Chapter 29: Andy Feels...

643 30 0
                                    

×LUCY×

 Tawanang tawanan kami rito ng mga--Maitatawag ba to na 'barkada' ? Siguro. Barkada naman talaga to e. Pero pauwi na kami nun e nung sinabi ko to sainyo. Nasa jeep na kami, mga nakasakay. Inaya kasi kami ni Mirae sa bahay nya e.

Napatingin ako sa relo ni Mirae, dahil sa sya ang katabi ko, sabay lingon sa mga kasama ko. "Uh, Guys..Punta lang muna ako sa school.."

"Bakit? Bakasyon ngayon, for sure walang ibang tao dun, bukod sa guard." sabi sakin ni Mirae.

"Yah. I know, pero kasi..May kailangan pa akong tapusin dun..As you can see.." sabay kuha sa bago kong Camera. "Sumali ako sa isang club, yung arcade. At na-assign ako sa pag take photos sa school natin.."

"Ngayon mo gagawin?" tanong naman nung katapat kong si Andy. Tumingin ako sa daan saka tumango.

"Pero dapat may kasama ka.." sabi sakin ni Patricia.

Nagtaas ng kamay si Tory na para bang may recitation. "Ako, sasamahan ko sya sa school."

 

"Sige sige. Sasamahan ka ni Tory. Magiingat kayo ha..."

"Sige, susunod na lang kami sa inyo, text nyo na lang kay Tory. tara Tory. Kuya, para na po." sabi ko habang kumakatok dun sa taas, yung gawain ng ibang tao. Bumaba na kami ni Tory, sabay kaway kina Mirae na nakasakay sa jeep. Nung malayo na sila hinarap ko si Tory.

"Tara." sabi nya. magkahawak ang kamay namin sa pagpasok sa school. "Uh, Lucy mauna ka na sa pupuntahan mo babalikan na lang kita ha? Nawiwiwi kasi ako e."

"Oh, sige magkita na lang tayo sa 3rd floor sa building natin."

 

"Sa 3rd floor?"

Dahan dahan akong tumango at nakakunot ang noo. "Bakit?"

"Pero y-yung killer--" ngumiti ako at tinapik ang balikat ni Tory.

"Bakasyon ng killer ngayon..Nakakasigurado ako dyan. Mabilis lang naman to e, kailangan ko lang talagang masubmit na to bago matapos ang Christmas Vacation."

Niyakap nya ako bigla. "Magingat ka ha? Magingat ka..." bumitaw na kami sa pagyayakapan, at nagpunta na sa aming pupuntahan.

Pagdaan ko dun, kita ko pa ang building.. Nagbuntong hininga ako, saka ni-ready yung camera kong DSLR. Pinicturan ko muna yung building na ito, saka ako naglakad lakad. May kasama pang description na gagawin kaya sabi sakin ni Sir, dapat daw maganda ang kuha para bukod sa description ay dapat maramdaman daw nung mga titingin sa picture yung about sa picture na yun, yung dapat maramdaman sa picture.

Nasa may 2nd floor na ako nag te-take ng pictures. Dito, alam kong masaya dito..ramdam ko yun dito.. Naka 2 shots ako dito, isa sa hallway at isa sa mga tinatanaw ng mga estudyante dito.

Nagsimula na akong umakyat sa 3rd floor, ngayon pa lang nakakaramdam na ako ng takot. Takot na hindi ko alam kung ano ba to. At sa pagapak ko mismo sa 3rd floor sa hallway.

Nagsimula na akong magpicture, habang nanginginig yung mga kamay ko.

"Iba talaga to." bulong ko sa sarili ko.

"Psst."

Dahan dahan kong ibinaba yung DSLR ko, at dahan dahan ring lumingon sa may hagdan. At nung nakaharap na ako dun, yung lalaking tumulak sakin nung Christmas Party.. Nanlaki yung mga mata ko nung dahan dahan syang umaakyat ng hagdan, nanginginig yung kamay ko habang hawak hawak yung camera. Baka nga kung ano ano na ang napipindot ko sa DSLR na to.

