Kabanata 25

538 18 7
                                    

Kabanata 25

Ngayon na ang balik namin sa Manila. Halos wala akong tulog dahil sa kaiisip sa nangyari kagabi. Grabe 'yong kilig ko hanggang maihatid niya ako sa Villa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Sandro.

Nagsisimula na akong mag impake ng aking mga gamit. 10 AM ang alis namin pabalik ng Manila. Sana ay makabalik pa kami ulit dito ni Sandro nang magkasama. Ilocos Norte gave me so much memories to treasure.

Lumabas ako at naabutan si Sandro na naghihintay sa may front beach, may nakahanda na rin na almusal. Ang ganda ng bungad ng umaga sa akin.

"Good morning. Let's eat breakfast first bago umalis para hindi tayo malipasan ng gutom sa daan." Salubong sa akin ni Sandro.

"Good morning." Umupo ako sa harapan niya at nagsimula nang kumain. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi.

"Uhm... I want to say sorry about what happened last night—" I cut him off.

"Okay lang, you don't have to say sorry." Sambit ko at itinuloy na ang pagkain. Awkward silence is killing the both of us.

Nang matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang Villa para makaligo't magbihis. After a few minutes ay may kumatok sa aking kwarto at kinuha na ang luggage ko. Medyo nahiya pa ako dahil hindi ako sanay makatanggap ng special treatment.

Nandito na kami ngayon sa kotse at paalis na nang magsalita ako.

"Sands, are you sure na ayaw mong ako na muna ang magmaneho?" Tanong ko rito. Umiling ito at pinaandar na ang sasakyan.

"No, it's okay. Just sleep if you want to." Sagot nito. "You may bend the car seat down and make it as a bed to sleep comfortably."

"Hindi pa ako inaantok. Maybe later..." Sambit ko at pinagmasdan na lang ang tanawin mula sa labas. One of my happiest trips!

"Anyway, we'll go pass by the Patapat Bridge." Wow, I'm gonna see the lovely view of the bridge for the second time.

"Napakaganda talaga!" Bulalas ko nang madaanan ulit ang tulay. Pagtatapat Bridge. I smiled when I realized how unique Ilocano people are. "Sands, I want to learn how to speak in Ilocano." Sambit ko.

"Seriously?" Sandro laughed. "Okay, but I can only teach you some basic words since I'm not that fluent yet." Sambit nito.

"The first one is, "Kasano ngay ti aldaw mo?" which means "Kumusta ang araw mo?""Tumatango-tango ako.

"How about the "Ang gwapo mo?"" I asked him.

"It's "Naggwapo ka" in Ilocano, and the "Ang ganda mo" is "Nagpintas ka, Michiko."" It gives me shivers down my spine every time he says those words.

Ngumiti ako. "A-ano pa?" I stuttered. Narinig ko ang mahinang halakhak niya.

"Kayat ka." Sambit niya habang diretso ang tingin sa daan.

"What does that mean?" Takang tanong ko.

"I like you." Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Hindi ko siya matignan dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"O-oh... Ilocano people are truly unique." Sabi ko.

"We really are." Aniya at ngumiti. 'Yong ngiting mahuhulog ka talaga sa kanya. "Especially when it comes to expressing our admiration for someone." Naramdaman ko ang mabilis niyang pag-sulyap sa akin.

'Yan ang mga matang gusto kong titigan habang-buhay, at hinding-hindi ko pagsasawaan.

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now