Chapter 32: Broken..Friendship?

663 27 0
                                    

×MIRAE×

"Uh, Mirae. Sundan ko lang si Wendell sa labas ah." paalam sakin ni Mirella, tumango lang ako saka sumandal uli sa balikat ni Warren.

Minsan naiisip ko.. Parang hindi na kaibigan ang turi ko kay Warren eh. Ewan ko pero, alam naman ng sarili ko na may gusto ako kay Wendell. Si Matthew? Medyo, nawawala yung kulitan at closeness namin e.

Okay lang kaya si Matthew? May problema kaya yun?

 
"Okay ka na?" tanong ni Warren sakin.

 
Umalis na ako sa pagkakasandal sa balikat nya saka tumango st ngumiti sabay punas nung mga luha sa mata ko. "Salamat."

 
"Wala yun."

"WENDELL!" sabay kami ni Warren napatingin sa labas, siguro ganun rin sa iba. Si Mirella kaya yung sumigaw?

Napatayo na kami nung patakbong lumapit samin si Mirella, medyo natataranta.

"Mirella, wag kang maingay.. Nasa--"

 

"Si Wendell!" sa sinabi nyang yun. Kinabahan ako bigla. Saglit akong tumingin sa mga bisita at nagpaexcuse. Tumango naman sila.

Naglabas kami ni Warren at Mirella para magusap.

 
"Mirella, ano bang problema? Si Wendell, asan?" tanong ko,

 
"Y-yun na nga e.."

 
"Mirella, ano?"

 
"Mirae, si Wendell!"

 
"Ano nga? Mirae!" inis ko ng tawag sa kanya.

"Ma-may kumidnap s-sa kanya.. Mirae! Kit-kitang kita ko! Kita ko!" natigil ako sa narinig ko. Kanina lang, iniisip ko si Wendell.. Tapos ngayon?

"Huy, Mirae!" winagayway ni Mirella yung kamay nya sa mukha ko kaya nabalik ako sa reality.

"Si Wendell? N-nakidnap na?" napalingon kami sa nagsalita. Si Tory, akala ko hindi na sya makakapunta sa libing ni Lucy. Akala ko nga lang pala. Anong NA ang sinasabi nitong si Tory?

"Oo, Tory." tatango tango kong sabi. Ano ba yan, kakatigil ko lang ng iyak. Baka mamaya umiyak na naman ako nito.

"Hahanapin natin si Wendell.. Gagawin natin ang lahat para hanapin sya at yung kumidnap sa kanya. Siguro naman, hindi na yung killer yun.. Kasi, pumapa--"

"Paano Warren kung yung killer nga? Warren, hindi porque sinabing killer.. Pumapatay lang at hindi nangingidnap." naiinis kong sabi.

 
"Anong nanyayari guys?" naglabasan na pala sina Pat at yung iba pa naming kasama.

 
"Si Wendell, nakidnap." sagot ni Mirella.

 
"Ano?!" tinulak kami nina Andy papalayo dun sa libing ni Lucy, para wala talagang makarinig na matatanda.

 
"Sinong kumidnap kay Wendell?" tanong ni Matthew. Ewan ko, kung kanino sya nagtatanong e.

 
"Ewan ko. Kitang kita kong, may kumuha sa kanya. Kitang kita ko. Natakot nga--"

 
"Wait. Bakit ba sya lumabas?" tanong ni Pat.

 
"Kasi nauuhaw daw e." sagot ni Mirella.

 
Napahahilot sa noo Matthew. "Problema na naman."

Nilapitan ko si Matthew, at ibinaba yung kamay nya na nakahawak sa noo. "Matthew, hahanapin naman natin si Wendell e. Nandito kami, wag mo masyadong palakihin yung problema."

 

"Mirae! Minsan naiisip ko..bakit pa ako nakipagkaibigan sayo?! Minsan naiisip ko, bakit nagustuhan pa kita! Minsan naiisip ko.. Hindi naman talaga tayo naghahanap dito e! Hindi! Hanggang salita lang tayo.. Admit it!" gigil na gigil niyang sabi, sabay atras ng konti papalayo sakin.

"Matthew.."

 

"Kung may nalalaman na kayo kung sino talaga gumagawa nito, saka niyo lang ako lapitan at sabihan! Hindi yung tumutulong ako sa wala! Hindi yung tumutulong ako sa bagay na hindi naman talaga hinahanap.. at hinahanapan ng paraan." sabay pasok na uli nya sa libing ni Lucy.

Nagbago si Matthew.. Nagbago nga talaga sya.

"Mirae," hinarang ko yung likod ng kamay ko at kung sino mang hahawak sakin at kakausapin ako.

"Tama si Matthew.. Wala naman talaga tayong nahahanap.. Wala naman talaga tayong ginagawa.. Para lang tayong naghihintay sa kasunod na gagawin nung killer.. Excuse." sabay lakad ko na rin papasok sa libing ni Lucy, para lang magpaalam na aalis na muna ako.

"Mirae.."

"tutulong parin ako, yun ay kung may maitutulong.. Magpapahinga lang." sabi ko saka naghanap ng masasakyan.

×TORY×

 "Lagi niyo na lang sinasaktan best friend ko!" nagagalit na sabi ni Mirella samin, habang tinuturo turo pa kami. "Kahit napapagod na sya, at nahihirapan.. Pinipilit naman niyang tumulong e! Lagi nga lang kayong umiiwas!"

 

"O, teka nga Mirella. Si Matthew--"

 

"Ikaw rin naman Pat e! Kahapon lang! Sinigaw sigawan mo si Mirae, e tama lang naman na pigilan ka nya sa pananakit kay Tory e. Palibhasa kasi gusto niyong maglabas ng galit! Pero hindi niyo namamalayan, yung galit niyo ay nalalabas niyo rin kay Mirae! Kaya nasasaktan sya."

Huminahon Sya. "Pagsabihan niyo si Matthew.. Dahil para na rin syang walang naitulong.. Nakasakit pa. Ge, bili lang ako inumin." sabay lakad papunta sa tindahan.

 
"Oh? Ano na?" tanong ni Andy.

 
Patingin tingin ako kay Pat. Gustong gusto ko na talagang magsorry e. Pero baka masayang lang sorry ko, pag hindi kaagad ako pinatawad.

"Uh, Pat...Ano..Uh," pero bigla naman syang pumasok na uli sa loob. Napatikom na lang ako.. Hindi pa nga nya ako mapapatawad.

'Mamatay na sana ako, para mapatawad na rin nya ako..'

Gaano ba kahirap patawarin ang taong wala naman talagang ginawang mali? Pero may mali naman talaga ako e.. Mali na, alam kong kahit ano gawin ko hindi nya/nila ako mapapatawad..

 
Pero alam kong wala akong kasalanan..

 
"Intindihin mo muna sya, Tory.. Ganyan rin ako nung magsosorry sakin si Lucy." sabi sakin ni Andy habang tinatapik tapik yung balikat ko.

 
"Hindi ko sya maintindihan Andy....Sinabi ko namang hindi ako ang pumatay kay Lucy, pero.. Tsk." pumasok na lang rin ako sa loob, pero hindi ako nakiupo sa tabi ni Pat ah.

 
Mapapatawad pa naman ako ni Pat.. Hindi pa lang sya handa kasi, hindi pa nya kaya.. Umiiyak parin sya sa sobrang lungkot..

 
"Mapapatawad pa nya ako.." tatango tango kong sabi.. Oo, mapapatawad pa nya ako. Tiwala lang.

Hindi naman masisira pagkakaibigan naming lahat diba? Hindi naman diba?

Hindi nga ba?

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon