Kabanata 39

485 20 4
                                    

Kabanata 39

Madaling araw na nang maihatid ako ni Sandro sa transient. Naabutan kong gising pa si Leanne habang 'yong dalawa ay mahimbing na ang tulog.

"Hi! How was your date with Sandro?" Tanong nito. Hinintay niya siguro akong makauwi para pagbuksan na rin ng pinto.

"Guess what?" Ngingiti-ngiti kong sambit sa kanya. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin talaga ako.

"What?" Kunot-noo nitong tanong.

"Sandro and I are officially in a relationship." Pabulong kong sabi kay Leanne at nanlaki ang mga mata nito.

"WHAT?" Halos hindi siya makapaniwala sa natuklasan.

"Shhh!" Saway ko rito dahil baka magising pa ang dalawa. Bukas ko nalang sasabihin sakanila dahil ayokong istorbohin sila sa pagtulog.

"Oh my god, Michiko! I'm so happy for you..." Agad naman akong hinagkan ni Leanne. I hugged her back.

"Thank you, best friend." Nakita ko naman na parang naiiyak ito. "Gaga! Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

"I'm just happy for you. You deserve it." I smiled and wiped the tears off her cheeks.

Ang mga kaibigan ko talaga... Paano pa kaya kapag kinasal na ako?

"Nubayan! I'm being so emotional. Matulog na nga tayo." Sambit nito. Natawa naman ako.

"Maliligo na muna ako, mauna ka na." Sagot ko. "Thanks for waiting on me, Leanne." Tumango naman ito at nahiga na.

Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay humiga na ako sa tabi ni Leanne. Bale dalawa ang kama rito at queen-sized ang mga ito kaya't sakto talaga sa aming apat. More of a minimalist room, actually.

Habang nakahiga ay tinext ko si Sandro at sinabing nagpapahinga na ako. After a few minutes ay nakatanggap ako ng reply mula sa kanya.

From: Sandro
"Hi! I just got home, bebebabe. I went to see Gov. Matt at their house to personally thank him for taking full responsibility for my event earlier."

From: Sandro
"Michi, thank you for saying "yes" 😊 I love you!"

Napangiti naman ako sa text messages ni Sandro. Diyos ko, ganito ba araw-araw? Parang sobra na po talaga ang grasyang ibinibigay Mo sa akin.

Michiko:
"You're welcome :) Thank you and I love you too, Sands!"

From: Sandro
"I really can't believe that we're now an official couple. Sorry if you ever felt that I was rushing. I just want to make you mine right away, so badly..."

Michiko:
"I didn't feel that way, Sandro! Actually, I didn't expect that you'd ask to be my boyfriend. It felt so unreal. HAHA!"

From: Sandro
"I love you, Michiko. No matter what."

Michiko:
"Congratulations again, boyfriend! I am so, so proud of you. Up until now, I can't believe that Ferdinand Alexander Marcos III is my boyfriend."

'Wag kayong judgmental, lahat tayo ay nagiging corny kapag in love. Lahat tayo ay pinagdadaanan 'yan kaya huwag ako!

From: Sandro
"Mahal, you're making me so kilig. I love you and I won't get tired of saying it :)"

That word "Mahal" from him... God, I can't. I just can't.

Michiko:
"Hmm. Let's sleep. You should take a rest already. It's almost 2 AM. Thanks for today, too. Good night! I love you, mahal ❤️"

From: Sandro
"Good night, mahal ko ❤️"

Shet!

Matutulog na nga lang, nagpapakilig pa ang isang 'to. Malamang ay matutulog ako nang nakangiti at mahimbing.

Nagising ako ng bandang 8 AM at naabutan ang mga kaibigan kong kumakain ng almusal. Si Leanne ay nasa table habang si Trisha at AJ ay sa sofa naman kumakain.

"Good morning, baks! Anong balita sa date niyo ng bebebabe mo?" Tanong ni AJ habang nilalantakan ang longganisa niya.

"Nasaan muna 'yong akin?" Tanong ko at inabot naman sa akin ni Leanne ang inorder nilang pagkain ko. "Thanks."

Nagsimula na rin akong kumain pagkatapos maghilamos.

"So... ano na nga?" Tanong ni AJ sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Kami na." Sagot ko. Halos mabilaukan ang dalawang kaibigan ko sa narinig. Inabot ko naman agad ang drinks nila.

"TALAGA? KAILAN PA? " Tanong ni AJ at hindi rin makapaniwala.

"Kuwento mo naman nang buo." Protesta pa ni  Trisha.

"Oo nga, bakla! Kwento mo." Ayan na naman sila sa pagiging atat.

"Oo na, heto na." Sagot ko.

Kinuwento ko ang buong pangyayari kagabi at halos hindi na ako matapos sa pagkuwento dahil sa sobrang dami nilang tanong. Full-detailed pa ang gusto ng mga gaga. Kaloka.

Natigil lang kami nang may kumatok sa aming pintuan. Pinagbuksan naman ito ni Leanne at bumungad sa amin ang owner ng tinutuluyan naming transient.

"Pasensya na sa istorbo mga ija, may delivery kasi sa baba. Michiko raw ang pangalan ng receiver sabi ng delivery boy." Tumingin naman silang lahat sa akin.

"Michi, sa 'yo 'yon." Sambit ni Leanne.

Bumaba ako at tumambad sa akin ang isang rider na may hawak na bouquet of white roses. Parang alam ko na kung kanino ito galing.

"Ma'am, may nagpapa-deliver po sa inyo nito." Ngumiti naman ako sa driver at nagpasalamat. Binuksan ko ang greeting card at may nakasulat na:

"Today marks our first day as a couple and I am excited to explore the world through your eyes.
I love you.
-Alexander

Napangiti ako sa nakalagay sa card at agad na kinuha ang cellphone para pasalamatan si Sandro. Nakita ko naman na may text pala ito dalawang oras na ang nakalilipas.

From: Sandro
"Good morning, mahal. I was booked on an immediate flight to Manila because Dad asked me to come for some important reasons. Sorry that I can't join you on this day. :("

From: Sandro
"Miss you already."

Aba! Ilang oras palang ay miss na ako agad ni Sandro. Ganda!

Michiko:
"Good morning! It's alright, don't be sad... Thank you for the flowers, mahal. I love you so much!"

From: Sandro
"Sorry, I wasn't able to give it to you personally because I had to go back to Manila due to the impending preparations for Dad's oath taking on the next day."

From: Sandro
"I had already arrived in Manila an hour ago. See you. I love you, Michiko."

White roses symbolize one's true love and eternal loyalty.

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz