Kabanata 29

476 21 2
                                    

Kabanata 29

Kasalukuyan kaming nanunuod ng FRIENDS sa Netflix ngayon at nagbabangayan na naman ang dalawang sira ulo na si AJ at Trisha. Ilang oras na ang lumipas matapos ang dramahan naming magkakaibigan kanina. I appreciate their concern for me and thank them for it.

I opened my phone to see if Sandro replied to my message, pero wala. Siguro ay busy siya kaya ako na lang ang nag message sa kanya.

Michiko:
"Have you already had your lunch? Don't skip meals. Have a productive day, Congressman! 🤗"

Habang nanunuod ay biglang nag-ring ang cellphone ko. I checked who it was, and it was Sandro. Pumasok ako ng kwarto para hindi marinig ng mga chismosa kong kaibigan.

"Hello..." Bungad nitong bati sa akin. My heart skips a beat.

"Hi, Sands. What's up?" Sagot ko rito.

"I called to ask if you're free tonight. Are you free at 8 PM?" Tanong nito sa akin. Miss niya na ba ako?

"Yes..." I'm always available for you. Napatingin ako sa orasan at nakitang mag alas-tres pa lang. "Is everything okay?" Tanong ko rito.

"Yes. I just want to see you before I leave for Spain." Medyo malungkot nitong tugon.

"Mamaya na ba ang flight mo papuntang Spain?" Tanong ko.

"Tomorrow, @ 4:20 o'clock in the morning." I badly want to go with him, but sadly, I can't. "That's why I want to spend the remaining hours with you. Isang linggo rin 'yon." Naramdaman ko na naman ang pagkabog ng aking dibdib.

"Okay... See you later, Sands." Sambit ko, hindi mawari ang kabang nararamdaman.

"I'll fetch you by that time... Bye, Michiko." Paalam nito at ibinaba ko na ang tawag.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Why does he make me feel this way? This is too dangerous. Nahiga ako at tinakpan ng unan ang pagmumukha ko. I'm completely smitten with Sandro Marcos!

Lumabas ako ng kwarto at nakitang diretsong  nakatingin ang tatlo kong kaibigan sa akin. Grabe naman ang mga ito.

"Ano na naman? Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko sa mga ito.

Pinanliitan ako ng mata ni AJ. "Ikaw ah! Sino 'yong tumawag?" Ngumisi ito ng nakakaloko.

"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang si Sandro 'yon!" Sagot ni Trisha.

"Oo, si Sandro ang tumawag. Gusto niyang makipagkita mamayang gabi." Sambit ko. "Bukas ng madaling araw na pala ang flight niya papuntang Spain."

"Really? Ilang days or weeks ba siya doon?" Tanong ni Leanne.

"He'll be gone for almost a week daw..." Malungkot kong sambit. I'm going to miss Sandro. Unti-unti na akong nasasanay sa presensya niya.

"Diyos ko, higit isang linggo lang pala. Huwag ka nang malungkot diyan, babalik din 'yon." Sambit ni AJ. Comfort 'yan?

"Tama ka diyan, bakla. Minsan pala tumatama ka rin." Pang-aasar ni Trisha kay AJ.

"Tatamaan talaga kayong dalawa sa akin kapag hindi kayo tumigil." Bulalas ni Leanne sa dalawa. "At ikaw naman Michiko, isang linggo lang mawawala 'yong tao. Akala mo naman hindi na babalik." May point naman si Leanne. But, I'm still gonna miss him.

"Kunwari malungkot pero deep inside, excited na 'yan mamayang gabi." Pang-aasar ni AJ. Ibinato ko sa kanya ang throw pillow na malapit sa akin.

"Ouch!" Hiyaw nito nang sumakto ito sa kanyang ulo. I made a peace sign, but she just rolled her eyes. "Lintik lang ang walang ganti." Sambit nito at ibinato pabalik ang unan sa akin.

"Guys, stop it! Nanunuod kami eh. Manuod na lang din kaya kayo." Suway ni Trisha sa amin.

"Kaya nga!" Pagsang-ayon naman ni Leanne. Nanahimik naman kami at tinuon na lamang ang atensyon sa pinapanuod.

Makalipas ang ilang oras na ay naisipan kong maligo na dahil maya-maya lang ay alas-otso na at ayokong pinaghihintay si Sandro dahil nakakahiya.

Matapos maligo ay pinatuyo ko na muna ang buhok ko bago magbihis. I decided to wear a black sweatpant and an over-sized white shirt dahil mas kumportable sa pakiramdam kung ganito ang isusuot ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakatanggap ng mensahe mula kay Sandro at sinabi nitong malapit na raw siya kaya naman nagpaalam na ako sa tatlo.

"Hi..." Bati ni Sandro at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan.

"Saan tayo pupunta, Sands?" Tanong ko sa kanya.

"It's for me to know, and for you to find out." Sagot nito at ngumiti. The smile that most of the woman wishes to see every day.

Habang nagmamaneho ay inabot niya ang kamay ko at pinagsiklop ang aming mga palad. Bumilis ang pintig ng puso ko.

"Mich, I'll be honest... Mamimiss kita." Sambit ni Sandro. "Are you going to miss me, too?"

Humalakhak ako ng bahagya, "I'd be lying if I said I wouldn't miss you." Ngumiti ito. Kung nakamamatay lang ang pag ngiti ni Sandro, siguro ay matagal na akong namatay.

"We're here." Nakita ko ang magandang night view mula sa labas ng sasakyan. "I know you like night views, so I brought you here." Nanatili kami sa loob ng sasakyan.

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko kunwari kay Sandro pero sa kaloob-looban ay kinikilig na ako. 

You know, it's the small stuff that counts.

"It was posted on your twitter account, which I recently discovered." Sagot niya.

"Hmmm." Tanging nasambit ko at tumango-tango pa. Oh God, is he stalking me?

"Michiko..." Pagtawag ni Sandro sa akin. "I'm really glad I met you." Seryosong sambit nito at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.


Happy 1k reads, Silent Hearts! Special thanks to Monaisabelle for helping me achieve this, and to JonahMaeGandionko0 , who patiently waits for my updates. 🫶🏻

Love, @beeterfly_

Silent Hearts (A Sandro Marcos fan-fiction) Where stories live. Discover now