Kabanata 16

531 18 0
                                    

Kabanata 16

Lumipas ang oras at nandito lang ako sa kwarto. 4 PM na pala. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko ang pagpunta ko ng Ilocos Norte kasama si Sandro.

Lumabas ako at naabutan ko si Leanne na nakaharap sa laptop nito. Maganda rin si Leanne, marami ang nagtatangkang manligaw sa kanya ngunit isinasawalang bahala lamang niya ang mga ito.

"Leanne?" Tawag ko rito. Pakiramdam ko ay para akong magpapaalam sa nanay ko.

"Hmmm?" Sagot naman nito nang hindi inaalis ang atensyon sa kanyang laptop.

"Nasaan sila?" Tanong ko nang mapansin na wala ang dalawang loka-loka.

"Na sa kwarto nila, baka tulog." Sagot naman nito.

"Leanne, I have something to tell you." Mahinhin kong sambit dala ng nerbiyos.

"What is it?" Tanong nito at ibinaling ang atensyon sa akin.

"U-uhm... Oh my gosh, kinakabahan ako!" Sambit ko at nagpaypay ng kaunti gamit ang kamay.

"Ano ba kasi 'yon?" Kunot-noong tanong ni Leanne.

"Sandro asked if I wanted to go to Ilocos Norte with him." Direkta kong sagot.

"And then?" Leanne asked again.

"Of course, I agreed!" Sagot ko at nanlaki ang mga mata nito.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Kailan? Oh my god!" Kung kanina ay gulat ito, ngayon naman ay kinikilig na.

"Mamayang gabi. He'll fetch me by 11 PM." I answered in relief.

"For how mang days?" She asked with excitement in her voice.

"Three-day vacation." Simpleng sagot ko. "I thought you'd disagree once I told you about this." Dagdag ko.

"Of course not! Your happiness is my happiness, Michi." Sambit nito at ngumiti. "After all, it'll be your decision that matters." I nodded.

"Thank you, Leanne. You're the best—best friend!" Sambit ko at natawa kaming pareho.

"We just want you to be careful." Muling paalala nito. "Guard your heart, too, Michi." I know...

"Hoy!" Sabay kaming napalingon ni Leanne sa kagigising na si AJ. Laging eksena! "Ang seryoso niyo naman yatang mag-usap diyan?" Tanong nito at humikab pa.

"May sasabihin daw itong si Michiko." Leanne.

"Ano na naman ba 'yon?" Tanong nito at humiga sa sofa.

"Sandro invited me to go with him in Ilocos Norte." Gaya ni Leanne ay nanlaki rin ang mga mata nito at napatayo pa sa pagkakahiga.

"Whaaaaaat???" Tanong nito at tila ba'y hindi makapaniwala.

"Friends lang pala yan?" Sabat ni Trisha na kalalabas lang din ng kwarto.

"I was shocked, too!" I said as I handed them my phone and show them what Sandro had sent me earlier.

"Nakapag-ayos ka na ba ng gamit?" Tanong ni Leanne.

"Not yet." I answered. Maaga pa at may ilang oras pa ako para makapag-ayos ng gamit.

"Nice! Tutulungan ka namin." AJ. "Nawa'y hindi pa kami maging NINANG." She said as she emphasized the word. What the hell?

"FRIENDS nga lang daw sila." Sambit naman ni Trisha. These women are getting to my nerves!

"Mga baliw talaga kayo!" Asik ko. "Nag-aya lang 'yong tao. No malice!" Mga walang hiya!

"Kalmahan mo, Michiko. Napaghahalataan." Pang-aasar pa ni AJ. "Joke! Inaasar ka lang namin and we fully trust you." Agad nitong bawi at kumindat pa ang lukaret.

"Besides, matanda ka na. Alam mo na ang tama at mali." Dagdag ni Trisha.

"Thank you, women." Sambit ko at niyakap sila. I'm so blessed to have these supportive friends of mine.

Indeed.

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now