Chapter 40: Nightmares

660 31 0
                                    

×MIRAE×

Nakarating ako sa bahay at hanggang ngayon, hindi mawala sa isipan ko yung sinabi ni Roxanne.

'You killed my sister. So I'll kill yours.'

Wala akong maalala kung may kapatid ba ako--Baliw ka na nga Mirae! Hindi mo talaga malalaman kung may kapatid ka, dahil ninakaw ka lang naman ng hindi mo tunay na pamilya sa kanila! Pero, bakit parang alam ni Roxanne na may kapatid ako?

Ibig ba nung, sabihin... Alam rin nina--

"Ang aga yata ng uwi mo, ano? Gusto mo na bang kumain?" salubong sakin ni Fake Mother na bahagayng nakangiti.

Habang ako, halos mabulad na sa kakairap!

"Gusto kong may malaman." sabi ko.

Nagiba ang itsura nya, naging seryoso, dumating na rin si Fake father at humawak sa kabilang balikat ni Fake Mother. "Anong gusto mong--"

"May kapatid ba ako?"

Ilang segundo bago sila napatawa sa tinanong ko, naikinakunot ng noo ko.

"Ano ba naman tanong yan Mirae, syempre meron! Sina--" naputol ang sasabihin ni Fake Father nung magsalita ako.

"Meron?" mabagal na pagtango nila. "K-kung ganon sino?"

"Nagka-amnesia ka ba, Mirae?" tanong ni Fake Mother. Napakunot noo ako. Wala akong amneisa! Sadyang hindi ko lang kilala kung sino ang kapatid ko! Sadyang hindi ko lang alam na may kapatid ako sa real family ko.

"Sina Rose at Roxanne mo..."

AAARRGHHH!!!!!

Hindi yan ang inaasahan kong sagot! Fake sila! Fake sisters sila!

"You're so useless! Of course I know them! They're my FAKE sisters! What i'm trying to say is, kung may kapatid ba ako sa real family ko! Idiotz!" sabay padabog na lakad ko na sa taas papasok sa kwarto ko saka naglock.

Napasandal ako sa may pinto at umupo, itinupi ang binti ko saka umubob at tahimik na umiyak. Kung may kapatid nga ako... Imposibleng sya ang truma-traydor samin. No, no, no!

What if... Si Mirella? Aish! No! Imposible, kasi hindi ko alam..pero..pero...

09985304354 calling...

×JEF×

"Mahal na mahal ka ni Ate. Ako lang ang nagmamahal sayo, at hindi si Mommy at Daddy ha? Remember that.." Sino ba yung babaeng nanghihimasok sa panginip ko??

"Si Ate, hinding hindi ka pababayaan.. Kung mawawala ka, sasama ako. Hindi hihiwalay ang Ate sayo.." Ano daw?

"Jef, halika." Ibang boses na.. Bakit parang malapit sila sakin? Kilala ko kaya sila?

Narating ko ang..kwarto? Panglalakeng kwarto. Kanino kaya to? Sino bang matandang babae na to, na hawak hawak pa ang kamay ko? Malaki na ako, pero...

"Ang sinto sinto, hindi dapat humahaba ang buhay.." Sino kaya yung sinto sinto? Deretso lang syang nakatingin sa may terrace. "Ayaw ko ng anak na sinto sinto.. Aminado ako, na may konting saltik ako,pero ayaw kong maging pampadagdag ka..."

Ano raw? May saltik tong kasama ko? E teka, bakit pala ako sumama dito? Ayaw ko sa saltik!

*BOOGSH*

"AHHH!" hingal na hingal ako nung mapaupo ako sa kama. Para akong nakipagtakbuhan! Natakot ako sa nanyaring yon.

Susmaryosep! Panaginip lang pala! Akala ko nga, kilala ko sila! Napahimas ako sa mukha, dahil sa nanyari.

"Nightmares?" Tumango ako kahit hindi ko pa lingunin yung babaeng pumasok sa pinto ng kwarto ko. Si Roxanne lang naman yun.

"I called Mirae, handa na syang makipagkita satin. Ikaw ng tumawag sa nawawala nyang kapatid..Hahaha! O sya, ire-ready ko lang si Baby Wends." tumango ako habang pinupunasan ang pawis sa noo ko.

'Mirae...'

Sounds familiar..

O baka naman kasi talagang familiar na, e sa laging bukambibig ni Roxanne si Mirae e! Pero..

'Mirae..'

Iba ang nararamdaman ko pag maririnig ko ang Mirae..

'Lou..' sa Lou, may naaalala ako..

×TORY×

The next day, no classes kami ngahon. Nasa libing kami ni Matthew..

"Warren texted me, he said he will stalk Mirae, to know where will that girl go..Sama tayo?" Aya ko sa kanila.

"Nagdududa na rin ba kaya yon si Warren?" tanong ni Pat. Nagsikibit balikatang kami, nang biglang mapadaan samin si Betty.

Binati namin sya kaya lumapit na sya samin ng nakangiti.. Pero nung lumingon sya sakin, isang pilit na ngiti ang binigay sakin. Bakit kaya? May nagawa kaya akong masama?

"Si Mirae?"

"The Killer ba?" dugtong ni Pat. Nagkunot noo naman si Betty, siguro hindi nya nagets iyon. Nagaya ako na sa labas magusap at umoo naman sila.. Dapat lang na respetuhin ang libing ni Matthew.

"Ah, wala yon Betty. Sus, napakabuting tayo kaya ni Mirae, diba?" Si Mirella na lang yata ang hindi pa nagdududa. Ako kasi.. Hindi ko pa alam e.

"Alam ko, sobrang buti nyang tao.." napangiti naman duon si Mirella sa sinagot ni Betty.

"E kung malaman mo na si Mirae ang totoong killer, at ginagaya lang sya ng BAGONG killer? Mabuti ps kaya sya sa paningin mo?" Sabi naman ni Andy.

"Guys, wag kayong magsisimula--"

"Wala akong maintindihan sa inyo. Please, ipaintindi niyo." pakiusap ni Betty. Nagkatinginan kami saka iyon ibinalik kay Betty.

"Ano? Sasabihin niyo ba sakin?" tanong nito.

"Pero kasi, Betty ayaw kong tumulad ka sa kanila na mapa--"

"mapanghusga ba, Mirella? Oo na! Bestfriend mo nga sya, pero kung mali na sya dapat pagalitan na! Husgahan!"

"Pat sumosobra ka na!"

"Si Mirae.. Pinatay nya yung Kapatid nung killer, kaya gumaganti yung killer sa kanya. Kaya pati tayo, damay."

"Andy!"

"O bakit? Mirella, ang tanong sinasagot.."

"Pero kasi--"

"Naiintindihan ko si Mirae. Sigurado akong hindi nya iyon pinatay.. Sigurado naman akong, dala lang yun ng galit."

"Thank God, Betty at hindi nagbago tingin mo sa kanya" masayang sabi niMirella habang hawak ang mahkabilang braso ni Betty at nakangiti.

"Delikado ang lagay ni Mirae.."

"Bakit?" sabay sabay naming tanong kay Betty.

"Narinig ko sya kahapon, may kausap sa phone. Haharapin na nya yung killer.. Sigurado akong kailangan nya ng tulong, at paniguradong nahihiya lang sya dahil sa inyo, na hinuhusgahan niyo sya."

"What?!" sabay sabay na naman naming sabi,

"Panigurado, mamamatay siya kagad nun!"

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon