Chapter 2: "M" ?

2.2K 72 11
                                    

×MIRAE×

1week later...

Naging marami na ang mabait sa akin, nakilala ko na nang mabuti si Lucy, Tory at Patricia. Pati na rin si Wendell at Warren tsaka si Andy at Matthew. Di namin kaklase si Wendell, Matthew at Rebecca pero may communications rin pala ang 2sections dito.

Pero bakit dadalawa lang ang section dito, sa hinaba habang ng hallway. Dadalawa lang..

Nakakatakot pumasok. Haisst! Makatayo na nga sa kama. Pero syempre naligo na muna ako saka ako kumain ng breakfast. Pero nung nakita ko si Mommy, wala na. Sira na mood ko.

"Good morning" bati nya sakin.

"Shattap" sabi ko. Isang subo na lamang ay pagkatapos yun tumayo na ako at lumabas ng bahay kasama nung bag kong may lamang libro. Lagi naman akong naglalakad na.

Malapit na kasi ako sa school e, mga 2kanto lang nasa school na ako..

Pagdating ko sa school ay pumasok na ako dun, tiningnan ko yung relo ko. 7:20 na pala? Nako late na ako! Wala nang estudyante pa dito malamang nandun na sila sa loob nagdadasal.

Pagdating ko ng 3rd floor, napalingon ako sa likod ko, may sumusunod yata sakin. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Ako lang yata dito ang nale-late e.

Mas bumilis tibok ng puso ko nang may dumaan na babae papunta dun sa section nya kung saan may namatay dun last week.

Pumikit na lang uli ako at nagmulat habang nagbubuntong hininga saka pumasok ng classroom. Pagpasok ko, ang daming nanginginig ang katawan at umiiyak. Kahapon lang ang saya saya ah.

"B-bakit anong meron?" Tanong ko kay Patricia habang paupo ako sa upuan ko.

Humarap sya sakin. "Wala na si Ms Lorraine. Patay na. May pumatay..." nanlaki yung mga mata ko.

May... p-pumatay? B-ba-bakit naman sya pinatay? Samantalang after nung may lalaking namatay okay pa naman si Ms Lorraine ah. May pumapatay ba dito sa school na to?

"Lahat ng tao sa paligid, hindi natin alam ang totoo nilang mukha. Kasi natatakpan ng peke nilang mukha kasama ng peke nilang ugali ang kanilang totoong pagkatao."

Kinabahan ako at natakot sa sinabi sakin ni Warren. May kakaiba yata sa sinasabi nya ngayon? Naging seryoso sya.

"Tulad mo... siguro hindi yan ang totoo mong pagkatao..." napaturo ako sa sarili ko at tumango naman sya.

May tinatago ba ako? Ito naman talaga ang totoo kong pagkatao ah? Ano bang meron? Bakit ba--

"Hello everyone" nagsibalikan yung iba sa upuan sa nagsalita. Ang creepy nya.. Yung buhok nya straight na straight nakadikit na nga sa magkabilang pisngi nya e. Tapos yung mata, parang may papatayin? Geez. Di ko pa nga alam kung may pumapatay ba dito..

"Napagutusan lang ako." Sabi nya samin, habang nakangisi isa isa niya kaming tinitingnan. "Bubunot kayo dito ng letra.... Letra lang. Bawal pa syang tingnan sa bahay na paguwi." Sabi nya.

Nagsibunutan na nga kami, mukhang excited naman yung iba pati sina patricia at Lucy lalong lalo na si Andy at Warren. Ako? Natatakot. Nung nakatapat na sakin yung box, bumunot na ako.

Pagkatapos naming bumunot, ay may pahuli pang sinabi samin yung babae. "Wag nyo munang titingnan. Pero kung di kayo makapaghintay at tiningnan nyo na.... Kawawa kayo."

Sabay labas na nya ng room, malakas nyang isinara yung pinto kaya may napairit sa takot.

"Yung mata nya parang papatay!" Sigaw ni Andy habang nanginginig yung kamay.

Kimabahan ako sa sinabi ni Andy, parang nga. Muli kong natingnan yung papel. Excited na rin akong makita ang nakasulat dito.. Pero binulsa ko na lang sya muna.

Nilabas ko cellphone ko para magbasa ng wattpad, binabasa ko yung special section..

"Wag kang magpakasarap sa pababasa nan" pinatay ko kagad cellphone ko at binulsa habang nakakunot ang noo ko sa kanya.

"B-bakit naman?" Tanong ko kay Tory.

"Kung magbabasa ka lang ng magbabasa ng mga ganyan.. kawawa ka.. wala kang alam sa mga manyayari." Paliwanag nya sakin.

"May manyayari pa b-ba?" Tanong ko. Tumango sya.. "a-ano?"

Umupo sya sa may harapan ko. Nagbilog bilog ng mga upuan e. Wala daw pang teacher ang makakapagturo samin.. Naghahanap pa. Kahit nga yung kabilang section e.

Kaya kami ay mga nagkakatipon na rin. Sina Warren, Andy, Patricia at Lucy. Naguusap tungkol sa kung ano ang meron dito..

"8 sections ang meron dito sa floor na to. Pero nababawasan dahil sa mga namamatay..." panimula ni Patricia sa usapan. "25 or 30 years ago, may nakapasok sa school na to na may parang bang baliw. Sa mismong floor na to, sa hallway lang na to.. dito sya pumapatay.."

"Hanggang sa, naging anim na lang ang section dito..." sabi naman ni Lucy.

Nakakatakot... ang tagal na nun pero bakit meron pa hanggang ngayon? Hindi ba sila tumatanda para makapagpatuloy sila sa pagpatay?

"Pero bakit naging dalawa na? Sila parin ba yun?" Tanong ko.

Nagkibit balikat sila.. "basta ang alam lang namin.. may pumapatay.." sabi ni Andy.

Kulang naman sila a information! Natatakot ako. Gusto kong lumipat ng school pero.. Pero alam kong di papayag si mommy sya pa ba?

"Pero kahit wala nang pumapatay.. wala parin tayong karapatan magalit ang kahit na sinong estudyante dito. Dito lang sa 3rd floor. Wala tayong karapatan galitin ang kabilang section, or kahit dito..." singit ni Warren.

"Bakit?" Sabay sabay naming tinanong.

Nagbuntong hininga sya.. "kasi hindi natin sila LUBOS na kilala. Kahit pa matagal ng nakakasama... hindi parin naman natin alam kung totoo ba sila o hindi. Kung totoo ba na sila ang kaibigan natin.. kung totoo ba ang pagkatao nila.."

"May nagkukunwari ba?" Tanong ni Lucy.

"Lahat tayo.. nagkukunwaring mababait.. lahat tayo may tinatagong masamang ugali.." nakakakilabot. Bukod sa may pumapatay ATA, di pa natin alam kung sino ang totoo at kung sino ang hindi totoo.

Ako siguro.. hindi nga siguro ito ang totoong pagkatao ko. Dahil kung tutuusin, pag kaharap ko si mommy, nagiging masama ako. Pero, mabait parin naman ako..

***

Umuwi na ako sa bahay, at nakita kong pagpasok sa loob ng bahay, wala si Mommy. Nasa mga anak nya sa labas siguro, wala e, yun lang namam ang mapupuntahan nya e.

Pumasok na ako sa kwarto ko.. nagpalit, at inayos yung mga sasagutan kong assignments. Pinasulat lang sa board pero di kami tinuruan, ewan ko ba ang tatamad ng iba...

Hanggang sa napansin ko yung sa bulsa ko. Habang inaalis ko kasi yung mga laman sa bulsa ko, ay naramdaman kong parang may papel.

"Ito na siguro yung pinabunot kanina.." sa sobrang excited ko, binuksan ko na..

Pagkatingin ko dun.. iisang letter nga lang naman pero ano bang ibig sabihin ng M?

Maganda

Mabait

Matalino

Mayaman

M....asama?

Alin kaya sa mga yun?

09985304354 calling....

HallwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon