Kabanata 22

500 20 1
                                    

Kabanata 22

"Michiko... I think I like you."

Halos hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan dahil sa sinabing iyon ni Sandro, tanging pagkabog lamang ng aking dibdib ang nararamdaman ko. Hindi ako makasalita, hindi ko alam ang sasabihin...

"I like you, too." Biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Hayop! Pakiramdam ko ay sasabog ako anumang oras.

"I know... I just want to hear you say it." Sambit nito kasabay ang pag ngiti. Who wouldn't like Sandro Marcos? Halos nasa kanya na ang lahat.

"I'm just a fan who keeps hoping you'll notice me one day, and now I'm here." Minsan lang kung dalawin ako ng grasya, sobra-sobra pa. "Pangarap ko lang ito dati." I can't believe this happens in real life, too. Totoo ba?

"I remember one of your tweets." Humalakhak ito at agad din sumeryoso ang mukha. "Now, I'm not just a dream to you... Totoo na 'to, Michiko. Totoo na ako."

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko, para bang gustong kumawala nito sa aking dibdib. Kahit isang salita ay hindi ko mabigkas.

"Wala akong masabi..." Sandro is making me feel too much. "I still can't believe this is happening." Of course, grabeng grasya ito!

Bahagya itong lumapit sa akin at hinawi ang buhok ko. "Ang ganda mo talaga." He let out a soft chuckle. Damn. The butterflies.

"Talaga ba?" I jokingly asked kahit halos mamatay na ako sa kilig. Tumango-tango ito habang nakangisi. Ene be?

"Sir Sandro!" Sabay kaming napalingon ni Sandro sa medyo may ka-edaran na babae. May kasama itong dalaga na siguro ay na sa edad labing-anim na taon.

"Aling Nita." Pagtawag ni Sandro at lumapit sa matandang babae. "May kailangan po kayo?" Tanong nito.

"Ah... itong anak ko ay gusto raw magpakuha ng litrato kasama ka." Tila nahihiyang sambit ng matanda. Sumulyap sa akin si Sandro at natawa nang bahagya.

"1... 2... 3..." Bilang ng matanda habang kinukuhanan ng litrato ang anak kasama si Sandro.

"Salamat at pasensya na rin po sa abala, Sir Sandro." Pag-uumanhin ng matandang babae.

"Naku! Maliit na bagay lang po 'yon kumpara sa suportang ibinigay at patuloy na ibinibigay ninyo sa akin." Sagot ni Sandro. Lumingon sa akin ang matandang babae.

"Girlfriend niyo po?" Biglang tanong nito na parehas naming ikinabigla ni Sandro.

"Aling Nita talaga. Kaibigan ko po 'yan, si Michiko." Parang may kumirot ng kaunti sa aking dibdib. Naiintindihan ko, nag-iingat siya.

"Ang ganda naman ng kaibigan niya, Mama." Rinig kong sambit ng dalaga. I know. HAHAHA!

Nagpaalam na ang mag-ina at bago umalis ay nagpasalamat ulit sila.

"Hindi ka lang pala Congressman, artista rin." Pagbiro ko kay Sandro.

"Ikaw nga raw ang ganda mo eh." Shit. Iba talaga ang impact kapag kay Sandro nanggagaling. "Oo nga pala, mamaya may pupuntahan tayo. Maybe around 5 PM, para mas maganda."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. I'm curious but I'm not a cat.

"Basta... Later you'll see." Sagot nito. Tumango na lang ako dahil baka makulitan pa siya sa akin.

Tahimik lang kaming nakaupo habang nakatungo sa dagat nang bigla ulit magsalita si Sandro.

"What are your plans after graduation?" Tanong nito.

"I'm not sure yet. I'm still torn between pursuing a Master's degree and pursuing a law degree." Sagot ko.

"Wow! You want to be a lawyer, too?" Tumango ako bilang sagot. Pangarap ko talaga ang maging abogada.

"That's nice. Magkakasundo kayo ng Mom ko." Sambit nito.

"I hope so..." Tanging sagot ko. Sana nga makasundo ko ang future mother-in-law ko.

—————

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Oo, makapal ang mukha ni Michiko.

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now