Chapter 21: Mirae!

806 39 2
                                    

×MIRAE×

Pagkatapos ng pagbisita namin nina Warren kay Hailey ay pumasok na uli kami. Ilang araw pa daw bago makapasok si Hailey. Siguro di na sya masyadong inis samin, halata naman e, diba?

"Malapit na Christmas party natin, class." sabi samin ni Ma'am. Nagsitilian at hiyawan ang mga babae't lalaki. Excited magpakita ng magaganda nilang damit.

"Okay, class stop. Mamaya kayo magreact pagtapos na ako." mataray na sabi amin ni Ma'am kaya nagsitahimikan rin kami. "okay thank you. So ito na nga, syempre may games. At meron rin tayong Mr. and Ms. IV-Humility. Ano gusto nyo? Bunutan o Pipili na lang ako?"tanong samin.

Nag si hiyawan na naman sila ng 'Bunutan' yung iba ay 'pumili na lang si ma'am.' Hay nako, sana naman maging masaya ang christmas party na to. Mamaya sa mismong Christmas Party namin, may--

"Uy, Mirae!"nabalik ako sa realidad nung kuwitin ako ni Patricia na nakaupo sa unahan ko.

"huh?"

Patago nyang tinuro si Ma'am na masama ang tingin sakin, nginitian ko sya ng matipid saka tumayo na parang nagdadalawang isip pa.

"p-po?"tanong ko.

"Bumunot ka na po rito." sagot nya habang pinapakita yung box na nakaipit sa braso nya. Lumapit na ako kay Ma'am saka sya nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

"So, dito kasi 6 lang naisali ko dito sa bubunutin nyo kaya paramihan na lang ha..At dapat may talent and question and answer portion dito ha?" bumalik na ako sa upo ko habang hawak hawak yung papel na nakatupi pa.

"Okay so you may now open the paper." At dali dali na nilang binuksan yun.

"Miraena akin sayo?"

"Si Andy."

"Uy, si Mirae nabunot ko."

"ako nga rin e, si Mirae."

"Nabunot ko si Warren, oh, baka sya ang sa Mr. IV-Humility"

"Andy akin e."

"Si Mirella, nabunot ko dito."

"Ako rin."

Rinig ko talaga mga daldalan sa mga tabi tabi, pero agad rin kaming pinatahimik ni Miss. "Si Andy nabunot ko, Mirae. Yung sayo ba?"

Napatingin ako sa papel kong nakatupi pa pala, saka mabagal na binuksan. At ang nabunot ko ay si....Miraena Louise. Ako. Nabunot ko sarili ko.

"Okay class, raise your hand kung sino nakabunot sa pangalang babanggitin ko." sabi ni Miss. "Warren Cruz?"

Nagsitaasan yung iba, nabilang ko sya kasi 6 yung kay Warren. May makakalamang pa kaya sa 6 na ito?

"Lucy Madridano?" 2 ang nakabunot.

"Patricia De Luna?" wala. Walang nakabunot kay Pat pat. Atleast magiging safe sya!

"Andy Torrence?" wow so dami. Binanggit ni Miss yung nsbilang nya at yun ay 13 ang nakabunot sa kanya. Napa-wow si Miss, habang si Andy nayayamot ata, halata sa mukha e.

"Mirella Lou?" 11 sa kanya.

"And... Miraena Portalejo?" 11 din daw, sabi ni Miss e. May kapantay pala si Mirella. Sino nga ba yung Mirae na yun, bukod kay Mirae?

Ah, ako nga pala.

Teka, AKO?! As in si Miraena Louise C. Portalejo?!

"Mukhang pantay ang pagkakabunot kay Mirella at Miraena ah. Pano kaya to?-- Ah! Alam ko na. Sige dito ko na lang kayo papipiliin, Sinong mas bet nyo? Si Mirella o si Mirae?"

***
"swerte naman nya, maraming bet sa best friend ko!"sabi sakin ni Mirella habang mahigpit na nakaakbay sakin.

Inalis ko yung pagkakaakbay nya sakin sabay subo ko na ng pagkain ko. "Mirella naman e! Di ko gustong sumali sa ganto. Nakakatakot. Nakakakaba. At nakakatakot ulit. Kasi naman tong si Warren!"sabay turo kay Warren. " Nananakot na baka sa event na yon. E--"

"Di yan! OA lang yan!" sabay akbay uli ni Mirella ng mahigpit sakin.

Andito nga pala kami sa may canteen nakaupo, kumakain. Ako pati napili sa Mr. and Ms. Blah blah. Wala parin si Lucy ha, at kahit o halos lahat kami ay alalang alala na kay Lucy. Nagtataka na kami sa sobrang tagal nyang pumasok. Di nya naman gawain siguro to. Best friend ko rin naman si Lucy e.

"Miss ko na si Lucy." pagiiba ni Pat ng topic.

Umalis na si Mirella sa pagkaka-akbay sakin at tumungo. "Ako rin naman."

Biglang hinarap ni Pat si Andy na katabi lang nya ng pagalit, at dinuro duro si Andy. "ikaw kasi! Oo alam ko na masakit sa pakiramdam ang mamatayan ng kapatid, pero Andy naman e! Intindi lang! Wala kasing kinalaman si Lucy dito e! Best friend ko yun, tapos wala pa sya dito! Nakakamiss sya! Palibhasa kasi sarili mo lang--"

"Uy, Pat tama na." suway ni Tory, kaya padabog na umayos ng upo si Pat saka kumain ng may inis sa mukha.

"Mirae, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Wendell. Napakunot yung noo ko dun nung magtanong sya sakin.

'Mukha ba akong di okay?'

"Okay lang naman ako, Wendell. B-bakit?" litong tanong ko. Napatingin ako kay Matthew na tinuturo yung labi nya, at saka ako napahawak sa labi ko.

Anong meron? Wala namang amos ah? Malinis naman akong kumain. Problema nun?

"Putlang putla ka kasi." sagot ni Wendell.

Medyo nagulat ako dun, kasi imposible malakas pa naman ako e. Kaya ko pa.

"May problema ka ba Mirae? May sakit ka ba? Lagnat?" sunod sunod na tanong ni Matthew. Dahan dahan akong, umiling at saka nagkibit balikat at kumain uli.

"Pero Mirae, kasi sobrang putla talaga ng labi mo." singit ni Warren. Agad akong napahawak uli sa labi kong di ko ramdam kung namumutla nga ba.

"Wait nga, samahan mo ko Mirella puntang CR sisilipin ko labi ko." at tumayo na kami ni Mirella para nga pumuntang CR.

'Imposible, ang lakas lakas ko pa kaya!'

"MIRAE!"

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon