Kabanata 4

586 23 0
                                    

Kabanata 4

"ANGELICA!!!!!" Sigaw ko mula sa kwarto namin ni Leanne.



"Ano???" Natatarantang tanong nito habang tumatakbo papasok sa kwarto. 



"Anong ano??? You just mentioned Sandro Marcos in my tweet." Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa pero parang mas nangingibabaw yung kilig ko.



"Akala ko naman ano nang nangyari sayo!" Sagot nito. "Ayaw mo ba 'yon? At least he's now aware that you exist." Wow.



"Kahit na! Nakakahiya pa rin 'yon!" Asik ko, hindi nagpapatalo.



"Talaga ba, Michiko?" Sambit niya at ngumisi pa.



"Bahala ka nga diyan!" Lumabas ako ng kwarto at iniwan siya. 



"Leanneeeeee..." Lambing ko sa kaibigan nang makita siyang busy sa pag re-review sa sala.



"Oh ano? Nag re-review ako rito Michiko, ah!" Ang sungit. Si Leanne ang pinaka seryoso sa aming apat pagdating sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. That's why I admire her. She was so persistent.



"Masyado ka kasing seryoso." I joked.

"Last day na kaya ng exam bukas, kaya kailangan na talaga natin mag-seryoso." May point. Sige, review na rin ako mamaya.



"OH MY GOD!!!" Rinig kong sigaw ni AJ mula sa kwarto. "MICHIKO ANN!"



"AJ, Sigaw ka nang sigaw!" Saway ni Trisha.



"Oo nga. Nag re-review ako rito, oh." Sabi naman ni Leanne.



"Ay, sorry." Aniya at nag peace sign. "Ni-like ni Sandro yung reply ko at tweet mo!" Sambit nito. I immediately checked it at may notif nga from twitter...



Sandro Marcos liked your Tweet
"Got hit by the arrow..."



Sandro Marcos liked a reply to your Tweet
"Hi, Sandro. Siya yung babaeng nag pa picture sa 'yo sa Jollibe Global City a while ago."



Hindi ako makapaniwala. This was beyond my expectations. Nag uumapaw ang saya at kilig sa aking sistema. Damn.. I'm so into this man. He's like a moon to me. So near yet so far.



"Michi.." Pag-agaw ni Leanne ng atensyon ko. "I know Sandro is your so-called super crush but don't get too caught up in it since it could hurt you." I get her point. Maraming fans ang nasasaktan dahil sa kanya.



"True, and we don't want to see you get hurt." Trisha. Okay lang masaktan basta kay Sandro.



"Yeah, I know my limitations." But I think I went far already. Hindi na 'to basta pag hanga lang.



"Enough with the drama! Ang OA niyo naman." AJ. "Dapat maging masaya tayo para kay Michi kasi Sandro has finally noticed her." Aniya.



"We're just reminding her! Syempre masaya ako na napansin na siya ng kinababaliwan niya." Sambit ni Leanne at humalakhak pa.



"Kung kinakailangan na magdasal ako sa lahat ng santo para lang mapansin ni Sandro itong si Michi ay gagawin ko." Dagdag naman ni Trisha at natawa kaming lahat. 



"Magpapa misa naman ako kung sakali." Hindi talaga nagpapatalo ang isang 'to.



"Mag review na nga tayo at baka Sandro pa ang maisagot ko sa exam bukas." Pag-aya ko na sinang-ayunan naman nila. But of course, before that, I tweeted first.



Michiko A. @michiii.a
"You don't know I exist but my whole existence revolves around you..."

────────────────────────────────────

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now