Chapter 6: yearbook

1.3K 59 2
                                    

×MIRAE×

Nagpapaka-matapang ako para naman mapatunayan ko na rin sa kanila na di ko kayang itago yung killer.. at mas lalong di ko kayang pumatay. Dugo pa nga lang, pinandidirian ko na.

"Medyo na-gegets ko na ang ibig sabihin nung note." Sabi ko sa kanila.

"Anong ibig sabihin?" Tanong ni Lucy.

Nagbuntong hininga ako, at pinigilan ang luha ko. "Lahat ng.. k-kumausap sakin.... m-mamamatay. Kaya nga, n-ngayon palang iwasan nyo na ako."

Bigla namang lumapit samin si Hailey.. Alam kong galit to sakin pero ano ba kasing nagawa kong mali?

"Dahil ba.... ikaw ang killer, kaya--"

"Please Hailey Stop!" Pagsuway sa kanya ni Warren.

"Tulungan nyo ko... Magtulungan tayo, alamin natin ang kung ano bang meron dito." Sabi ni Matthew.

Napapadalas na ang kanilang pagpasyal dito samin, dahil wala naman laging teacher na napunta sa classroom namin...Nagsitanguhan kami sa sinabi ni Matthew.

"Sasamahan mo kami Mirae" nanlaki yung mga mata ko.

"P-pero--"

"Kung susundin mo yung nakasulat, pano natin sya makikilala?" Tanong ni Wendell.

Napatungo na lamang ako duon. Ayaw kong may sumunod kay Rebecca... "pero diba nga, kilala daw yun ni Mirae." Pagpapaalala ni Tory.

Pakiramdam ko... may tampo sakin si Tory. "Pero, wala akong idea kung sino sya..."

***

Sinamahan ko si Matthew at Wendell para pumunta sa library, magtatanong daw.

Paano kung kilala ko nga sya? Or pano kung sya lang to ang kilala ako? Natatakot akong mawala sina Pat sakin... Di ko inaasahang mawawala si Rebecca ng dahil mismo sakin.

Sana tinulungan ko na lang sya na iwasan ako, ng sa ganon.. buhay pa sya. Kasalanan ko to. Kasalanan ko ang lahat. Mali talaga ako ng pagtransfer ng school...

"Miss, may yearbook po ba dito nung 20 years ago po yata or 15.. kelan nga ba yun" sabi ni Wendell.

Kumuha na lamang yung librarian nung parang shelf which is puro throwbacks ang makikita mo ruon. Isa isa naming tiningnan ang yearbook..

Paglipat ko sa kabilang page, nagtaasan ang mga balahibo ko. Totoo ba to? B-bakit naglagay sila dito sa yearbook ng ganong picture?

"T-tingnan nyo.." sabi ko sa kanila at pinakita ko yung yearbook. Nagulat sila, nanlaki ang mga mata.

"Tara!" Sabay tayo ni Matthew at niligpit namin yung yearbook at nilagay sa shelf tapos dali daling binalik sa librarian. "Ate peram lang po nito."

Habang natakbo kami pabalik sa building.. "kakaibang yearbook to. Kahit na bawal, bakit andito?" Tanong ni Matthew sa sarili.

Nung nakaakyat na kami sa 3rd floor deretso lang kami sa pagtakbo, "bilis Wendell!" at pumasok na kami sa room.

×WENDELL×

"Bilis Wendell!" At pumasok na silang dalawa sa room, nahuli ako ng takbo.

Pipihitin ko palang yung doorknob ng..

"Psst... Wendell." Naglingon lingon ako sa nagsalita.

"Hahahahaha" nakakatakot ang tawa... kaya agad agad na akong pumasok sa room at nakita ko sila duon nagti-tipon tipon. Lagi naman.

Nakisingit ako..

"Yuck. Grabe."

"Kelan yan, tingnan nyo yung date."

"Pano nyo nakita yung yearbook na yan?"

Rinig kong mga tanong nila habang nasingit ako. Anong nasa picture? Nandun ang picture ng isang babae at lalaki na may hawak na kutsilyo habang.. siguro magje-JS sila. Bukod pa duon...

Mayroong nasa pagitan nila.. babaeng patay. Dahil siguro dun sa lalaki at babae.

"February 14, 19_ _ binura ang year. P-pano na to? May malalaman na tayo e." Padabog na sabi ni Andy.

Nagkatinginan kaming lahat at napatingin sa kaklase pa nila na umiiyak. "Uhm..Dun na lang muna kayo, kami na ang bahala dito. Please." Sabi ko.

Mabagal naman nilang sinunod...

09985304354 calling....

"Hello."

[Wendell...] ang creepy ng kanyang boses. Kung tutuusin, madaling mahulaan ang boses.. pero bakit parang nakarecord ang boses?

"S-sino k--"

[Wanna die, Wendell?] Sabay baba na nung phone.

Busy sila kaya di nila napansing may kausap ako sa phone.. Wanna die, Wendell? Ako na ba ang kasunod? P-pero, di pa ako handa.

"Wendell, bakit?" Tanong ni Pat habang hinhimas yung likod ko.

"A-anong bakit?" Tanong ko.

"Namumutla ka. Okay ka lang ba?" Tanong nya.. mabagal akong tumango at ngumiti, saka ako lumapit sa kina Matthew na nagtitipon tipon.

"Ibang yearbook yata to. P-para yata to sa mga namamatay.." sabi ni Mirae.

"Sino bang principal nung dating dati?" Tanong naman ni Warren.

Hinanap nila yung page kung saan pinapakilala nila yung mga teachers and principal.

Tinuro ni Mirae yung picture. "Principal Ray×*"($!/(×( ... Wala ng kasunod, puro guri ang pictures at pangalan."

Nagkatinginan kaming lahat.. "hindi kaya....Sa kanya, nagsimula ang... patayan?" Tanong ni Tory.

"Kulang pa yata sa informations to.. Kailangan pang makahanap ng paraan para malaman na natin kagad to." Sabi ko. "Balik na ko sa classroom."

"Wait Wendell" umalis si Mirae sa kinauupuan nya at umupo duon si Tory, saka lumapit si Mirae.

×MIRAE×

"Kulang pa yata sa informations to.. Kailangan pang makahanap ng paraan para malaman na natin kagad to." Sabi ni Wendell. "Balik na ko sa classroom."

"Wait Wendell" umalis ako sa kinauupuan ko at umupo duon si Tory, saka ako lumapit.

Kaming dalawa lang ang nasa malapit sa upuan. "Okay lang na iwasan mo muna ako.."

Halatang nagtataka na sya. "May kausap ka sa phone, at mukhang natakot ka. Iwasan mo muna ako Wendell.. Ayaw kong mapahamak ka."

Niyakap nya ako ng mahigpit. "Ayaw kitang iwan... kaya sige, para manatili akong nasa tabi mo.. iiwas ako." Saka sya bumitaw sa pagkakayap at lumabas na ng classroom.

09985304354 calling...

"May tumatawag sa phone mo Mirae!" Sabi sakin ni Matthew habang pinapakita yung phone ko.

"Baba mo." Sabi ko at ginawa nya saka pinatong uli sa table ko.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon