Kabanata 6

597 30 3
                                    

Kabanata 6

"SANDRO MARCOS JUST REPLIED TO MY TWEET!" Hindi makapaniwalang sambit ko sa aking mga kaibigan.

"Can I see?" Tanong naman ni Leanne at kinuha ang phone ko, na siyang tinignan din ng dalawa.

"Congrats!" Sambit ni AJ. "How 'bout me? Kailan kaya ako mapapansin ni Simon?" Tanong nito at humalakhak.

"Hindi ka mapapansin nun!" Asik naman ni Leanne.

"Alam mo ikaw, ang bitter mo." Sagot naman ni AJ. "Malapit ko nang isipin na type mo si Simon." Pang-aasar nito.

"Si Javi Benitez ang type ko!" Aba't may taste rin pala itong babaeng 'to. Akala ko puro pag-aaral lang ang na sa isip.

"May Sue Ramirez na 'yon, girl." Sambit naman ni AJ at dumila pa. Umirap na lang si Leanne.

"Michiko, ano pang hinihintay mo?" Tanong ni Leanne. "Akin na nga phone mo!" Hablot nito.

"Wait, don't!" Protesta ko as I try to get my phone back pero tumakbo ito papasok ng kwarto. Akala ko bang 'wag ako masyadong magpapadala sa feelings ko? Bakit ngayon ay todo suporta sila?

"Leanne, give my phone back!" Sigaw ko kay Leanne na nag-lock pa sa kwarto kasama si AJ.

"Relax, Michi. We got you." Sagot naman ni AJ mula sa loob. "Ayusin mo 'yong sasabihin mo ah." Rinig ko pang sambit nito. Ilang minuto pa ay lumabas na ang dalawa.

"Oh..." Leanne handed me my phone at inis kong hinablot ito mula sa kanya.

"Michi, huwag ka nang mainis." AJ. "Basahin mo." Aniya at ngumisi pa. The audacity! Tinignan ko naman kung anong kalokohan ang sinabi nila kay Sandro.

"Hello, Sandro. I'm so glad you noticed me by replying to my tweet, and for allowing me to take pictures with you at Jollibee Global City two days ago... I've been a fan of yours for almost a year, and I'll continue to support you despite your bashers."

Hindi ko alam pero napangiti ako nang mabasa ko ang mensaheng 'yon.

"See? Kinikilig na!" Sambit ni Leanne.

"Sa una lang galit yan pero kalaunan ay magiging okay rin naman. Arte!" AJ.

"Tse!" Tanging nasambit ko. Mag re-reply kaya si Sandro? Of course not!

Pasado alas siyete na ng gabi nang mapag desisyunan naming kumain. We just ordered food online. After all our sessions, I decided na mauna nang pumasok ng kwarto.

"Una na ako sa kwarto. Good night, girls. I love you." Paalam ko sa kanila. Narinig ko pa ang "we love you too" ni Trisha. My friends are sweet, baliw lang talaga kung minsan. I was scrolling through facebook not until I got one notification from twitter.

Sandro Marcos @sandromarcos7
"Hey... yeah, I remember you were that cute and shy girl sa Jollibee 😂 I do appreciate your approach here in twitter. Thank you so much, Michiko 😊"

Sinampal-sampal ko pa ang aking sarili dahil baka antok lang ito. Nag-reply ang isang Sandro Marcos sa akin? It feels surreal. I double-checked the profile of the person who sent me a message to make sure it was Sandro Marcos, and it was!

I replied.

Michiko A. @michiii.a
"It's strange to have this feeling of like daydreaming."

Sandro Marcos @sandromarcos7
"What? You're cute but weird 😂"

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now