trabaho. I know he's so busy, but still try his best to be with me on this special day of mine.

How lucky is me? Definitely so lucky!

"Talaga bang may boyfriend ka na, Michiko?" Nabaling ang atensyon ko kay Kuya JD.

"Oo, bakit? Hindi ka ba makapaniwala?" Nakakaloko kong sagot pabalik.

"Hindi. Ang pangit mo, eh." Sagot niya at inirapan ko na lamang ito. Kahit kailan talaga ay hindi siya matinong kausap.

"Sino ba kasi 'yon, anak?" Pangungulit ni Mama. Isa pa 'tong si Mama na hindi makapaghintay.

"Makikilala at makikita niyo rin siya mamaya. Actually, papunta na siya." Sagot ko.

Medyo nakakaramdam na ako ng kaba pero bahala na kung anong mangyayari. Medyo pribado naman ang lugar na ito, ang kaso mukhang lahat ng tao ay kilalang-kilala na ang isang Sandro Marcos.

Bahala na. Pinasok namin 'to kaya haharapin namin.

Nag-vibrate ang aking cellphone at nakitang may 2 magkasunod na mensahe mula kay Sandro.

From: Sandro
"I'm on my way to the restaurant. See you, mahal. I love you."

From: Sandro
"I'm kinda nervous to meet your family, especially your Mom. Haha!"

Natawa ako sa nabasa ko dahil parehas kami ng nararamdaman ngayon. Ito ang unang beses at hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ng pamilya ko kapag nalaman nilang itong lalaking ito ang boyfriend ko.

Hello? Si Sandro Marcos lang naman na anak ng Presidente ng Pilipinas.

"Mukhang kinakabahan ka na Michiko, ah?" Inirapan ko na lang ulit si Kuya. Lagi nalang ako ang puntirya niya, buti nalang at hindi ako pikunin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakatanggap muli ng mensahe mula kay Sandro na nagsasabing malapit na raw siya. Nagsimulang gumapang muli ang kaba sa aking sistema.

Michiko, bakit ka ba kinakabahan? Kalma!

Inayos ko ang aking sarili at sinabi kina Mama at Kuya JD na malapit na si Sandro. Habang nagkukuwentuhan ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at niluwa nito si Sandro.

He likely has a staff with him, helping him get to the function room; where we are. We have a private room that my brother has reserved. How adorable, yet annoying, he still is.

"Good evening po, Tita." Bati ni Sandro kay Mama at agad inabot ang kamay nito upang magmano, sabay abot ng bouquet of flowers. Nakita ko namang natulala ang aking nanay. I feel you, Ma.

Sino ba naman kasi ang hindi matutulala sa pagmumukhang 'yan?

"Good evening, bro." Bati niya kay Kuya at nakipag-shake hands. Inabot naman ito ni Kuya at binati siya pabalik.

"Hi, mahal." He kissed me on the cheeks. Pakiramdam ko ay nangamatis ako sa ginawa niya at nakaramdan ng hiya dahil nasa harapan kami ng pamilya ko. I'm still not used to it.

"H-hello, mahal." I smiled awkwardly at napatingin sa kapatid kong ngumingiti-ngiti nang nakakaloko.

"Maupo na kayo. I'll have our meals served right away." Sambit ni Kuya at naupo na kaming dalawa ni Sandro.

"Tawagan ko na ang Papa mo, Michiko, so he can meet your boyfriend even over a video call." Sabi ni Mama at tumango naman ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni Sandro sa kamay ko. Ngumiti siya at nginitian ko ito pabalik. Hindi ko mawari kung kinakabahan ba siya o talagang masaya lang.

"Did not answer, maybe he's still busy at work." Sambit ni Mama at binaling ang atensyon kay Sandro. "Ijo, ikaw pala ang boyfriend ng anak ko..."

"Opo, Tita. By the way, I'm Sandro, Michiko's boyfriend." Pagpapakilala nito.

"Marcos. Sandro Marcos, Ma." Dugtong ko. Napatingin sa akin si Sandro at nakangiting tumango kay Mama.

"I know, anak. Siya ang lagi mong bukambibig sa akin noon." Diretsong sambit ni Mama. Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Sandro. "Nagulat lang talaga ako."

Oh my god, dahan-dahan naman, Ma.

"Yeah, bro. Michiko was a big fan of yours and I was really shocked when I saw you. I can't believe she is dating one of our President's sons." Dagdag pa ni Kuya JD. "Ganda ng anak mo, Ma, ah?" Bwisit talaga 'tong kapatid ko na 'to.

"Kanino pa ba magmamana?" Pabirong sagot naman ni Mama.

"Michiko is really a nice girl. I've met a lot of women, most of whom care more about their looks than anything else, but I'm so grateful I found someone that has a perfect frame and more to offer than good looks." I felt him squeezed my hand and sincerely smiled in front of my family.

Shit! 'Yong puso ko!

"Really?" Napaka-epal talaga nitong kapatid ko kahit kailan.

"Kuya, shut up. Napipikon na talaga ako sa 'yo!" Asik ko.

"Tama na 'yan. Kumain nalang tayo." Saway ni Mama at nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang akong kumain habang si Mama at Kuya JD ay dinadaldalan si Sandro. Nakakatunaw ng puso silang pinagmamasdan.

Sana ganito rin sa pamilya ni Sandro kapag nakasama ko na sila.

"Naalala ko noon, tinanong ko si Michiko kung sa tingin niya ba ay magugustuhan mo siya, Sandro." Natatawang kuwento ni Mama.

"Really, Tita? What was her answer?" Tanong ng natatawa ring si Sandro.

"Sabi niya, "Hindi, Mama! Asa pa ako, ang taas-taas ng taong 'yan. I'm just a speck of dust in his vast universe." Ganyan na ganyan ang pagkakasabi niya. Pero tignan niyo nga naman, iba talaga kapag tadhana na mismo ang kumilos." Pagtuloy ni Mama. Naramdaman ko ang pag-akyat lahat ng dugo sa aking mukha dahil sa sinabi ni Mama.

"Ma!" Saway ko at tumawa lang sila.

Nang matapos ang mahabang kuwentuhan ay nagpaalam na sina Mama na uuwi na sila ng probinsya. Bago umalis ay binilinan niya si Sandro na ingatan ako at huwag sasaktan. You know, typical mom.

Nandito na kami ngayon ni Sandro sa kanyang sasakyan nang bigla niya akong nakawan ng isang mabilis na halik sa labi.

"It's your day, but you're the one who made me happy today. Thank you so much, mahal."  Sambit nito.

"You made this day more special, too, Sands. Thank you for showing up. I love you." Sagot ko.

"I love you, too, so much." Hinalikan niya akong muli at hinagkan nang mahigpit.

Lord, kung may hihilingin man po ako ulit, iyon ay sana pang habang-buhay na ito. 


Happy 5k reads, guys! <3

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now