"Please, please hindi ako mag-magsusumbong..P---Hmmm!" pilit kong sumigaw pero hindi ko magawa, dahil nilagyan ako ng tape sa bibig ng lalaking to. At ganun rin sa mga paa ko kaya nagdikit, saka nya ako tinulak aa hallway.

Kamay lang ang naiigalaw ko. Kaya napahawak pa ako sa dungawan ng mga estudyante dito. Nakasabit ako. Nanlalaki ang mga mata ko habang tumitingin sa baba. Sobrang taas.. Kahit yata dalhin ako nito sa ospital, hindi na ako magigising pa..

'Tory, asan ka na ba?'

 

'Tory, yung killer.'

 

'Andy, I'm sorry..'

 

'Andy, patawarin mo naman na ako oh.'

'Mirae, Mirella, Wendell, Matthew, Warren, Tory at...Patricia..Andy..I'm sorry and I'm sorry.'

tumingin uli ako sa harap kong to, at kita ko pa syang palayo, para magtago..

Pumikit ako...Saka ako dahan dahang bumitaw..

'Mommy, Daddy, Kuya... I love you.."

×TORY×

 Kaka-CR ko lang, ng para akong nahilo. Ewan, pero napahawak lang ako sa ulo ko, saka inalis at umarte na parang wala akong naramdaman. Bumalik na ako sa sinabi ni Lucy kung san kami magkikita. At sa pagpunta ko ruon, napatakip yung dalawang kamay ko sa bibig ko ng makita ko si Lucy na nakasabit sa 3rd floor, at yung killer na lalaki...

Nakatingin lamang sya sakin, saka sya dali daling tumakbo palayo. Dahan dahan kong inalis yung takip sa bibig ko at hindi ko alam kung bakit pabulong ko lang natawag si Lucy.

"Lucy.." nagsimula ng magpatakan ang mga luha  sa mga mata ko. At dali daling tumakbo para maabutan ko pa sya, at pag akyat ko sa 3rd floor, bumitaw na si Lucy. Sinilip ko pa sya at nakamulat sya nung bumagsak. Pero alam kong.. Wala na sya.

"Ah!" nagdilim bigla ang paningin ko ng may mapadikit saking..ewan, pero para akong nakuryente.

×ANDY×

 "Andy, I'm sorry.."

 
"Andy, patawarin mo naman na ako oh."

"Lucy?" napatayo ako sa pagkakahiga ko sa sofa ni Mirae sa kwarto nya.

Napatingin sila saking lahat kunot ang noo. "Bakit Andy?"

Umiling iling ako saka tumingin sa orasan. 2pm na. E 10 nung umalis sina Tory at Lucy. Nilingon ko si Mirae.

"Tinext mo na ba kina Tory, kung asan ka nakatira?" tumango sya. "2pm na, wala pa sila..Hindi ba kayo nag-aalala?" umiling sila. "Bakit?"

"E kasi, nagtext si Tory samin..Sabi nya hindi na raw silang dalawa makakapunta e." tiningnan ko naman yung text sa phone ni Mirae.

Umiling iling ako at dali dalingtumayo sa pagkakahiga ko sa sofa."Hindi..Hindi ganyan magtext si Tory. Jejemon kaya yon. Tapos yang text nyang yan. Buo lahat ng words. Hindi..Hindi sya yan."

 
"Oh, e san ka pupunta?" tamong ni Warren habang hawak hawak yung braso ko at nakitayo na rin sya. Pumiglas ako saka zumagot..

"Pupuntahan sila sa school, para makasiguro ako kung wala na sila duon."

 "Dre, malay mo umiwas lang si Tory sa pagjeje-je--"

 "Hindi! May kutob ako! At aalamin ko yun!"

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon