Chapter 42: It's time (Part 2)

614 26 0
                                                  

×MIRAE×

It' time. Mahaharap ko na sya uli.. Malalaman ko na rin kung, may kapatid nga ako. Meron nga kaya? What if sa real family ko ay meron?

Kinakabahan ako... Sana hindi matuloy ang pagpatay niya sa kapatid ko.

"There you are." napalingon ako sa nagsalita.

"Roxanne." gulat kong sabi..

"Miss me?" tanong niya habang papalapit sakin ng nakapameywang.

Nagbago sya, Hindi sya yung Roxanne na kilala kong maamo ang mukha..

Sising sisi ako sa ginawa ko sa kanya nuong bata pa sya.

Kung alam ko lang na manyayare to, sana hindi ko na lang ginawa ang biglang paghulog kay Ate sa hagdan at pagwala kay Roxanne.

"....Kasi ako, miss na miss kita."

"Ro---@*#*$*#!'@($((#" napahawak ako sa kamay na may panyong nilagay sa bibig ko. Pilit kong magpupumiglas pero hindi ko nagawa at...

.BLANK.

×ANDY×

"Mirella, okay ka lang?"

Napalingon sya amin at ngumiti sabay tango. "Nasa delikadong lugar si Mirae.."

"Ano?" tanong ni Tory.

"May t-tumawag sakin at ang tawag sakin ay Mirae... Sigurado akong si Mirae mismo ang hinahanap niya. Wait, tawagan ko uli. Kuwnari ako nga si Mirae..."

Niloud speaker niya yung phone saka nagsalita. [Hello?]

"Uh, s-si Mirae to.."

[Tss. Ngayon niloloko mo ko? Hindi ka si Mirae..]

"Hindi a-ako to.. Ondaway na nga ako--"

[Liar. Nakuha na namin si Mirae kaya wala ka ng maloloko. Hahaha.]

Loko talaga ang lalaking ito... Teka, napapahamak nga ba ngayon si Mirae?

"Jef...S-si Mirella t-to...Mirella Lou..."

Ano kayang pinagsasasabi nitong si Mirella? Kilala ba nya yung killer? Kilala ba nya yung kasabwat nung killer? Pero hindi naman namin sya kaibigan e... Ang sabi nung killer kaibigan namin ang truma-traydor samin... Sino bang pwede?

[Mirella Lou?]

"O-oo Jef. Tanong ko lang, i-ikaw ba si Jef Santos?"

*tooot tooot*

Nilingon kami ni Mirella. "Binabaan niya ako..."

"Kilala mo yung kasabwat nung killer, Mirella?" tanong ko.

"Hindi. Pero yung Jef...Pakiramdam ko sya yung Jef Santos na kilala ko... Pakiramdam ko wala na sya sa ibang bansa.. Imposible naman dibang sya? Hindi pwedeng makasabwat sya ni..nung killer." mukhang naiiyak na sya.

*Ring ring ri--*

"O, warren?" Oo, si Warren ang tumawag sakin..

[I-tetext ko sa inyo kung nasaan ako. Kaya pag katext ko pumunta ka agad kayo dito.] sabay baba na nya nung phone.

Nareceive ko yung text kaya agad kong sinabi sa kanila.

"Bakit naman kaya tayo pinapapunta ruon?" tanong ni Mirella.

"Hindi ko alam, tara.." aya ko sa kanila.

"Uh, mauna na kayo.. May nakalimutan akong kunin sa room. Itext nyo na lang sakin kung saan ha? Sige punta na ko duon at baka biglang mawala. Bye." tinanguhan lang namin si Tory..

"Kinakabahan ako.." sabi ni Betty.

"Bakit naman?"

"Andy, hindi ka ba natatakot?" ang weird niya.

Habang naglalakad kami ay naguusap kami.. "Bakit ako kakabahan? May alam ka ba kung ano yung dahilan at pinapapunta tayo ni Warren duon?"

"Oo nga naman. Tsaka, malay mo lang may surprise sya..."

"No. Mirella, Andy, basta...natatakot ako at pakiramdam ko.."

"May hindi magandang manyayari?" napatingin kami kay Pat at tumango naman si Betty. "Edi maghanda tayo."

"Tama si Pat.. Dapat ready tayo."

"Walang manyayaring masama, kayo talaga.."

"Pero Mirella--"

"Si Andy nga e, hindi kinakabahan pati ako.. Tapos kayong dalawa? Tss. Wag niyo ng alamin pa kung ano ang kutob niyo.."

"Bakit? Nuong pakiramdam niya napahamak si Lucy, inalam niya kung ano ang kutob na nararamdaman niya.. Kaya aalamin ko rin ang akin." nauna ng maglakad papasok ng kotse si Betty. Nagtaxi kami e.

×JEF×

Mirella Lou...Bakit bigla niyang naitanong kung ako ba si Jef Santos? Hindi kaya... No, imposible. Aish, ang sakit na naman ang ulo ko. Kumikirot na naman..

"O, anyare sayo Je--"

"Sobrang sakit ng ulo ko.. I-itutulog ko nga muna.." Sabi ko habang hinihilot ang sentido ko.

"Okay." nagpunta na ako sa kwarto at biglang humiga.. Kailangan lang namang itulog to e para mawala..

×ROXANNE×

"MIRAE! MIRAE GUMISING KA! MIRAE!"

"Ang ingay mo Wendell nakakabingi! Pwede ba? Wag ka ngang manira ng tulog... Nananaginip pa sya e." sabi ko habang paupo sa lap ni Wends.

Nakakaakit talaga sya.. Kahit na puro sugat, pasa at dugo na ang mukha.. Naaakit parin ako sa kanya. He's too handsome than Jef.

"Shut up, or I'll kiss you.."

"MIRAE--"

"Gusto mo talagang mahalikan ha? Okay." saka ko sya hinalikan.. A very passionate kiss, napangiti ako sa gitna ng halikan namin when I realized his responding my kisses.

"You like it?" I asked in the middle of our kiss. Bigla naman niyang nilayo mukha niya sakin. Habang yung kamay ko ay nasa may leeg nya, nakapatong.

"Please, maawa ka sakin.."

"Naaawa naman ako sayo Wends ko e. Masyado ka lang pasaway kaya ayan..nagakakasugat ka." Sabi ko with sweet voice.

"Maawa ka kay Mirae, please.." agad namang sumama ang timpla ng mukha ko. Magsasalita sana ako ng may marinig akong parang paa na nakasagi ng Can. Pareho kami ni Baby Wends napalingon sa kung saan iyong ng galing.

"May tao..." bulong niya sa sarili.

"Kung sino man sya, papatayin ko sya." naglakad na ako palayo.

"Wag! Wag please! Parang awa mo na! R-roxanne please!" napangiti ako nung banggitin niya ang pangalan ko. Pero I'm sorry wends, I'm a KILLER. But next to Mirae...

'I have no mercy...'

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon