Chapter 30: Farewell

606 27 1
                                    

×TORY×

Ano ba yan..

"Aww... Ang sakit." sabi ko habang hawak hawak ang ulo ko.

Ano bang nanyari?

Nilingon lingon ko ang paligid.

Bakit nasa school ako? Aish. Nagka-amnesia ba ako?

Isip tory. Isip. Isip tory. Isip.

~FLASHBACK~

"Uh, Lucy mauna ka na sa pupuntahan mo babalikan lang kita ha? Nawiwiwi kasi ako e."

"Oh, sige magkita na lang tayo sa 3rd floor sa building natin."

"Sa 3rd floor?"

"Bakit?"

"Pero y-yung killer--"

"Bakasyon ng killer ngayon..Nakakasigurado ako dyan. Mabilis lang naman to e, kailangan ko lang talagang masubmit na to bago matapos ang Christmas Vacation."

Niyakap ko sya bigla. "Magingat ka ha? Magingat ka..." bumitaw na kami sa pagyayakapan, at nagpunta na sa aming pupuntahan.

~END OF FLASHBACK~

"Lucy?" Tama. Oo tama. Nandito kami ni Lucy, dahil pinasama sya sakin.. "Lucy?" hinahanap ko na sya patayo palang ng maalala ko ang nanyari pa.

Si Lucy. Si..

"MY GOD LUCY!"

Tinulak nung killer si Lucy. Oo tinulak nga sya!

Agad akong dumungaw sa baba, at nakita ruon sina Andy na uga uga si Lucy. Nagpa-panic sila..

"LUCY!" sigaw ko kaya nagtinginan sila sakin. Nakita kong tumakbo si Patricia, at siguro paakyat sya rito. Kaya asalubungin ko na, at bumaba na rin ako ng hagdan.

Pero nung malapit na ako sa ground floor, nasalubong kagad ako ng napakasakit na sampal.. Galing kay Pat.

"Pat--"

"HOW DARE YOU?!" sabay sampal sa kabila ko pang pisngi. "Anong ginawa mo kay Lucy?! ANONG GINAWA MO SA KANYA?!"

"Pat tama na!" sabay hawak sa dalawang braso ni Pat kaya hindi natuloy ang pagsampal sakin ni Pat. Si Mirella at Warren ang lumapit sakin.

"She killed Lucy! Sya! SIYA!" sigaw ni Pat habang tinuturo turo ako.

Kahit hirapan na akong magsalita, magsasalita ako. Iyak lang naman ang dahilan kaya nahihirapan akong magpaliwanah e..

"Pat, hindi ako.. Pat yung killer-- *pak!*"

"Patricia ano ba?! Tama na!"

Biglang pumiglas si Pat at hinarap si Mirae. "Mirae! Pinatay nya sa Lucy! Pinatay nya BESTFRIEND NATIN! HINDI KA MAN LANG BA MAGAGALIT?!"

"Wala pa tayong naririnig na paliwanag sa kanya! Pat makinig ka muna!"

"No!"

"Patricia.. Y-yung killer ang pumatay--"

"*pak!* Kasabwat ka nung killer! Obvious naman e diba?! Hindi mo manlang kami tinawagan sa nangyari kay Lucy. Hindi mo man lang sya niligtas sa killer!"

"Patricia sumosobra ka na! Hindi ako kasabwat!" sigaw ko na sa kanya.

Grabe naman kasi sya mambintang. "Sana kasi ikaw na lang ang sumama kay Lucy dito! Edi sana ikaw nakakita ng lahat ng nangyari! Hindi ako kasabwat ng killer! Hinding hindi! Patricia naman e! Hindi ba pwedeng kinuryente ako nung killer, kaya hindi ko naligtas si Lucy?! Atsaka si Lucy! Bumitaw sya ng kanya! Kaya hindi ko sya nailigtas! Okay na ba?! Kung hindi mo parin ako naiintindihan, pwes wala na akong magagawa! Nasabi ko na lahat! Lahat lahat! Ikaw na lang magintindi nun magisa mo! *pak!*"

"Enough..." mahinahon nyang sabi. Umiling iling ako, saka nagwalk out. Habang umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Dahil ako pa talaga ang napasama.

Ilang beses nila akong tinawag tawag, Pero hindi ko sila pinapansin.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang gusto ko lang.. Ay ang makalayo. Nasaktan ako.. Nasaktan ako sa mga sinabi ni Pat. Nasaktan ako kasi hindi ako manhid.

Nagulat ako nung paglingon ko ay nakita ko yung guard. Patay na. Mas lalong lumala ang pagiyak ko.. Mas lalo.. Ayaw ko na. Ayaw ko na talaga. Gusto ko ng tumigil sa gulong to. Ayaw ko ng makisali pa. Ayaw ko ng mangialam.

Ako rin naman pala ang mapagbibintangan..

Hindi ako pumapatay... Pero bakit yun ang iniisip nila? Ni Pat?

×MIRAE×

"Pat--" natigil ako sa biglang pagharang ni Pat ng kamay nya sa mukha ko.

"Mali ako diba? Edi sige mali ako. Mali ang magreact ng ganto, dahil BESTFRIEND ko lang naman ang NAMATAY e. Diba? Diba Mirae? BESTFRIEND lang naman NATIN ang NAMATAY.. Diba?" sabi nya habang nakatingin sakin ng masama.

Magsasalita na sana uli ako pero naunahan ako e. "Si Andy nga e, na wala namang kinalaman si Lucy sa pagkamatay ni Kathy galit na galit si Andy kay Lucy diba? ako pa kaya na bestfriend si Lucy. Tapos malalaman mong patay na sya, samantalang kasama nya si Tory?!"

"Sorry Patricia.. Ayaw ko lang na magka--"

"Nagkaaway na Mirae.. May magagawa ka pa ba? Ang hilig mo kasing pumigil! Palibhasa hindi naman kayo matagal na naging magkaibigan ni Lucy e!" sabay walk out ni Pat.

'Ayaw ko lang mawalan ng kaibigan dahil sa killer.'

"Tahan na Mirae.." sabay punas ni Warren ng panyo nya sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Wala akong magawa pero ito lang.. Ang yakapin ng mahigpit si Warren at umiyak..

"Ssshh.. Tahan na Mirae." himas himas ni Warren yung likod ko. At naramdaman ko namang naglapitan na rin yung iba sa akin, hinimas himas na rin yung likod ko.

"Mahalaga..N-naman sakin si L-lucy e.."

"Alam ko.. O sige na.. Iiyak mo na lang lahat, basta pag tapos ka na.. Gusto ko nakangiti ka na.." tumango ako, or baka humihikbi lang kaya napapatango.. Ewan.

Sana... Sana walang gulong pumasok sa friendship na to. Makikilala rin naman namin yung killer e. Tiwala lang. Tiwala lang.

Haharapin at haharapin namin ang pagsubok.. Pero sana... Sana sa pagsubok na iyon, walang mamamatay.. May masaktan man, basta walang mawawala..

Mahalaga sakin ang magkaroon ng kaibigan... Sobrang halaga

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon