Chapter 41: Amnesia?

675 29 1
                                    

×ROXANNE×

Now, you know who's the killer. Natutuwa ako dahil kilala niyo na ako.. Nakakairita, kapag ang tawag sakin ay--Someone.

-____-

"Baby Wends, may ime-meet na tayo, At alam kong ikatutuwa mo iyon.. Pero hindi ako papayag na maging masaya ka, habang ako hindi." sabay halik ko ng saglit sa labi niya.

Nakasanayan ko na ang paghalik sa kanya, dahil patay na patay ako sa kanya. Hindi ako nasasaktan pag sinasabi niyang hindi niya ako gusto at malandi ako.. Dahil hindi ko naman yun nararamdaman paghinahalikan ko na sya e. Dahil tumutugon sya sa mga halik ko..

"Mamatay ka sana! Kung gusto mong makasama ang taong nawala sayo, hindi ka na lang sana gumanti at sumunod ka na lang dapat sa kanya sa impyerno!"

"HINDI IMPYERNO ANG PINUNTA NG ATE KO, KAYA HINDI IMPYERNO ANG PUPUNTAHAN KO ORAS NA MAMATAY AKO! TANDAAN MO YAN! SI MIRAE ANG MAPUPUNTANG IMPYERNO! SIYA!" sabay padabog kong ni-lock yung pinto kung saan sya nakakulong.

Alam niyo ba yung movie ni Mr. Bean nung medyo bata-bata, puro damuhan ang makikita niya at duon rin sya naghahanap ng masasakyan.

At nandito kami ngayon, sa lugar na yun.. Well, what I mean is, ganun ang itsura kung nasaan kami ngayon. Wala masyadong taong nakakadaan..puro kotse lang na parang nakikipagkarera sa bilis dahil walang traffic.

Binuo ko ang maliit na bahay na gawa sa kahoy na to, kung saan ko balak ikulong ang taong ayaw ko pa munang patayin, na gusto ko munang unti-untiin.. At yuon ay si Mirae.

Akala niyo naman si Wends? Tss. Mahal ko sya. Mahal na mahal.

Itsurang bahay lang to, pero para ka lang nakakulong sa isang napakalaking kahon. Kung hindi magkakaroon ng araw, wala kang makikita, kundi mata at ngipin mo lang. Unless, hindi maputi ngipin mo.. *evel smirk*

*BZZZT BZZT*

Speaking of the KILLER.

To: 09985304354

I'm almost there.

From: Mirae

Sa lugar na to, malapit ka ng konti sa bangin. Duon ako gumawa ng plano, at dito ako sa lugar na to, nagsimulang gumanti.. At lumaban.

"Sorry I'm late."

"Ngayon ka lang ulit na late, anyare?" tanong ko ng deretso lang ang tingin sa labas.

"Para kasing--"

"May naaalala ka? Tss. Jef, Wala kang amnesia. At kung meron man, hindi ko iyon sasabihin sayo.."

Napansin ko sa gilid ng mata ko nung mapatingin sya sakin ng kunot noo. "Bakit hindi mo sasabihin sakin?"

"Dahil ikasisira lang yun ng plano ko."

"Pero--Bakit?"

"Basta. Ayaw kong may malaman kang pwedeng ikasira ng lahat ng pinaghirapan ko..."

"Kung makapagsalita ka, parang may amnesia nga ako ah?"

"Tss. Wala kang amnesia, sinasabi ko lang sayo." sabay alis ko na at naglakad lakad lang ng konti. Ang init sa labas pero, sa sobrang excited ko... Wala na sakin iyon, mapatay lang si Mirae at ang kapatid niya, masaya na ako. Masayang masaya.

Nakalimutan ko pang replayan si Mirae. Kaya ngayon tinext ko na sa kanya kung saan ulit banda.. Binigyan ko sya ng 15 minutes at pag wala pa sya, wala na rin si Baby Wends.

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon