Kabanata 8

556 23 1
                                    

Kabanata 8

Nagdaan ang mga araw at hindi pa rin nagbabago ang feelings ko para kay Sandro dahil habang tumatagal ay mas lumalala pa yata ito. I still tweet about him. Araw-araw.

"Ready na ba ang lahat?" Tanong ni AJ at halata ang excitement sa mukha nito. Ngayon na ang uwi namin ng probinsya.

"Oo." Sagot ni Trisha. "Michi, okay ka na?" Tanong nito.

"Oo, tara na." Sagot ko. Lumapit naman ako kay Leanne na busy sa pagbabasa ng libro.

"Bye, Leanne. Take care!" Paalam ko rito at hinalikan siya sa pisngi. Ganon din ang ginawa ng dalawa.

"Mag-iingat din kayo. Enjoy your vacation!" Sambit nito.

"See you next week!" Sambit ni AJ at kumaway na si Leanne sa amin. Habang na sa biyahe ay hindi ko maiwasan ang hindi mahilo kaya naman umidlip na muna ako.

"Michi!" Paggising sa akin ni AJ. "Malapit na tayo." Sambit nito. Tatlong oras din ang naging biyahe namin from Manila to Tarlac.

"Oh paano ba 'yan? Sa group chat na lang tayo mag-usap. Una na ako." Paalam ni Trisha. Hindi naman magkakalayo ang mga lugar namin dito ngunit kailangan pa ring sumakay.

"Ako rin. Bye!" Sambit ni AJ at nag beso sa aming dalawa.

"Bye!" Sambit ko at nag hiwa-hiwalay na. Nang makarating sa bahay ay naabutan ko si Mama na nagluluto.

"Ma!!!" Sigaw ko at gulat pa itong humarap sa akin.

"Michiko! Ginulat mo naman ako." Sambit nito at lumapit sa akin para yakapin ako. I hugged her back. God, I missed this woman so much.

"Ano pong niluluto niyo?" Tanong ko kay Mama.

"Pananghalian, Anak. Kumusta ka na?" Tanong naman ni Mama sa akin. Matagal na rin simula nang makabisita sila sa akin sa Manila.

"I'm okay, Ma. Naghihintay na lang kung kailan ang graduation namin." Sagot ko rito.

"Wow! Ga-graduate na ang bunso ko." Masayang sambit nito at ngumiti ako.

"Anong oras po ang uwi ni Kuya JD?" Si Kuya JD ay ang nag-iisang kapatid ko. Isa siyang Engineer. Habang si Papa naman ay OFW, at isa ring Engineer.

"Mga bandang 6 PM ay darating na 'yon." Sagot ni Mama. "Halika at kumain na tayo. Manang, kakain na po." Pag-aya ni Mama kay Manang Rosie na kasama namin sa bahay.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto para mag-ayos ng gamit at para makapagpahinga. Habang nakahiga ay naisipan kong mag tweet.

Michiko A. @michiii.a
"Home."

MESSENGER

SPICE GURLZ

Leanne: "Nakarating na ba kayo?"
AJ: "Yup. Heto at nag-aayos na ako ng mga gamit ko."
Trisha: "Me too. Leanne, mag-iingat ka diyan ha!"
Leanne: "Yes, thank you. Miss ko na agad kayo. Huhu."
Trisha: "Miss you too."
Michiko: "Miss you too. Idlip muna ako. Brb!"

Nagising ako sa sunod-sunod na ingay mula sa aking cellphone, nang tignan ko ay...

sands070394 liked your Tweet.
"Home."

sands070394 liked your Tweet.
"You're like a dream to me, babe."

Sands. @sands070394 replying to michiii.a
"Am I? ✌🏼"

The account even direct-messaged me.

Sands. @sands070394
"Hi! What's up?"

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now