Chapter 26: Betty needs help...

639 35 2
                                    

×LUCY×

"Salamat po." sabi ko dun sa tricycle driver, saka dali daling pumasok ng school. Mukhang may mga nagpaparty party nga sa bawat classroom.

 
Pagakyat ko sa 3rd floor, puro mga nagkakagulo sa labas, sa may Hallway. At nakita ko sina Mirella at Mirae, na mga nagiiyakan. Napalingon sakin sila, at bigla nila akong tinawag at dali dali silang lumapit sa akin, saka ako niyakap.

 
"Anong nanyari dito?" tanong ko sa kanila.

 
"H-hindi ko alam..B-basta ang..ang daming na-namatay." sabay hagulgol uli ni Patricia.

 
"A-ano nga palang importante mong sa-sasabihin, Lucy?" tanong sakin ni Mirella. Sasabihin ko kaya? No. Wag.

 
Umiling iling ako. "Wala..Okay na pala. Tara baba na tayo--Ah, wait paalam na muna kayo kina Matthew." sabi ko.

 
Tumango tango sila at sinubukan nilang lumapit kina Matthew na tumutulong sa mga janitors. Bakit bumabalik na naman yun killer? Dati wala namang namamatay kasi walang pumapatay..Ano ba ang meron na naman, at bumalik yung killer?

 
"Lucy.." ang lagong nung boses, at sa dahang dahang paglingon ko, may nakita akong lalaki. Lalaki sa may hagdan, nanlaki mata ko sa pagtakbo nya papalapit sakin.. At mas lalo na sa pagtulak nya sakin, back diving.

 
"AAHHHH!" tumakbo na yung killer palayo. Buti na lang napakapit pa ako. 3rd floor pa man din to, isang bitaw ko lang patay na ako nito.

 
'Kumapit ka lang Lucy, kapit.'

 
Napapatingin ako sa baba, at nakita duon yung lalaki, nagwave pa sya sakin saka sya tumakbo palayo, tumingin ako sa Hallway pilit iangat ang ulo ko para makita ako nina Mirae.

 
"MIRAE!! MIRAE TULONG!!" marinig nyo sana ako Mirae. "AHHH!" napabitaw yung isa kong kamay pero agad ko ring binalik, ayaw ko pang mamatay.

 
"Oh my God! Lucy!" nakita na ako ni Patricia, at kinuha nya yung kamay ko para hilahin paakyat, tumingin sya sa daan.

 
"MATTHEW! TORY! GUYS! TULONG!" at naglabasan naman sila, at lumapit kay Pat.

 
"Lucy anong nanyari sayo?!" gulat na tanong ni Mirae sakin. Nakaapak na ako sa sahig, okay na ako ligtas na ako. Pero..Bakit umiiyak pa ako? Bakit nanginginig pa ako sa takot? Alam ko namang hindi naman siguro mauulit pa to.

 
Takip na takip ng kamay ko ang mukha ko, iyak na iyak, nanginginig sa takot. Bakit naman kaya ako tinulak nung killer?

Nang may maramdaman akong init sa katawan...May naramdaman akong brasong nakayakap sakin, pero kung sino man sya salamat..At niyakap ko na sya pabalik, saka lubos pang umiyak.

 
"Anong nanyari sayo Lucy?" himas na himas ni Tory yung likod ko. Umiling iling lang ako. Wala pa akong ganang magkwento tungkol sa nanyari.

 
Dahil iisa lang naman ang masasagot ko e, tinulak ako nung killer. Bakit ko pa ikwe-kwento e kung pwede naman paikliin?

 
"Andy ikaw muna bahala ha?" Andy? Teka...Yung nakayakap ba sakin, ay si..Andy?

 
Bumitaw ako sa pagkakayakap pero di ko nagawa dahil hinila nya ako pabalik sakanya, hinawakan ang ulo ko at niyakap uli. "Iiyak mo na lang muna habang yakap yakap pa kita.."

 
Wala naman akong magagawa kaya niyakap ko na lang rin uli sya. Mabait naman talaga si Andy e.

