Kabanata 1

936 30 1
                                    

Kabanata 1

"Mag-aral ka hoy! Huwag puro Sandro!" Leanne rebuked me as she saw me watching videos of Sandro on TikTok.


"Ang bitter mo talaga, noh? Hayaan mo na ako!" Reklamo ko rito. We're at a coffee shop to review for the upcoming finals. Kailangan na namin mag-seryoso. We were in our 4th year of college, studying Public Administration.

"Sana matapos na ang week na 'to! Ngayon pa talaga tayo pinahirapan nang ganito." Pagrereklamo ni AJ habang nakatitig sa librong nasa harapan niya.



"Gaga. Konting tiis na lang, huwag ka nang mag reklamo." Sagot ni Leanne. "Nga pala, sabay-sabay na tayong mag pasa ng application form for graduation bukas." Dagdag pa nito. Uh, yeah. I almost forgot!



"Excited na akong maka-graduate." Sambit ko.



"Same, but I'm not sure if I'll work right away or pursue a master's degree first." Leanne. Actually parehas kaming undecided. I'm torn between getting a master's degree and going to law school.



"Basta ako, gusto ko na munang mag-take ng CSE para makapag work sa government." Sambit naman ni AJ.



"Bahala na kung saan tayo dadalhin ng kapalaran natin." Kung ganon ay sana dalhin ako ng kapalaran ko kay Sandro. Hihi!



"Girls, may itatanong pala ako." Sabat ni Trisha. We all looked to her.


"Ano?" AJ asked.



"Kung kahapon ay sabado, at bukas ay lunes.. ano ngayon?" Seryosong tanong nito.



"Wait, kung kahapon ay sabado, edi bukas ay si Sandro pa rin." Sagot ko at nag-tawanan ang mga kaibigan ko.



"You're just hungry, Michiko. C'mon, let's just order." Leanne said. I rolled my eyes and proceeded to the counter.



Habang naghihintay ng order ay naisipan kong mag tweet kay Sandro.



Hi @sandromarcos7, how's the campaign going today?



I know that he wouldn't reply to any of my tweets. Baka sakali lang naman, 'di ba? Wala naman masama kung umasa ako. It was my choice, though.



"Saan lakad niyo after? Tara mall?" Pag-aaya ni Leanne.



"Bahay." Simpleng sagot ko.



"Buzzkiller talaga." Rinig kong bulong nito. I'd rather stay home and just wait for Sandro's updates.



"Puro kasi Sandro Marcos 'tong si Michi kaya ayan." Sabi naman ni AJ. Sabi nila nakakapagod daw magmahal lalo na pag unrequited pero parang hindi ako mapapagod.



"Guys, you know how much I'm into him. At mas pipiliin ko ang Manila kasi nandito ang pangarap ko.." My dream city.



"Tingin mo mapapansin ka niya?" Seryosong tanong ni Trisha. Magpapasalamat talaga ako sa lahat ng santo kapag nangyari 'yon.



"Seems impossible..." Tanging sagot ko. In my dreams.



"Guys! Tara, picture tayo. Ang ganda ng ulap oh!" Aya ni AJ. "Sakto naka-sapatos tayong lahat. Aesthetic!" Daming alam.



"Dami mo talagang alam!" Singhal ni Leanne. Pagkatapos ng ilang minutong pagkuha ng litrato ay umalis na kami at naghiwa-hiwalay dahil may lakad pa raw ang tatlo. Alas siyete na pala ng gabi.



"See you sa bahay. Huwag na kayong masyadong magpagabi ah!" Sambit ko. Magkakasama kami sa iisang apartment ng mga kaibigan ko dahil magkakaklase rin kami.



Nang makauwi ay agad kong chineck ang twitter ko na puro tungkol kay Sandro. Hindi maipagkakaila ang dami ng humahanga sa kanya, I was so proud of him so I tweeted.



Michiko A. @michiii.a
"Admiring from afar."

────────────────────────────────────

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now