Kabanata 51

374 26 7
                                    

Kabanata 51

Wednesday has come, and today is my flight for a trip. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Masaya dahil makakabalik ako ulit sa Ilocos Norte? O malungkot dahil mag-isa ko lang? Ewan ko ba!


"Papunta na 'yong binook kong grab para sa 'yo." Sambit ni Leanne. "Okay na ba lahat ng gamit mo?" She asked.


"Yes. Thank you, Leanne!" Sabi ko habang inaayos ang aking luggage. Hindi naman masyadong marami ang dinala ko, sakto lang para sa three-day stay ko roon.


"We want you to enjoy there, okay? Huwag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano. Just enjoy!" Matinding paalala nito sa akin. Wow, mama?


"Huwag niyo nalang banggitin kay Mama na sa Ilocos ko napiling magbakasyon." Tiyak na magagalit 'yon. Simula kasi nang maghiwalay kami ni Sandro ay ayaw na nilang magkaroon ako ng kahit anong koneksyon sa kanya para hindi na raw ako madamay pa.


Hanggang ngayon ay hindi nila alam ang tungkol sa naging pag-uusap namin noon ni Atty. Liza. I never told them about it. Ang alam nila ay naghiwalay kami ni Sandro dahil sa mga isyung kumalat noon. 'Di ba? Lakas maka-teleserye!


"Ano ba naman 'yan? Ilang araw lang akong mawawala! Para namang hindi na ako babalik." Biro ko sakanila. Wagas naman kasi kung makayap ang tatlong 'to.


"Gaga! Malamang mamimiss ka namin!" Sambit ni AJ. "You sure you don't want us to go with you to the airport?" Paniniguro nito.


Naningkit ang mga mata ni Trisha. "Gusto mo lang makita 'yong crush mo roon, e. Harot nito!" Asik nito.


"Tse! Wala na 'yon, ghinost ako." What? Si AJ, ghinost? Unbelievable! Baka siya ang nang-ghost. Nagtawanan na lang kami.


"See you in three days!" Sambit ko at hinalikan silang tatlo bago umalis dahil nasa labas na ang grab.


"You take care, Michi! Walang signal do'n, we won't be able to contact you." Muling paalala ni Trisha.


"Yes. Bye, girls! I love you!" Paalam ko.


"Bye! We love you, too!" Sabay-sabay nilang sambit.


Ilang minuto lang ang naging biyahe papunta sa airport. I quickly glanced at my watch to see what time it is. 8 AM pa lang at 10:30 AM ang flight ko.


While waiting, I decided to eat first because I was a bit hungry. After a couple of minutes, I heard the pre-boarding announcement. I immediately got in the plane so I can seat next to the window.


"Hi!" Nagulat ako sa batang biglang sumulpot sa harapan ko at umupo sa tabi ko.


"Hello!" Sobrang cute naman ng batang ito. Ang sarap iuwi.


"You're so pretty." Pagpuri nito at nagulat ako nang kurutin niya ang pisngi ko. Natawa naman ako sa ginawa niya.


"You're handsome, too." I said and softly pat the little boy's head.


"Alex!" Wow, nice name. Bigla naman akong may naalala. "Pasensya na, Miss, makulit talaga itong anak ko." Pag-uumanhin ng babae at kinuha na ang bata. Ngumiti ako at sumenyas pa ng 'bye' rito.


I put on my earplugs after the captain made his announcement because we were about to take off in a bit. I started to feel sleepy, so I decided to sleep in the midst of the flight.


Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now