 
×MIRAE×

Andito ako ngayon nakakulong sa kwarto..Yun ay dahil ayaw kong makausap ang Mommy't Daddy ko. Natakot talaga ako sa nanyari kahapon. At mas lalo na nung nakita namin si Lucy na mahuhulog sa floor. kinabahan ako. Pero mas kinabahan ako nung nakaramdam ako ng kaba..na para bang may masamang manyayari sa di ko alam kung kelan.

 
"Mirae, kain ka na."  Ang boses na yun. Yun ang boses na sumisira sa araw ko. Bakit ba ako naging mabait nuon? Kung mauuto lang pala ako?

 
"Oo magintay ka! Mamaya ako kakain!" sigaw ko.

 
At mukha namang wala na yung babaeng yun sa pinto. May sasabihin akong sikreto..Sikretong hindi ko na lang ikwe-kwento pero sasabihin.

 
Pumatay ako....

 
Betty calling... Nagtataka kayo bakit may number na ako kay Betty? Yun ay dahil minsan nakakausap ko pa yun. Akala ko nga isa sya sa napatay nung killer sa Christmas Party e.

"Oh, Betty."

 [Mirae..] ang hina ng boses nya, nanginginig pa ang boses. Anong problema?

 "Teka asan ka? Ang hina kasi ng--"

 [Mirae, tulungan mo ako..] at narinig ko ang pagsinghot nya, umiiyak yata to. Teka, nasa killer ba sya? Kinidnap ba sya?!

 "Asan ka ba Betty?"

 [Puntahan mo ako, Mirae...N-nasa b-bahay ako..D-dumating parents ko..Mirae, b-bu-bubugbugin nila a-ako.] teka, binubugbog sya ng parents nya?

[Ikaw lang matatawagan ko..B-bumalik yung, yung p-parents ko Mi-Mir--]

 
"BETTY! ASAN KA?!" rinig ko sa kabilang linya.

 
Nanlaki mata ko sa boses na yon, nakakatakot ang boses. [Mirae, p-puntahan mo ko..S-sa Diamond St--]

 *toot* toot*

 Bakit sobrang takot na takot naman tong si Betty? Sa balita laging may nabubugbog na anak, ganon kaya yung pambubugbog nungparents nya kay Betty?

 
×BETTY×

"Sinong kausap mo?" hila hila ni Mommy yung buhok ko, at nagsisimula na akong umiyak sa takot. Umiling iling ako.

 
"W-wala po Mommy... S-sa school--"

 
"Sa school?" napa-aray ako sa paghila uli ni Mommy sa buhok ko. "Saturday ngayon, at bakasyon nyo! Pano magiging tungkol sa school huh?!"

 
"Aray po!" binitawan na ni Mommy yung buhok ko sa pamamagitan ng pagtulak nya sakin kaya napasandal ako sa kama ko. Pilit umatras pero walang maatrasan.

 
Nakaready na ipampalo sakin ni Daddy yung belt nya. "Daddy, wag po..AH! Daddy, masakit! Aaray!"

 
Si Mommy at si Daddy..Napulot lang nila ako. Sa hindi ko inaasahan, habang lumalaki ko, napapansin kong..Baliw sila, may sira sa ulo..

 5 kaming magkakapatid.. Si Kuya Paul at si Ate May, Namatay dahil sa pambubugbog ni Mommy at Daddy sa kanila. Dahil sa isang pagkakamali, ito na ang inabot nila.

 Si Junior at Vince, kambal sila, parehong 7yrs old. Nilayo ko sya kina Mommy, dinala ko sya sa DSWD nuong 14 pa lang ako nuon, kaya galit na galit sakin si Mommy and Daddy sa ginawa ko.

 
Aray lang ako ng Aray pero hindi nila pinapansin. At ito, na may kausap lang sa phone, binugbog na ako ni Mommy at Daddy. Masakit. Sobra. Pinulot pa nila ako, ito lang pala ang aabutin ko.

 
Tulong...

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon